Chapter 13: Reymark’s Autopsy

1880 Words
THE school is still empty. There are no students walking in the hallway, no shouting, and no one’s talking. Everything is nothing but an empty space. Who would have the courage to go back in school after what happened to it? It is creepy to go back and listen to your teacher while thinking about that the ghost of the dead might still wondering around after what the killer have done to him.             But as if there’s some another school in Riverhills to go in. The Riverhills High School is the only school in town. Kaya wala silang ibang pagpipilian kundi ang bumalik o lumipat ng paaralan sa kabilang bayan. Dahil sa trahedyang nangyari, napilitan ang Riverhills High School na isara ang mga pintuan nito marahil sa nangyari kay Reymark. Ngunit, habang hindi pa nagbubukas ulit ang paaralan, nag-isip si Principal Leather kung paano niya ito bubuksan ulit at patatakbuhin. Maliban dito, kailangan niyang makaisip ng konkreto at komportableng solusyon, dahil ay humihingi ang gobyerno ng agarang aksyon para rito.             Kaya ipinatawag ni Principal Leather ang lahat ng mga magulang ng mga estudyante sa paaralang ito, upang pag-usapan ang tungkol sa plano para sa paaralan. Dumalo naman ang lahat, pati na rin ang mga magulang ni Reymark. Kahit wala na ang kanilang anak, may karapatan pa rin sila na magbigay ng kanilang ideya kung paano nila gagawing ligtas ang paaralan para sa iba pang mga estudyanteng naiwan.             Ayaw sana ni Principal Leather na abalahin pa ang mga ito, ngunit tumawag ang mga magulang ni Reymark sa kaniyang nang marinig ang usapan sa kapitbahay nila. Hindi na rin pinigilan ni Principal Leather ang mga ito, marahil ay baka ito ang kanilang paraan upang dahan-dahan na matanggap ang pagkawala ng kanilang anak.             Sa loob ng Meeting Room, halos nandito ang lahat ng mga Parent Officers galing sa iba’t ibang baitang, simula grade seven hanggang grade twelve. Tinatawag nila ang pagtitipon-tipon ngayon bilang “PTA Meeting.” Ang pagpupulong ng PTA ay isa lamang sa iba’t ibang mga aktibidad na isinasagawa ng Parent-Teacher Association ng mga paaralan. Ang pangunahing papel na ginagampanan ng mga Asosasyong Magulang-Guro ay upang bumuo ng matibay na ugnayan sa pagitan ng mga magulang, guro, at ng buong pamayanan ng paaralan.             “Thank you very much for accepting my invitation, Riverhills High School’s parents!” masiglang wika ni Principal Leather. Sinusubukan niyang alisin ang kaasiwaan ng atmospera sa loob. “Kaya ko kayo ipinatawag dito dahil nais kong pag-usapan natin ang tungkol sa pag-aaral ng inyong mga anak – Excuse me, Mrs. and Mr. Lapeña . . . We all know what happened to Reymark, right? The school is temporarily closed, because Chief Copper is still investigating the entire school, tracing to where and to whom the case may point.”             “Akala po ba namin . . . nagpakamatay ang bata?” pagtatakang tanong ni Mrs. Shina Gocela.             Tumayo si Mrs. Lapeña. “Hindi nagpakamatay ang anak ko!” galit nitong sabi.             Agad naman na pinigilan ni Mr. Lapeña ang asawa dahil susugurin nito sana si Mrs. Gocela.             Kaya ayaw ni Principal Leather na dumalo pa sana ang mga magulang ni Reymark dahil alam niyang ganito ang magiging tagpo kapag may narinig silang hindi kaaya-aya sa kanilang pandinig.             “Kumalma po tayong lahat. Nandito po tayo para sa ikabubuti ng inyong mga anak. Kaya pakinggan po natin ang bawat isa. Okay po ba?” kalmadong sabi ni Principal Leather.             Bumalik sa pagkakaupo si Mrs. Lapeña at ang kaniyang asawa. At ganoon din ang mag-asawang Lapeña.             “Okay. Let’s hear each other’s suggestions. Any thoughts of how we can solve this temporary closure of the school? Dahil baka matatagalan pa si Chief Copper sa pag-iimbestiga sa kaso ni Reymark.” wika ni Principal Leather.             Marahang tumayo si Mr. Fred Thornhill. “This is just my opinion and suggestion.”             “Okay. Pakinggan po natin si Mr. Thornhill. Hayaan po muna natin siyang magsalita bago tayo magbigay ng reaksyon. Sige po, please continue.” “Thank you, Principal Leather.” Pumunta sa harapan si Mr. Fred Thornhill at saka humarap sa kanilang lahat. “Why don’t we hire a security guard to guard the school and our children?” aniya. “Bakit hindi natin ‘to naisipan sa simula pa lamang?” “Because it is the first time na may nangyaring ganito sa paaralang ito. This town was awarded every year dahil sa mapayapa nitong komunidad, at ngayon, sigurado naman tayong lahat na hindi na tayo makakatanggap ngayong taon dahil sa nangyaring kapabayaan ng in-charge sa school na ito.” sambit ng isa sa mga magulang na nandito. Dahil sa sinabi ng babae, nagkaroon nang bulong-bulongan na naging sanhi ng ingay. Habang nakatayo lang si Principal Leather at pinipilit na pakalmahin ang sarili. “Okay,” mahinang sabi ni Mr. Thornhill. “Please,” ngunit hindi pa rin tumitigil ang mga ito kaya napilitan siyang lakasan ang kaniyang boses. “Puwede bang tumahimik kayong lahat?” Nagulat ang lahat sa biglang paglakas ng boses ni Mr. Thornhill. Hindi nila inaasahan na gagawin ito ng isang mayamang tao sa bayan nila. “I’m sorry for my attitude. Gusto ko lang sabihin na hindi kasalanan ni Principal Leather ang nangyari. He is not the one to blame and it is also not his fault. Hindi siya ang pumatay kay Reymark. So, while our Chief of Police still doing his job, the only thing we can do is to make an action of how to bring back our son and daughter’s safety.”             “At saan naman tayo kukuha ng pera para ro’n?” mahinang tugon ni Mrs. Rose Procorato.             “Tama si Rose, Fred.” Pagsang-ayon ni Mrs. Shina Gocela.             “If money is the problem . . . Say no more. I am willing to donate for the school. If it will provide security to our children, then why not?” walang pag-aalinlangan na sagot ni Mr. Fred Thornhill.             “Sang-ayon ba ang lahat?” tanong ni Principal Leather.             “Baka dumating ang araw na sisingilin tayo ng mga ‘yan?” sarkastikong sambit ni Mr. Rollie Gocela.             Nag-uusap ang mga magulang tungkol sa sinabi ni Mr. Gocela, tila nababahala sila sa posibleng mangyari sa hinaharap. Hindi rin masisisi ni Mr. Thornhill kung gano’n ang kanilang iniisip, dahil ang isang businessman na katulad niya, ay palaging may kapalit ang mga desisyon lalo na pagdating sa paggamit ng kanilang pera.             “Don’t listen to him. All I want is to protect my child as well as your children.” Hindi makikita sa mukha ang pag-aalinlangan ni Mr. Thornhill, at hindi rin maririnig na nambobola lamang ito.             “Kung ako sa inyo, mas pipiliin kong mag-take ng risk ngayon bago n’yo pa pagsisihan kapag nawala o napahamak na ang inyong mga anak.” sambit ni Mrs. Lapeña. Nag-uusap-usap muna sila kung ano ang kanilang magiging huling desisyon. Nang matapos na sila sa pag-uusap, napagdesisyonan nila na sumang-ayon sa alok ni Mr. Fred Thornhill na kumuha ng security guard para sa paaralan. “Tinatanggap po namin ang iyong alok, Mr. Thornhill. Marami pong salamat.” marahang sabi ni Mrs. Procorato. Patapos na sila sa pagpupulong nang dumating si Chief Neil Copper. Agad siyang pumasok nang makitang nakabukas ang pinto at tumungo palapit kay Principal Leather. “Good morning, Chief!” pagbati ni Principal Leather. “Good morning, sir. Sa tingin ko po ay matatagala–” “Sa tingin ko hindi na kailangan pa na magsara ng paaralan, chief.” Hindi na niya pinatapos si Chief Copper dahil alam niya kung ano ang magiging kahahantungan ng kanilang pag-uusap. “Huh, bakit po?” Lumapit si Mr. Fred Thornhill sa kinatatayuan nina Chief Copper at Principal Leather. “Sir Fred Thornhill offered to donate a valuable amount of money to hire some security guard for the school, and the PTA just agreed to it.” “Just Fred, Principal Leather,” kunwari nahihiyang sabi ni Mr. Thornhill. Hindi agad nakasagot si Chief Copper sa kaniyang narinig. Hindi na lang siya nagsalita pa tungkol dito at wala naman siyang dapat pang sabihin. The townspeople pays for his job, and if it is what they want, then there’s nothing else he can do about it. Mas dapat na lang niyang bigyan pansin ay ang kung paano niya mahuhuli ang pumapatay sa mga estudyante ng Riverhills High. “But don’t worry, chief. May ilang araw ka pa naman para manatili rito, dahil maghahanap pa naman kami ng mga taong puwedeng maging security guard.” wika ni Principal Leather. “Okay po. Aalis na ako. Principal Leather at Sir Fred?” bahagyang yumuko si Chief Copper sabay inalis ang kaniyang kalo at agad din niya itong ibinalik. Pagkatapos ay lumabas siya mula sa silid at umalis ng paaralan. When Chief Copper got in his car, his phone suddenly rang. Kaya agad niya itong sinagot. “Hello, Dr. Caliber? Any update?” “The body you brought here; I finished the autopsy.” sagot ni Dr. Caliber mula sa kabilang linya nang tawag. Biglang nabuhayan si Chief Copper. Hindi na niya kailangan pa na manatili sa Riverhills High para mag-imbestiga. Kapag nakuha na niya ang autopsy na siyang sagot at tutukoy sa tunay na nangyari kay Reymark, mas mapapadali na ang kaniyang trabaho. “Okay, Dr. Caliber. Papunta na ako d’yan.” tugon ni Chief Copper habang naglalakad, at saka niya pinatay ang telepono. Pagkatapos ay agad niyang pinaandar ang makina ng sasakyan pagkapasok niya rito.   When Chief copper arrived at the funeral home, he immediately went to Dr. Caliber’s office.             “Ito na ang autopsy ng bangkay ng bata na dinala mo rito, chief.” wika ni Dr. Caliber, at sabay na inabot ang kayumanggi na sobre.             Tinanggap naman ito ni Chief Copper at binuksan ang sobre para siguraduhing tamang pangalan ang nasa loob nito.             “Maraming salamat, Dr. Caliber,” tugon ni Chief Copper, at may hinugot siyang puting sobre mula sa bulsa ng kaniyang leather jacket.             Tinanggap din ito ni Dr. Caliber at tiningnan ang loob. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa laki ng halaga ng salapi na nakapaloob nito.             “Walang galang na po, pero para saan ito, chief?”             “Isipin mo na lang ‘yan bilang pasasalamat ko sa ‘yo, dahil sa ginagawa mo ng maayos ang iyong trabaho.”             “Naku, walang anuman po ‘yon. Trabaho ko lang naman na –”             “At sana, walang sino man ang makakaalam tungkol sa resulta ng autopsy. I am just making sure that you won’t sell off my trust and our work here, if in case na may lumapit sa ‘yo para magtanong.”             “Makakaasa po kayo, chief. Pero maaari ko po bang malaman kung bakit n’yo po ito ginagawa? I mean, paying me for such big amount of money.”             “May kutob ako na lalapit sa ‘yo ang killer ng mga bata. I am suspecting someone na – Basta ipangako mo sa akin na hindi mo babasagin ang tiwala ko sa ‘yo, dahil hindi ako magdadalawang-isip na ilagay ka sa likod ng mga reyas.”             “Pangako ko, chief.”               Will be the result of Reymark’s autopsy be a safe return to Riverhills High, or will be another mystery and chaos be brought upon them?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD