Cleo
*
*
" Inayos ko ang suot ko na printed midi dress, Nag spray ako ng paborito kong pabango bago ako lumabas ng kotse naglakad ako papunta sa Restaurant na pag-aari namin.
Suminyas agad ako sa manager na huwag lumapit, Tumango naman siya naupo ako sa Bakanting table napangiti ako ng alanganin nanlamig ang buong katawan ko. Magkasama kasi sa iisang upuan si Gideon at Kyle nagbibiroan pa sila ang masama pa isang table lang ang pagitan namin
" Siya ang Fiance ko." Malakas na bulalas ni Kyle sabay turo saakin
Natigilan si Gideon wala sa sarili na nagsalita
" She's My Ex." Bulalas niya
Natigilan ang dalawa masama ang tingin saakin Napangiwi ako nagkunwari ako na nagbabasa ng Menu books. Ilan minuto ako nagbabasa pero wala akong mapili parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko Sa lakas ng kabog
Hindi na ako nakatiis Tinawagan ko na ang kakambal ko.
Nakangiti lang ako habang nakatitig sa dalawa
" Puntahan mo ako dito sa restaurant na pag-aari natin. Nandito ang nakabuntis saakin At nandito rin ang Ex Ko saklolo naman kambal. Malas ako ngayon kahit na pagselosin lang natin sila. Hindi naman siguro halata na magkamukha tayo. Please kahit ngayon lang maging sweet ka naman saakin putanginang buhay to. Saklap talaga nakatitig sila saakin." Bungad na pakiusap ko
Pinatayan ako ng tawag ni Leo pero alam ko hindi niya ako matitiis kambal kami kahit na para kaming Aso at pusa mahal namin ang Isat-isa
Napatayo ako bigla hindi ko kasi namalayan nakaupo na ang dalawa sa harapan ko
" Tanggap ko na hindi ka mapupunta saakin pero Hindi ko matatanggap na mapupunta ka sa Siraulong kaibigan ko. Sasaktan ka lang niya bagamat police siya Pero isip bata pa ang gagong to. Mas bata sayo. Be mine Again Cleo. Wala akong Asawa sa totoo lang may malubha akong sakit pero gusto kita makasama sa huling sandali ng buhay ko." Seryoso na wika ni Gideon
Nakangiti lang ako ng alanganin Hindi pa ako nakakasagot nagsalita na si Kyle
" Papakasalan ko siya! Hindi ko siya sasaktan at paghihintayin sa Wala. " Wika ni Kyle
" Hindi kayo bagay, Pag nalaman mo ang totoong pagkatapos ni Cleo kamumuhian mo siya, Baka Ikaw pa ang pumatay sakanya. Police ka hindi kayo bagay. Kung wala lang akong sakit matagal na kaming kinasal." Pagalit na wika ni Gideon
Nakangiti lang ako habang nagpapalitan sila ng salita. Parang gusto ko nang umiyak Gustong-gusto ko yakapin si Gideon.
" Bakit kasi hindi ka nagpagamot." Galit na bulyaw ni Kyle
" Mahal ang mga gamot na iniinum ko. Lason ang sakit ko walang lunas." Galit na tugon ni Gideon
Dumating ang pagkain nakahinga ako ng maluwag naintindihan nila ang setwasyon ko kaya kahit na wala akong order may Pagkain na dumating
Agad ko dinampot ang baso na may laman apple juice. Inubos ko ang laman non
" Sorry Gideon! Nasaktan ako ng sinabi mo na may Asawa at anak kana. Nagpakalasing ako nag-utos ako sa mga bodyguard's ko na Ikuha ako ng matangkad, gwapo, malapad ang pangangatawan. Lasing na ako kaya hindi ko alam na Kaibigan mo pala ang dinukot ng mga pasaway na bodyguard's ko. Binigay ko sakanya ang Virginity ko na dapat sayo ko lang ibibigay. Patawarin mo ako nakakahiya ang ginawa ko." Kalmado na wika ko
" It's me! At ako ang nakakuha ng virginity niya Kaya saakin lang siya Gideon. " Pagmamalaki na wika ni Kyle
" It's okay! Hindi naman mahalaga kung hindi kana Pure, Kilala kita Cleo Hindi ka katulad ng ibang babae. Mahal kita at tanggap kita ng buong-buo kahit na isang daang lalaki pa ang dumaan sayo." Mariing Tugon ni Gideon Naalala ko ang sinabi ni Daddy
" Alam mo anak. Hindi naman mahalaga kung Birhin ang babae o hindi. Ang mahalaga tanggap ka ng lalaki, Pag mahal ka ng lalaki kahit na may anak kana tatanggapin ka niya ng buong-buo. Minsan nakakagawa tayo ng pagkakamali pero bawat isa saatin may karapatan mahalin at pahalagahan. Tandaan mo, Piliin mo ang lalaking tanggap ka Kung sino at ano ka. Tanggap ang nakaraan mo tanggap ka ng buong puso. Hindi ka susumbatan sa nakaraan mo. "
Huminga ako ng malalim naalala ko ang sinabi ni Tatay. Bigla ako nagugulohan. Gusto ko sana panagutan ni Kyle ang dinadala ko pero kung totoong may sakit si Gideon baka pwede ko siya matulongan.
20 minutes ang lumipas dumating ang kakambal ko hinalikan niya ako sa pisngi sabay abot ng bulaklak.
" It's a love story, baby just say 'yes." Malambing na sambit ng kakambal ko
" Ahemm! Sabay na Tikhim ni Gideon at Kyle
" Aba itong buntis nato lumalandi pa. Pasaway talaga. Kung kilan tumanda." Pabulong na sambit ni Leo
" Arayyyy." Daing ko ni Leo kinurot ko siya. Bigla tuloy nawala ang gumugulo sa isipan ko
" Hi I'm L----
" So Tatlo kami? WOW! Bagong manliligaw mo? Alam ba niya n---
" Baby! Tara Alis nalang tayo.." Wika ko sabay hila kay Leo palayo sa dalawa
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Kyle hinila ko na si Leo
" Hahaha! Awkward ang tagpong yon! Haha Anong drama mo Cleo? Hahaha! " Natatawa na wika ng kakambal ko
Inakbayan ako ni Leo siniko ko siya
" Salamat dumating ka. Kanina pa ako Parang tanga na nakangiti lang sa dalawa. " Ani ko
Tumawa lang ang kakambal ko
" Nanghingi ako ng tawad kay Gideon, Sinabi ko na binigay ko ang sarili ko kay Mamang pulis Aba malay ko na kaibigan pala niya yon. " Kwento ni ko
Pilit ako umakto na okay lang ako.
" Hindi mo naman kailangan manghingi ng tawad Siraulo. Siya ang nanakit sayo." Natatawa na Tugon ni Leo
Pumasok ako sa loob ng sasakyan ko nagpasalamat ako kay Leo bago ako nagmaniho palayo.
Huminto ako sa tabing kalsada tuloyan nang Umagos ang luha sa Muling bumalik sa alaala ko ang nakaraan namin ni Gideon Sumubsob ako sa manibala habang binabalakan ang pangako namin ni Gideon sa isat-isa
Flashback 12 years Ago
" Pangako hinding-hindi ako titingin sa ibang babae. Babalikan kita pagkatapos ko mag-aral sabi ni Tita pag-aaralin niya ako sa ibang bansa. " Nakangiti na wika ni Gideon habang nakaunan sa Lap ng dalaga
" Pagtapos mo mag-aral may surprised ako sayo. Tutuparin ko ang pangarap mo. " Nakangiti na wika ko
" Ang Alin? Ang yumaman? Haha patawa ka talaga Cleo. Yayaman din ako nagtratrabaho ako sa ibang bansa tapos bibili ako ng Farm. Tapos nagpapagawa ako ng malaking bahay sa gitna ng Farm. Kung saan tayo bubuo ng sariling pamilya. Gusto ko ng Tatlong anak. Gusto ko maging Masaya ka habang buhay sa Piling ko. " Nakangiti na wika ni Gideon
" Sige! Maghihintay ako sayo. Habang nag-aaral ka sa ibang bansa pagbubutihan ko ang pag-aaral ko. Hindi ako bibili ng bahay hihintayin ko ang Bahay sa gitna ng Farm na ipapagawa mo para saakin. Pangako hinding-hindi ako titingin sa ibang lalaki. Pangako mananatili akong virgin para sayo Babe " Nakangiti na Tugon ko
" Sige! Pangako mo yan saakin ha. Maghintay ka hanggang sa makaipon ako sa araw ng pag-uwi ko sisiguradohin ko na patutuloy na ang kasal natin. " Nakangiti na tugon ni Gideon
" Bakit nga pala ayaw mo ako ipakilala sa mga kaibigan mo? " Tanong ko
Kinabig niya ang batok ko marahan inangkin ang labi ako. Halos ayaw maghiwalay ang labi namin. May kakaibang init na dumadaloy sa buong katawan ko.
" Ang ganda mo kasi Babe. Babaero ang kaibigan ko lalo na si Kyle tiyak na aagawin ka niya saakin. Saakin kalang Saka na kita ipapakilala sakanila pagkatapos ng kasal natin. " Nakangiti na tugon niya
" Saka nalang kita ipapakilala sa Pamilya ko pagbalik mo. Alam mo magugulat ka pag nalaman mo kung saan angkan ako nagmula." Nakangiti na tugon ko
" Kiss! I want more Kiss." Paglalambing niya
end of Flashback
" Anong nangyari sayo sa ibang bansa?" Umiiyak na Tanong ko
Tinawagan ko si Teddy
" Imbistagahan mo si Gideon Simula ng umalis siya ng bansa hanggang sa ngayon kasalukuyang." Pagalit na Utos ko
" Boss Pinaulit ko ang imbistagasyon. Napagtanto ko kasi na may manipula sa Resulta. Nasend ko sa Email mo ang Resulta. Wala siyang Asawa at anak wala din siyang kasintahan. Best friend siya ni Kyle. Nasa panganib ang buhay niya. Bininta pala siya sa isang syndicate sa ibang bansa. Highschool graduate lang siya. Naging Trabaho niya pumatay ng tao. Kaya siya pinakawalan dahil sa malapit na siya mamatay. Sa oras na hindi maagapan ang sakit niya tuloyan na siyang mamatay. Ang malala pa hindi malaman kung ano ba talaga ang sakit niya. " Mahabang paliwanag ni Teddy
Pinatayan ko ng tawag si Teddy agad ako nagmaniho pauwi sa penthouse ko.
" Kung maliligtas ko ang buhay ni Gideon pwede na ako mag move-on. Hindi na kami pwede magkatuloyan. Binigay ko na ang sarili ko kay Kyle Hindi ako cheater kaya para saakin si Kyle lang ang kaisa-isang lalaking magiging Ama ng anak ko at ang lalaking makakahawak sa katawan ko. Hindi ko sigurado kung mamahalin ko siya. Sa ngayon hindi ko alam kung mahal ko pa si Gideon pero Tutulongan ko muna siya sa kanyang problema bago ko pagtuunan ng pansin si Kyle. "
Pagdating sa bahay akmang papasok na ako ng may tumulak saakin
" She's mine Gideon! Papadalhan nalang kita ng bulaklak sa lamay mo. " Narinig ko na wika ng Pamilyar na boses
" Gago kaba? Kung ikaw lang naman ang hinding-hindi ako papayag na mapunta siya sayo. Kahit ako nga hindi mo kilala ng lubusan. Siguro Balang araw tatalikuran mo din sya sa ngalan ng Tungkulin mo bilang Pulis. Mag resign ka muna sa pagiging police hahayaan ko na mapunta sayo ang babaeng pinakamamahal ko." Pagalit na wika ni Gideon
Nanlalaki ang mga mata ko napaharap ako sa dalawa.
" Sinundan kita." Magkasabay na wika ng Dalawa
" Walang tayo Kyle. Makakaalis kana." Walang Emosyon wika ko
Natigilan si Kyle unti-unting nabura ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung bakit naawa ako sakanya.
" Hayst! Sige na pasok na kayong dalawa." Napapakamot sa ulo na wika ko
Para kasing batang naagawan ng candy si Kyle. Hindi ko alam kung bakit naawa ako bigla sakanya.
" Siya ang Ama ng Pinagbubuntis ko. Kailangan ko siya sa buhay ko pero kaya ba niya tanggapin ang buong pagkatao ko. Sa oras na malaman niyang kabilang ako sa Angkan ng mafia Organization. Hindi alam ng karamihan pero ang mga Matataas na opisyal ng Gobyerno alam ang lihim na organization dito sa bansa. Kahit sila nasa ilalim ng pamumuno ng organization. Kahit nga Matataas na opisyal ng Kapulisan may alam sa organization pero sadyang hindi lang nila kayang pakialaman dahil ang organization.
Alam ko tatalikuran ako ni Kyle pag nalaman niyang may kinalaman ang angkan ko sa Malaki organization.
" Gaano ka kayaman?' Tanong ni Gideon pag-upo sa Sofa
" Ito sana ang surprised ko sa Kasal natin. Gusto ko sana sabihin sayo na kaya kung tuparin ang pangarap mong yumaman. Dahil anak ako ng Billionaryo. Sana naging tapat ka saakin Gideon kayang-kaya kita tulongan. Alam ko na ang lahat! Pero handa akong tulungan ka, Pero hanggang tulong lang ang kaya kong ibigay sayo. Tapos na tayo Ikaw ang tumapos ng lahat." Seryoso na wika ko inilapag ko ang Dalawang tasa ng Kape sa center table
Napansin ko ang biglang pananahimik ni Kyle para siyang biglang nanliit sa kanyang sarili
" Sorry! SPO3 lang ako. Hindi ako mayaman, Gustong-gusto kita hindi ka maalis sa isipan ko simula ng magkakilala tayo. Pero ngayon napagtanto ko Hindi pala ako bagay sayo. Wala pa nga akong bahay, Sige Aalis na ako pasensya na sa Abala." Malungkot na wika ni Kyle
Tumayo siya nakayuko na naglakad palapit sa pinto
Tumayo ako akmang pipigilan ko si Kyle pero pinigilan ako ni Gideon.
" Hindi pa ito ang tamang panahon para sainyo." Seryoso na wika niya
" I didn't know you and Kyle were friends." Tugon ko