Chapter Twelve

2332 Words
Chapter Twelve                               Rain     PANGHULING ARAW NA NILA EIRA DOON SA BAKASYON NILA SA TAGAYTAY. Noong unang araw nila doon eh medyo marami din silang ginawa. Nag-road trip sila at nag-ikot ikot sa Tagaytay. Akalain niyong iyon ay ideya ng mga magulang ni Micco? Hindi niya talaga inakala na bagets kung mag-isip ang mga magulang ng mga ito. Nakakatuwa. Napadpad pa sila kung saan-saan sa maliliit na bayan na may magagandang tanawin na hindi pa nadidiskubre ng marami. At nang kumain sila eh sa gilid lang ng daan dala ang mga baon nilang ang mga lalaki mismo ang naghanda. Kahapon naman, mga indoor activities lang ang ginawa nila. Umulan kasi buong araw. Pero kahit nasa loob lang sila eh masaya parin naman. Sa rest house na din naisipan ng mga pamilya ng barkada ni Arjh na magpalipas ng gabi dahil nakainom na ang mga ito. Nasa iisang kwarto lang sina Micco, Corby, Zeke, Vin at Arjh. Sila naman ni Chantal ay sa isa pang kwarto. Ang mga mother naman kasama si Tita Mardel ay nagkasundo na matulog sa iisang kwarto din, while their husbands are in another room. Parusa kasi nalasing daw ang mga ito. “Morning.” bati niya kay Chantal na nag-aayos ng higaan. Pagkagising niya eh wala na ito sa kama nito. She smiled, “Good morning, Ate.” Lumapit ito nang mabilis sa kanya at hinawakan siya sa braso saka hinila palabas ng kwarto. “T-Teka, Chantal. Hindi pa ako nagsusuklay.” reklamo niya nang tumigil sila sa harap ng pinto ng kwartong inookupa ng mga lalaki. Kakatapos niya lang kasing maligo. “Maganda ka parin, Ate.” baling nito sa kanya. “Shush, ka lang ate ha?” she said and grinned saka dahan-dahan na pinihit ang pinto. Nanlaki ang mata niya nang maisip ang gagawin nito. “Chantal!” pabulong na sigaw ko. Eh kasi naman, pasukin daw ba ang kwarto ng mga lalaki. Naku naman! Pinigilan siya nito at mabilis na hinila papasok. “Sshhh, Ate. Ngayon lang naman. Hihi.” Lagot na talaga sila neto. ”Ano bang gagawin mo dito?” bulong niya. Itinaas nito ang hawak na phone at nakangisi ng malaki. “Tig-iisang shot lang naman sila. Mabilis lang talaga ito, Ate Ei. Sandali lang.” she whisphered back and started taking shots. Medyo madilim sa loob kaya kinailangan ng flash. Nahihiya talaga siya sa nangyayari. Pag nalaman ito ng mga nanay at Tita nila ay baka kung ano pang isipin ng mga iyon. “Psst! Psssstt!” Inaninag niya si Chantal na tumatawag. “Halika, Ate. Dito, bilis!” tawag nito pero umiling lang siya. Masyadong madilim eh at baka may maapakan siyang gamit. ”Dali na, Ate. Bilis!” She sighed and rolled her eyes habang nag-iingat sa paglalakad gamit ang ilaw ng cellphone niya. “Oh, bakit?” tanong niya nang makalapit dito. “Diyan ka lang tumingin ha, Ate?” turo nito sa madilim na direksyon. “Bakit? Ano bang—” “Wag!” pigil nito sa kanya, iilawan niya kasi sana ang itinuro nito. “Wait ka lang, Ate. Basta sundin mo lang yung sinabi ko. Diyan ka lang tumingin ha?” She groaned. “I don't like this.” Tumawa lang ito. “You're gonna like this, Ate. Dali na. Doon ka na tumingin. No peeking okay?” She rolled her eyes and followed what she instructed. Sige na nga para matapos na ito. She focused her attention on the direction Chantal said. “Ano na?” naiinip niyang tanong. “Pagbilang ko hanggang lima. Hehe. Ready ka na?” “Oo. Bilis na at nang matapos na ito.” “Okay. 1... 2...—” “Aahhh!” sigaw niya pero may nagtakip sa bibig niya. “Shhh... Sshhh. Damn it! Close those f*****g curtains Chantal!” sigaw ni Arjh na siyang nagtakip ng bibig niya. Saka niya lang din napansin na nahila na siya nito sa kama. Tawa lang ng tawa si Chantal sa sinabi ng kapatid at mas nilakihan ang pagbukas ng kurtina dahilan para magising ang iba natutulog doon sa kwarto. “Wakey-wakey, boys! Dali na, gising na kayo. Sabi ng gising na eh!” sigaw ni Chantal at pinaghahampas ang mga ito ng unan. Wala kasing nakinig kaya ayon nahampas tuloy ang mga ito. “Oww! Love! What's wrong with you?” dinig niyang reklamo ni Micco. “Wag mo akong ma-love-love diyan. Bangon na! Hoy! Hoy, Zeke! Sige yakapin mo pa iyang si Corby at ipapadala ko kay Razel itong kuha niyo. Sasabihin kong nag-iba na ang preference mo at hindi na sa opposite sex.” sigaw ni Chantal. “Chantal naman! Ang aga pa eh!” reklamo ni Zeke na pupungas pungas. “Oh, hi VP!” baling nito at ngumisi. Hindi niya naman magawang makasagot dahil nakatakip parin ang kamay ni Arjh sa kanya. “Isa! Pag hindi kayo lumabas malalagot kayo sakin. Hep! May pang blackmail ako sa inyo, heto! Kaya bilis labas na. Nagmomoment yung kuya ko kaya layas na kayo. Isa! Dalawa!” Ilang kalabog pa ang narinig niya at nakitang pagkadapa mula sa mga ito. Pati boses ni Zeke, “Teka lang yung pantalon ko!” sigaw nitong nagkukumahog makalabas ng kwarto. “Bye Ate Ei! Hahaha!” paalam ni Chantal at isinara ang pinto. Silang dalawa nalang ni Arjh ang naiwan doon sa loob. Omg! Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak nito. Saka lang din siya nito binitawan at umayos ng upo sa kama habang nakahiga naman siya. Pikit matang inabot niya ang unan at sumigaw. Juskolord! She heared him chuckle kaya sinilip niya ito. Ang pogi niya lalo na kapag tumatawa siya at nasisinagan ng araw. Arghhh! Ano ba yan! Namula siya nang lumingon ulit ito sa kanya at ngumiti. Ayan na naman ang ngiti niya! “Ngayon ka lang ba nakakita nang lalaking walang pantaas?” he asked smirking. Oo, tama ang narinig niyo. Walang suot na pantaas si Arjh. Naka sweatpants lang ito. Hindi naman iyon eh. Kasi naman… Kasi... Ang ganda ng katawan niya! May abs teh! Hindi niya alam na ganito kaganda ang katawan ni Arjh. Idagdag niyo pa ang pagtatagalog niya. Ugh! Ang hot ng tagalog niya eh. Arjh naman! Lihim siyang napaungot. “This is how I sleep. Chantal knows that.” saad nito. Napapikit siya. Malalagot na talaga sa kanya ang Chantal na iyon. Nagpapa kupido lang talaga eh. Pangalawang beses na siya nitong nabiktima. Dahan-dahan siyang bumangon at nag-iwas ng tingin dito. She can't focus with his abs on view! “Umm. Lalabas na ako. G-Good morning.” Nagmamadaling tinungo niya ang pinto. “Locked.” usal ni Arjh. Pagpihit niya sa pinto ay hindi niya iyon mabuksan. What the? Kahit anong gawin niya ay ayaw talagang bumukas. Saka niya naalala ang sinabi ni Arjh. Don't tell me may voice command ang lock na ito? Argh! Panigurado iyon. Inis na nilingon niya ito, “Buksan mo nga—argh! Magbihis ka nga Arjh!” bulalas niya at napatalikod ulit dito. He laughed. “Your so cute, Eira.” Inis na nagmartsa siya palapit dito na prenteng nakahiga sa kama. Pinameywangan niya ito. “Arjhun delos Reyes! Buksan mo na sabi ang pinto eh—ahh! A-Ano ba? B-bitiwan mo nga ako.” pilit na itinutulak niya ito palayo. Bigla ba naman siyang hilahin pahiga! Natigil siya at nanlaki ang mga ata nang inipit nito ang mga kamay niya sa ibabaw ng ulo niya saka niya napansin na magkaharap na sila, him on top, her, pinned on the bed. “A-Arjh.” kinakabahang tawag niya. He smirked, “Cat got your tongue?” She removed her gaze away from him. Naasiwa kasi siya. Unti-unti niya nalang naramdaman ang pagbitaw nito sa kamay niya at ang pag-alis nito sa pagkubabaw sa kanya. She felt his hand on her waist pulling her closer to him. Ang isang braso naman nito ay ipinaunan nito sa kanya. OMG! Lord, heaven na ba ito? Jusko! Kaharap niya lang yung dibdib ni Arjh. OMG! Hindi na inosente ang mga kamay niya dahil nahawakan niya ang abs ni Arjh! Waaahh! Ramdam niya ang paghapit sa kanya lalo. She can't even utter a word dahil baka kung anong masabi niya at madulas pa siya. “Let's sleep again, Ei. My head is throbbing like hell.” Napalunok siya ng malaki. “P-Pero, b-baka hanapin nila ako. T-They might walk in on us like this. Baka kung anong isipin nila.” She felt his kiss on her hair. “Believe me, they can't open that door. I can only do it. Now, let's get back to sleep.” Paano pa siya makakatulog gayong ito ang kayakap niya? Arjh naman eh! Grabeng torture naman ito!     “Wow! Ang ganda naman!” manghang saad ni Chantal habang nakatingin sa Taal Volcano. It is indeed a sight to see. Nag-decide kasi silang lahat na magtrailling sa Taal Trail para makakuha ng magandang view. Kaya heto nga sila. She was taking a few shots nang tawagin siya ni Tita Merdel. “Eira! Let's go!” sigaw nito dahil nasa huli na siya. “Coming! —Aww!” daing niya nang madapa. Sinamaan niya ng tingin si Arjh. “Anong problema mo? Bakit mo ako pinatid?” Imbis na sumagot ay yumukod lang ito at tinignan ang paa niya. Pilit niya naman iyong iniiwas pero mapilit ito. “Hija, okay ka lang ba?” tanong ni Tita Merdel nang makalapit sila ng Mom ni Arjh sa kanila. Tumango siya pero ang nagsalita si Arjh. “I think I'll bring her back home. Her ankle is strained.” Nagtatakang nilingon niya ito. Strained? Is he kidding? Ni wala ngang masakit sa paa niya. Nang madapa lang siya nasaktan pero wala naman siyang naramdaman sa ankle niya. “Oh my God! Tara, bumalik nalang tayo sa rest house, Eira.” nag-aalalang wika ng tiyahin niya. “I'll take her back there nalang po. Just continue with the activity. Sayang naman po kung aalis kayo. I can take care of Eira.” Pag-offer ni Arjh. “Pero—” “Don't worry, Merdel. My son knows what to do. You can trust him.” Arjh's Mom said while tapping her aunt on her shoulder. Nagdadalawang isip ang tiyahin niya bago napapayag at na-assure ng mga ito. “Take good care of her, hijo.” “I will, Ma'am.” may diing saad ni Arjh bago siya i-piggy back ride. “Let's get you home.” saka ito naglakad habang karga siya pababa ng trail at pabalik sa daan. “What was that?” takang tanong niya kay Arjh nang maiupo siya nito sa front seat. Inayos nito ang seatbelt niya saka umikot para maupo sa driver's seat. He started the engine saka siya binalingan ulit. He was grinning now and mischief was in his eyes. “Now, we can finally go out.” saad nito saka pinatakbo ang kotse. Go out? On a date? Iyon ba ang ibig nitong sabihin? She stared at him. Sinabi ba talaga nito iyon? “Yes, we are going on a date, Eira Chen.” saad nito na waring nabasa ang laman ng isip niya. Namumulang iniwas niya ang tingin ditto at walang salitang namutawi galing sa kanya. She was pretty much speechless. Kenekeleg siya! Shet! Gaya nga ng sabi ni Arjh ay lumabas nga sila. Dinala siya nito kung saan saan. Kumain sila ng mga street foods dahil sinabi niya, bumili ng kung anu-ano, nagpapicture at marami pa. She didn't know na may ganoong side pala si Arjh. He is so cute at palagi itong nakangiti, ibang iba talaga sa Arjh na student council president. Napangiti siya habang tinitingnan ang doufie naming dalawa na may background ng Taal. Iyon yung pinakagusto niya sa lahat kasi parang candid lang yung shot nila doon. Tumatawa kasi siya tapos bigla ba naman siyang halikan ni Arjh sa pisngi. Isinet niya iyon bilang wallpaper niya sa cellphone. “Here.” inabot nito sa kanya ang strawberry shake na binili nito at naupo sa tabi niya. “Thanks!” She sipped on it at napatingin sa mga taong kung anu-ano ang ginagawa sa park. Dito kasi siya dinala ni Arjh after ng nga ginawa nilang pag-iikot. “Did you had fun?” tanong nito maya-maya. She turned to him na nakasandal sa puno at ngumiti. Tumango siya. “Sobra. Thank you for this, Arjh.” Hindi na ito umimik at ngumiti lang. Napaangat siya nang tingin nang maramdaman niyang may pumatak sa balikat niya saka sa noo. She looked around at napansin na umuulan na. Mabilis siyang tumayo at nilapitan si Arjh. Tinapik niya ito. “Arjh! Bilisan mo. Bumalik na tayo sa sasakyan umuulan na oh!” Hinila niya ito patayo at tumakbo. Medyo basa na sila dahil malayo-layo yung pinagparadahan nila ng sasakyan. Nagtaka pa siya nang bigla itong tumigil sa pagtakbo. “Arjh! Arjh naman eh!” nagpapadyak siya. Nagulat siya nang hilahin siya nito palapit dito at niyakap. Napatingala siya dito. He was looking up. Basang basa na din silang dalawa dahil medyo malakas na ang ulan. Pero napatigil siya nang makita ang ngiti nito. He was smiling habang nakatingala sa langit. Nahigit niya ang hininga nang yumuko ito at tingnan siya. It felt as if time stopped between them. Ang naririnig niya lang ay ang malakas na kabog ng dibdib niya at ang bawat patak ng ulan sa kanya. He caressed her face and pushed a stray of hair away from her face. Mas naramdaman niya ang paghapit nito sa bewang niya. Is it her heart that was beating fast or his? Nawala ang ngiti nito sa labi at seryosong nakatingin sa kanya. She gulped when he started to lower his head to hers. Napapikit nalang siya nang maramdaman ang paglapat ng mga labi nito sa labi niya. It was more than she had imagined. It was the sweetest kiss she had. A kiss... With this sweet monster, Under the rain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD