Chapter 7 Kasundoan

1994 Words
Cleo * * " Inayos ko ang damit ko bago ako lumabas sa Porsche ko. Taas noo akong naglakad papasok sa prisinto. Napatingin saakin ang kapulisan nasipat ko si Kyle may kinakausap na babae habang may sinusulat sa papel. " Hepe! Pwede ko bang Hiramin si SPO3 Kyle Taraki. Buntis ako at siya ang Ama." Wika ko Sabay-sabay na napaubo ang kapulisan sa loob ng prisinto " Patay kang bata ka, Isang Shoun pa ang nabuntis ng Loko. " Bulalas ni Hepe " Ahemm! SPO3 Taraki. Huwag kana magkunwari na may ginagawa maawa kana sa tindera ng suman. palabasin mo na sya. " Natatawa na wika ni Hepe Tumayo ang babae na kausap ni Kyle. Napapangisi ako ng nakakaloko Inilapag ko sa harapan ni Kyle ang Flashdrive napag-alaman ko kasi na siya ang may Hawak ng kaso nang mga natatagpuan na kababaihan. " Solve na ang kaso na hawak mo. Nasa backseat ang Leader ng mga criminal. Kunin mo nalang. Bilisan mo nagugutom na ako hindi pa ako nag-almusal. Hindi kaba naawa sa anak mo sa loob ng sinapupunan ko." Mataray na wika ko Pinili ko na kapalan ang mukha ko. Gusto ko ipakita sakanya na ako ang masusunod saamin dalawa. Sabi kasi ni Gideon kailangan ko maging mataray matapang para mapasunod si Kyle. " Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Tanong ni Kyle " Ang Alin Sa doon? Ang nagugutom ako o ang solve na ang kaso na hawak mo. Mag Pasalamat ka nalang may mukhang pera akong kakilala na nagbigay ng Details about sa kaso na hinahawakan mo. Bakit hindi mo isalang yang Flashdrive sa Computer nyo? Hayst bagal mo naman kumilos! Kunin mo na ang lalaki sa Backseat ng Car ko." Maiinip na Tugon ko Nagmamadali na dinampot ng isang pulis ang Flashdrive na nilapag ko sa table. Naupo ako sa harapan ng table ni Kyle nakatulala parin nakatitig saakin. " Ayaw mo ba ako Panagutan?" Tanong ko " Hindi! Hind--- " It's okay! Aalis na ako, Sya nga pala ligtas na ang kaibigan mo. Tatlong buwan lang magaling na siya. Tapos na ang lahat saamin. It's a pleasure to see you Kyle. I'm 7 week pregnant. " Walang Emosyon wika ko Tumayo ako narinig ko sumigaw ang dalawang police sa labas Naglakad ako palabas ng prisinto nakasalubong ko ang dalawang police pinagtulongan nila ipasok ang lalaki na nakalagay sa sako. " Miss Shoun maraming salamat. " Wika ni Hepe sa malakas na boses Tinaas ko lang ang kamay ko sinuot ko ang sunglasses ko pumasok ako sa sasakyan ko. " Sandali! Totoo ba ang sinabi mo? Buntis ka ako ba ang Ama?" Pasigaw na tanong ni Kyle " Yes." Tugon ko Sabay paharorot ng sasakyan palayo Huminga ako ng malalim sa coffee shop ako huminto. Nakape ako at kumain narin ng Almusal. Sa pinapagawa kong bahay ako pumunta. Tinawagan ko rin si Shine na mawawala ako ng matagal. " Pintura nalang ma'am. " nakangiti na wika ni Beck " Tapusin mo sa loob ng isang linggo. Ito ang listahan ng mga gamit na bibilhin mo. Pa bless mo narin sa Pari. Lilipat na ako dito pagkalipas ng dalawang linggo. Dagdagan mo ang trabahador para mabilis matapos. Dagdagan mo sahod nila. " Seryoso na wika ko " Dito tayo maninirahan. Bibigyan kita ng masayang buhay. Sempling buhay malayo sa lahat. Dito sa probinsya walang nakakilala saakin. Makakapag umpisa ako kasama ng anak ko. " piping sambit ko Habang hinahaplos ang impis na tummy ko " Kung may kailangan ka magsabi ka lang Ma'am. Iwanan ka man ng lahat Mananatili kaming tatlo sa tabi mo. " Seryoso na wika ni Beck " Thanks! Beck Gusto ko mamuhay ng tahimik. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Mahal na Mahal ko si Gideon pero buntis ako at kaibigan niya ang Ama. Bahala na ang mahalaga magkakaroon na ako ng Anak. " Malungkot na wika ko Inakbayan ako ni Beck " Nangako kami diba? Walang Iwanan magkaibigan tayong Apat habang buhay. Kami na ang bahala sa mga bagay na hindi mo kayang gawin. " Malambing na wika ni Beck " Tara nagpaluto ako ng Nilagang baka. Alam ko hindi kapa Kumain ng Dinner. Maghapon ka naman bumyahe hindi ka naman kumain. Ganyan ka sa tuwing may problema ka. " Naiiling na wika ni Beck Nakaakbay siya saakin naglakad kami papunta sa Bahay kubo na tinutuloyan ng mga Trabahador. Nakisali ako sa pagkain nila natuwa naman ang mga Trabahador hindi nila Akalain na magagawa ko makisalo sakanila. Ang pagkakaalam nila sa mayayaman maaarti. Pero iba ako sinanay ko ang sarili ko sa buhay mahirap. Pinag-aralan ko kung paano mamuhay ang pangkaraniwang tao. Mas masaya pa sila kahit na kapus sila sa buhay. Pagkatapos kumain nagmaniho na ako papunta sa pinaka malapit na hotel. Kinabukasan saka na ako bumalik sa Penthouse ko. Gabi na ako ng makauwi nagulat pa ako ng amabutan si Kyle nakasandal sa Pinto ng penthouse ko " Hey! Bakit hindi ka umuwi kagabi? Gusto sana kita makausap." Mahinahon na wika niya Tumabi siya binuksan ko ang Pinto walang kibo na naglakad ako papasok " Maupo ka magbibihis lang ako. Pili ka nalang kung ano ang gusto mo. inumin. Mag order lang ako ng Food's for US." Wika ko naglakad ako papasok sa kwarto ko Umiling ako Naaalala ko si Gideon. Huminga ako ng malalim pumasok ako sa banyo naligo ako. Paglabas ko nakabihis na ako ng Terno na pajamas Naglakad ako palapit sa bar counter kumuha ako ng baso at whiskey naglagay din ako ng yelo sa baso naglakad ako palapit kay Kyle inilapag ko sa harapan niya ang baso sinalinan ko ng alak. " S-salamat.' Pautal-utal na wika niya Napangiti ako cute din pala si Kyle. Namumula ang pisngi niya halatang nahihiya. Naglakad ako papunta sa pinto pagbalik ko may dala na ako na Paper bag na may laman pagkain. Nilagay ko sa plato ang Pagkain. Tinawag ko si Kyle " Maupo ka saluhan mo ako kumain. Feel at home huwag kang mahihiya. " Wika ko Nahihiya na naupo si Kyle ang layo ng kinikilos niya ngayon kaysa noong magising ako na Kasama siya sa iisang kama. Para bang bigla siya naging alangan saakin " Salamat sa tulong mo. Gusto ko sana malaman kung paano mo nahuli an--- " Mayaman ako walang impossible saakin. Nagbayad ako ng malaki para sa kaligtasan ni Gideon. Pati narin sa gamot sa lason. Tatlong buwan lang gagaling na siya, Bilang bunos binigay saakin ang Impormasyon tungkol sa kasong hawak mo. Sa tulong ng mga bodyguard's ko kaya mahuli namin ang Criminal." Paliwanag ko hindi ko pinatapos ang sasabihin niya " Tungkol sa sinabi mo Buntis kaba talaga?" Mahinahon na tanong ni Kyle " Kumain ka muna bago ko sagutin yan. " Tugon ko Tumahimik siya kumain narin siya mukhang nagustohan niya ang pagkain. Pagkatapos kumain SI Kyle ang nagprisinta na maghugas ng Pinagkainan namin. Naghintay ako sa Living room. Pagkalipas lang ng ilang minuto naupo na si Kyle sa harapan ko " Buntis ako at Ikaw Ang Ama. Gusto ko makilala ka ng Anak ko bilang Ama niya. Magsama tayo Alang-alang sa magiging anak natin. " Paliwanag ko " Pasensya na Pero wala pa akong bahay. Nakikitira pa ako sa mga magulang ko. Nagkasakit ang kapatid ko kaya naubos ang pera namin sa pagpapagamot sakanya. Kaya hindi ko pa kaya bumuhay ng isang pamilya. Gustohin ko man panagutan ka pero hindi ako mayaman. Napag-alaman ko anak ka ng billionaryo. Baka ang sahod ko pangkain mo lang sa isang araw." Malungkot na Paliwanag ni Kyle " It's okay! Malapit na matapos ang bahay ko next week lilipat na ako. Malayo dito sa manila kailangan mo bumyahe ng 8 hour's bago ka makarating sa bagong bahay ko. Pwede ka pumunta kahit anong oras. Basta ang mahalaga makilala ka ng Anak mo. " Seryoso na tugon ko " Nahihiya ako! Gustohin ko man iuwi ka sa sarili kung bahay pero hindi ko pa kaya bumili ng marangya na bahay. Sisikapin ko maganpanan ang Obligasyon ko. Don't worry hindi naman kita tatalikuran. Sadyang hindi lang kita kayang ibahay. " Nahihiya na wika niya " Inakala niya na sanay ako sa marangya na pamumuhay. Nagkakamali siya ng inakala. Iba ang Ugali ko kaysa kay Leo, Lumaki ako sa probinsya. Nag-aral ako sa public school. Naranasan ko magtrabaho bilang tindera sa panaderya at kung ano anong pangkaraniwang Trabaho. Gusto ko kasi maranasan ang buhay ng isang mahirap. Ginawa ko yon para maintindihan ang hirap sa buhay kung paano mamuhay ang mga kapus palad. Dahil sa ginawa ko kaya nakakaya magtrabaho na halos walang pahinga. Inakala nila na gumagala lang ako kung saan-saan. Nagpapakasarap sa buhay pero hindi talaga nila ako kilala ng lubusan. Si Teddy, Beck, Cosmo sila ang nakasama ko sa hirap at ginhawa. Sila ang nakakakilala saakin. " Don't worry hindi ko kailangan ang material na bagay. Gusto ko lang may makilalang Ama ang anak ko. Wala tayong relasyon malaya ka Kyle. Pwede ka mag-asawa, Magpakasal sa babaeng maibigan mo. Hindi ko ipagdadamot sayo ang bata. Maging mabuti Ama ka lang sakanya. Pwede ka rin tumira sa bahay ko pansamantala. Mag-isa lang naman ako sa bahay. Hindi kasi ako sanay na may kasambahay. " Nakangiti na wika ko Hindi ko alam kung bakit bahagya kumirot ang dibdib ko ng sabihin ko na malaya siyang mag-asawa. Iba kasi ang gusto ko. Gusto ko sana magpakasal kami at magsama bilang totoong mag-asawa. Ayaw ko kasi magpalit-palit ng lalaki. Gusto ko kung sino ang nakakuha ng Virginity ko yon na sana ang gusto ko makasama hanggang sa pagtanda ko. Pero may mga bagay na hindi natin makukuha. Hindi lahat ng naisin natin nakukuha natin. May mga bagay na sadyang hindi para saatin. " Magpapalipat nalang ako ng Trabaho malapit sa bahay mo. Para maalagaan kita, maghahanap nalang ako ng paupahan na bahay malapit sayo." Nakangiti na wika ni Kyle " Mataas ang pride niya. Siya ang tipo ng lalaki na Traditional men. breadwinner, leader, and protector. Good provider. Hmmm malaki nga ang pagkakaiba namin. Mahirap siya at mayaman ako. Isa sa problema niya. Wala naman kasi problema saakin kung mahirap ang mapangasawa ko. Mayaman ako nasaakin na ang lahat kaya hindi ko na kailangan maghanap ng lalaking bubuhay saakin. Kaya ko nang buhayin ang sarili ko. " " Talaga bang mangungupahan kapa? Pansamantala sa bahay muna tayo manirahan. Saka nalang tayo magpakasal sa oras na mahal na natin ang isat-isa. Magsama muna tayo Alang-alang sa magiging anak natin. Dito ka tumira ako ang may-ari ng Condominium nato. " Nakangiti na wika ko " No no no! Please. Magmumukha akong Golddigger nakakahiya. Ako ang lalaki dap- " Magkakaroon ka ng anak Saakin Kyle. Ang Anak ko magiging Apo ng isang billionaryo. Balang araw magmamana ng million Ari-arian. Kailangan mo tanggapin na magkaiba ang pinanggalingan natin. Hindi naman matapobre ang Angkan ko. " putol ko sasabihin niya " Magsama tayo para sa bata. Hindi kita papakialaman Hindi ka rin makikialam saakin. Tapos ang Usapan. Hindi ako ang tipo ng lalaki na babae ang bubuhay saakin. " Mariing wika niya " Tanga! Talaga naman..Taas ng pride ng Gagong to. Mukhang walang happy ending saamin. Galit pa siya sa mga criminal. kaya isang problema ito. " Piping sambit ko " Sige wala naman saakin problema ang mahalaga makilala ka ng Anak ko. Sya nga pala dito kana matulog." Wika ko Naglakad ako papasok sa kwarto ko nagulat pa ako ng sisirado ko na ang pinto nakatayo si Kyle sa harapan ng pinto " Bakit?" Nagtataka na tanong ko " Saan ako matutulog?" Tanong niya " Tell me gusto mo bang tumabi saakin matulog?" Nakangisi na tanong ko " H- Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya tumingkayad ako kinabig ko ang batok niya walang pag-aalinlangan na inangkin ko ang labi nito. Nanlalaki ang mata niya unti-unting tumungon sa halik ko. Dahan-dahan niyang hinaplos ang bewang ko " I'll try to control my self but i can't. I want to kiss you." Hingal na sambit niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD