Chapter 9 His parents kicked him out.

1997 Words
Kyle * * " Ulitin mo nga sinabi mo? Buntis ang Babaeng dumukot sayo? " Gulat at hindi makapaniwala na tanong ni Mama " Yes ma! Doon ako natulog kagabi. Hiwalay na sila ni Gideon at isa pa wala naman namagitan sakanilang dalawa. Magsasama kami alang-alang sa bata. Doon ako titira sa bahay niya sa probinsya daw ang bagong bahay na pinapagawa niya. Next week daw lilipat na siya doon." Mahabang paliwanag ko na may ngiti sa labi " Diyos ko Mahal. Nalintikan na Hindi basta-basta ang babaeng sinasabi nito. " nababahala na wika ni Mama Napahilot si Papa sa noo tumayo si Mama hinila si Bunso sa papasok sa kwarto ko " Lumayas ka! Huwag kang babalik hanggat hindi mo nakikilala ng maayos ang babaeng yan. Maaaring masira ang pinaniniwalaan mo sa oras na nakilala mo siya. At maaaring Ikaw pa ang pumatay sakanya. Bago mo pakasalan ang babaeng yan. Kilalanin mo ng husto, Maghintay ka na ipakilala ka sa Angkan nila Tandaan mo ang Angkan nila ay Shoun ang kanyang Ama, Ortiz sa Ina. Mga Billionaryo sila Kyle. Mahirap lang tayo, Umalis ka muna para sa kaligtasan namin. May maliit naman na negosyo ang Mama mo kaya namin makaraos sa pang-araw araw." Mahabang paliwanag ni Papa Natulala ako napatingin ako sa kwarto ko lumabas ang kapatid ko hila-hila ang malaking malita ko " Hindi ko alam kung ano ang nangyayari Kuya. Ingat ka nalang Transfer mo nalang sa bank account ko ang Allowance ko sa School." Wika ng Kapatid ko " Anak! Huwag kang magpadalos-dalos ng pasya. Magkakaroon kana ng anak sa ayaw at gusto mo magkakaroon ka ng Anak sa billionaire Daughter. Ang magagawa mo lang maging tapat sakanya. Alagaan mo siya ng mabuti huwag mong sasaktan. Diyos ko Shoun ang Babaeng yon. Siya si Cleo Shoun Kakambal niya si Leo Shoun. Sige na Umalis kana Ilayo mo kami sa gulo pakiusap. Balang araw maintindihan mo kung bakit pinalayas ka namin." Mahinahon na wika ni Mama Hinila ako ni Papa napatulala nalang ako namalayan ko nalang nakatayo na ako sa labas ng gate namin Wala sa sarili na naglakad papunta sa kalsada. " Pambihira. Bakit ako pinalayas? Wala naman ako kasalanan. Bakit takot sila kay Cleo Alam ko mayaman si Cleo. Yon siguro ang dahilan kaya natakot ang mga magulang ko. Pambihira talaga ngayon pa ako pinalayas kung kilan Wala akong pera ubos na pera ko. Manghingi nga sana ako allowance kay Mama." Naiiling na kausap ko sa sarili ko * * Cleo * * " Nakaupo ako sa Restaurant sa Tabi ng Condominium na tinitirhan ko. Sarap na Sarap ako sa pagkain ng Ice cream nila grabe parang Cake kung titingnan pero pagkinain mo Ice cream pala. Napapapikit pa ako habang natutunaw ng ice cream sa bibig ko " Miss Shoun ito na po ang takeout nyo. " Nakangiti na wika ng Waitress " Hmmmp! Take out mo din ako nito Kakainin ko mamaya." Nakangiti na wika ko Naisipan ko kasi dito mag dinner sa restaurant katabi ng Condominium ko. Masarap ang Pagkain nila kaya naman binabalikan ng mga customer. Kahit na may-ari ako ng maraming restaurant madalas parin ako kumain dito. Pakanta-kanta ako habang naglalakad palabas ng Restaurant napatingin ako sa huminto na Taxi sa harapan ko agad na bumukas ang pinto sa back seat. " Cleo May cash kaba? Baka pwede pahiram muna pangbayad sa taxi." Wika ni Kyle Wala sa sarili na inabot ko ang bitbit ko na wallet agad naman niya kinuha binayaran ang taxi Nakakunot noo ako habang Pinagmamasdan na binababa niya ang malaking malita " Sorry pwede ba makitira? Pinalayas ako saamin. Napuntahan ko na lahat ng kaibigan at kamag-anakan ko walang nagbukas ng pinto. lahat sila ayaw ako patuloyin. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila sayo. " Nagtataka na Paliwanag niya " Dahil siguro sa alam ng kanyang Ama na Angkan kami ng Mafia organization. Kaya natatakot sila, Wala naman sila kailangan ikatakot. Hindi ako kabilang sa organization. Simula ng highschool ako mamuhay na ako malayo sa pamilya ko. Magkaiba kami ni Leo mas pinili ko na mamuhay sa malayo. Nagtangka pa ako nagpakamatay para lang pumayag ang mga magulang ko. Umuuwi naman ako pagwalang pasok. Kaya hindi rin alam ng mga pinsan ko kung saan ako namupunta sa Oras na nawawala ako. Kahit si Leo walang alam sa personal na buhay ko. matalino ako kaya pinaghandaan ko ang future ko. " " Balang araw sasabihin ko sayo. Sa ngayon manirahan ka muna kasama ko. Kailangan mo tanggapin sa sarili mo na hindi ako galing ako sa mayamang Angkan. At hindi Mahalaga saakin kung Sino ang may malaking income. Ang kailangan ko respito at pag-unawa. " seryoso na wika ko " Masasanay din siguro ako sa bagong buhay ko. " Napipilitan na wika niya Hinawakan ko ang kamay niya hinila ko siya papasok sa gusali " Good evening ma'am." Sabay-sabya na bati ng security guard " Siya si Kyle Fiance ko. " Wika ko " Good evening Sir Kyle." Magalang na bati ng mga security guard Pagpasok namin sa elevator napakunot noo ako ang lapad ng pagkakangiti ni Kyle " O Anong nangyari sayo?" Tanong ko nagtataka ako bakit ang saya niya kahit na pinalayas na siya ng kanyang Angkan " Pinakilala mo ako Bilang Fiance mo. Ang saya ko sarap sa pakiramdam." Nakangiti na wika ko " Police ka diba Malaki naman sahod mo bakit hindi ka manlang nagloan ng bahay?" Tanong ko " Nabinta ko ang bahay na nabili ko. Nagkasakit kasi ang Kapatid ko. Naubos ang ari-arian namin pero sulit naman magaling na siya at pasaway na ulit." Nakangiti na Paliwanag niya " Anong Sakit?" Tanong ko " Lymphoma. " Tugon niya " Lymphoma is often curable, especially when detected early. And 80% of patients with Hodgkin lymphoma can be cured." Paliwanag ko " Nakalimutan ko Doctor ka pala. " Tugon niya napangiti nalang ako " Gusto mo ba maging Traditional Husband? I'll be a traditional wife." Biglang tanong ko " Yon ang pangarap ko kaso nakabuntis ako ng anak ng billionaryo. " Napapakamot sa ulo na tugon ni Kyle " Bilang respito Next month hindi na ako gagastos sa sarili kong pera. Pagtiyagaan ko ang ibibigay mo saakin. Sanay din ako sa hirap Kyle highschool ako ng lumiwalay ako sa mga magulang ko. Kaya nga hindi alam ni Gideon na anak ako ng billionaryo dahil inilihim ko yon. Ayaw kong maramdaman niya na langit at lupa ang pagitan namin. " Nakangiti na Paliwanag ko " Bakit iba ata ang trato mo saakin?" Nakasimangot na tanong niya " Dahil Ama ka ng pinagbubuntis ko. Gusto ko sana tanggapin mo ako ng buong buo. Yon lang ang Kailangan ko. " Nakangiti na tugon ko " Saka na nalang natin pag-usapan yan. Sa ngayon siguro kilalanin natin ang isat-isa. Kung Dumating ang araw na magustohan natin ang isat-isa saka nalang natin pag-usapan ang kasal. " Tugon niya " Ibaba ko ang sarili ko para maabot mo ako. Para hindi ka mahirapan mangarap ng mataas. Hindi ko kailangan ng maraming pera para maging masaya. " paliwanag ko " Subukan batin magsama alang-alang sa magiging anak natin. " seryoso na Tugon niya " Hahaha! No choice ka naman nakakatuwa nga e. Baliktad ang mga nangyayari saatin. Karamihan lalaki ang nandukot ginagahasa at babae din ang pinapalayas ng mga magulang sa oras na mabuntis. Pero ang nangyari saatin Ikaw ang dinukot ko at ikaw din ang pinalayas dahil nakabuntis ka. Hahaha nakakatuwa." Natatawa na wika ko " Nagugulohan nga ako bigla ako pinalayas ng mga magulang ko. " Napapakamot sa ulo na tugon ni Kyle " Sikapin mo maging masaya kasama ang kaibigan ko. Sisikapin ko gumaling, Babalik ako pagkalipas ng Isang taon para ipaalam sayo na magaling na ako. Pangako hindi man tayo ang magkatuloyan sisiguradohin ko magiging masaya ka. Kung sakaling dumating ang araw na Iwanan at talikuran ni Kyle darating ako para damayan ka. Ikaw ang Una at Huling pag-ibig ko Cleo. " Napayuko ako naaalala ko ang huling sinabi ni Gideon bago siya umalis ng bansa. Huminga ako ng malalim hindi na kami pwede. Tapos na ang lahat saamin Si Kyle ang Ama ng pinagbubuntis ko kailangan ko siya matutunan mahalin. " Hanggang kilan mo siya mamahalin? Naalala mo na naman ang putanginang Gideon na yon." Galit na bulyaw ni Kyle Napasinghap ako sa biglang bulyaw niya Nakakunot noo na tumingin kay Kyle " Manghuhula ba ang gagong to? Akala ko police to bakit nababasa niya ang iniisip ko." Sambit ko bakas ang pagtataka " Kitang-kita ko ang lungkot sa iyong mga mata. Hindi kita mahal pero hindi naman tama na ibang lalaki ang iniisip mo sa tuwing magkasama tayo. Nakakatakot baka Mamaya pati sa love making natin pangalan niya ang isigaw mo. Mukha niya ang makikita mo." Pagalit na wika ni Kyle " Wow! Hindi mo pa ako Mahal sa lagay na yan pero grabe kana makaselos. Alam ko sa police babaero din kaya huwag ako. " Naiinis na wika ko " Hindi ako babaero Nakalabing-isa lang ako na ex girlfriend " Inis na tugon niya Napanganga ako isa lang ang naging Boyfriend ko tapos naghintay pa ako ng 12 years tapos ending hiwalay din nauwi. Tapos siya Labing-isa ang naging kasintahan. Huwag mong sabihin na may Kasintahan siya ngayon " Huwag mong sabihin na may Kasintahan ka?" Biglang tanong niya " Yup! Two years girlfriend nasa ibang bansa. Don't worry tinawagan ko siya sinabi ko na may Asawa na ako." Baliwala na tugon niya Bumukas ang Elevator nauna ako maglakad nakasunod siya saakin " Mukhang kumuha ako ng bato na ipinokpok ko sa aking Ulo. Ang lalaking to seloso at Babaero. Ang masama pa parang ang dali lang niya ibasura ang babae sa oras na nagsawa na siya. Hindi-hindi ako iibig sakanya. Kung nasasaktan ako ng Sobra kay Gideon baka ikamatay ko na kung iibig pa ako at Iwanan na parang basura lang. Diyos ko dapat pala hindi ako uminum Sana wala akong ganito kalaking problema." Piping sambit ko Pagdating sa penthouse " Kumain kana may Takeout ako na Pagkain nasa kusina initin mo nalang. May gagawin pa ako inaayos ko ang mga gamit mo sa kabilang kwarto." Wika ko " Tika lang diba dapat iisang kwarto tayo?" Tanong ni Kyle Sasagutin ko sana ang tanong niya kaso hinila na ng gago ang malita niya papasok sa kwarto ko. Naiiling na naglakad ako papunta sa Office room ko sa dulong bahagi. Binuksan ko ang computer ko nag-umpisa ako magbasa ng email Napatigil ako sa ginagawa ko nang nakatanggap ako ng tawag mula ng Shine " Emergency kailangan ka ngayon may Car accident. Busy lahat ng doctor isang bus at Kotse ang nagbanggaan." bungad na wika ni Shine Agad ko pinatay ang Computer nagmamadali ako sa paglabas sa opisina ko. Nasipat ko si Kyle kalalabas lang ng Kwarto hinila ko siya dinampot ko ang susi ng Kotse sa Ibabaw ng center table " Samahan mo ako doon kana kumain. " Wika ko " Saan?" Tanong ni Kyle "Sa hospital kailangan ako kulang sila sa doctor ngayon. " Paliwanag ko " Akala ko nag resign kana?" Tanong niya Pumasok kami sa elevator " Yup! Dati kasi araw-araw ako pumapasok, Pero ngayon isa na akong Owner ng Hospital kaya nag resign na ako pero. Isa akong Surgeon Kyle hindi natatapos ang trabaho ko dahil lang sa nagresign ako. " Paliwanag ko Tumahimik siya napakamot sa ulo narinig ko din ang pagtunog ng tummy niya " Pakiss." Biglang wika niya paglabas namin ng Elevator " What?" Tanong ko Hindi siya sumagot bigla ako pinasandal sa pader sa gilid ng elevator, Sinakop niya ang labi ko Muli ko naramdaman ang kakaibang kuryente na dumaloy sa ugat ko. Para bang may paru-paru sa sikmura ko. Hindi ko namalayan na tumutugon na ako sa halik niya. Hindi ko alam kung bakit ang tamis ng labi ni Kyle para bang ayaw ko matapos ang halik na pinagsaluhan namin " Tamis talaga ng labi mo " Nakangiti na wika niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD