Chapter 11: Murder or Not?

1795 Words
IT was very unexpected for everyone in the school and the townspeople about hearing what happened to a student that have found dead last night, especially his parents.             Nakumpirma ni Chief Copper at ng ibang nakakilala sa bangkay na ito ay si Reymark, isa sa mga estudyante ng Riverhills High at SSG Officer. Ngayon ay dadalhin na ang kaniyang bangkay sa Riverhills Morgue kung saan din dinala ang bangkay ni Jason Blake Thornhill, upang isagawa ang autopsy. Habang patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ni Chief Copper sa crime scene, nagbabasakaling may makitang ebidensya na ginamit para sa pagpatay.             “Set a perimeter around the crime scene and don’t let anyone enter the building without me knowing, okay?” Chief Copper said with full authority in his voice.             “Copy, chief.” sagot ng pulis na isa sa mga kasama ni Chief Copper. “By the way, chief, nandito na po ang mga magulang ng biktima.”             “Get them inside. At ‘wag na ‘wag kayong magpapasok ng reporter o kahit sino.”             Agad na umalis ang pulis at tumungo sa labas ng school building upang kunin ang mga magulang ni Reymark.             Sa labas ng school building, sa harap nito ay halos dumugin ng mga taong bayan at writers ng mga newspaper ang mga nakaharang na pulis. All these people just needed to do their jobs, but it is not the right time for them to enter the premises. The crime scene is under farther investigation. Cayla and Angel were both brought to the Police Department to get their statement.             Pagkapasok ng mga magulang ni Reymark, hindi muna inilabas ng mga pulis ang bangkay dahil gusto munang makita nina Mrs. at Mr. Lapeña ang anak nila. Binaha ng luha at sigaw ng dalawang magulang ang sakit na sinapit ng kanilang pinakamamahal na anak. Hindi nila maisip kung paano nangyari ang bagay na ito kay Reymark.             “Reymark was a good boy! Sinong walang puso at kaluluha ang gumawa nito sa anak ko?” umiiyak na sigaw ni Mrs. Lapeña, habang inaalalayan siya ng kaniyang asawa.             “May information ka na ba, Chief Copper, tungkol sa nangyari?” sabi ni Mr. Lapeña. Sinusubukan nitong magpakatatag para sa kaniyang asawa. Tumutulo man ang kaniyang mga luha ay nagawa niya pa ring hindi magwala.             “For now, sir, wala pa po kaming information kung pinatay po ba siya o nagpakama–”             “Hindi magagawang magpakamatay ng anak ko, chief. There’s no reason for him to do it. We were a happy family just like most of everyone in this town.”             “I believe in your words, sir. But we need to bring the body as soon as possible to do an autopsy, para malaman natin kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa anak n’yo. Don’t worry, sir, gagawin ko ang lahat kung sakaling mapatunayan na pinatay nga anak n’yo.”             “Thank you, chief.” tugon ni Mr. Lapeña, at saka niya inalalayan ang kaniyang asawa mula sa pagkakaupo sa sahig habang nakahawak ito sa wheeled stretcher. “Honey, let him go. Pagluluksaan natin ang katawan ng anak natin, pero kailangan natin siyang tulungan upang mapayapa siyang lumisan sa mundong ito.”             “N-No. No! Kung sino man ang gumawa nito sa anak ko, sisiguraduhin kong mapupunta siya sa impyerno!” gigil na gigil na sabi ni Mrs. Lapeña.             Dahan-dahan na inalis ng dalawang lalaki ang katawan ni Reymark habang sakay ito sa wheeled stretcher. Ang tangi na lang nagawa ng mag-asawa ay ang yakapin ang isa’t isa.     THE rain engulfed the entire land of Riverhills, the clouds seemed to cry for justice for Reymark’s death. Kinansela ni Principal Leather ang klase sa araw na ‘to marahil sa nangyari at hindi rin siya nagbigay ng petsa kung kailan ibabalik ang klase.             Subalit, pumunta sa paaralan sina Vanessa at Principal Leather para pag-usapan ang tungkol sa nangyaring krimen sa loob ng kanilang paaralan.             “Vanessa, I can’t believe na nangyari ito sa school ko!” mataas ang boses ni Principal Leather, habang pabalik-balik itong naglalakad sa loob ng opisina niya.             “I-I’m so sorry, Principal Leather. Hindi ko rin naman ginusto ang nangyari sa kaklase ko, eh.” Halos maiyak na si Vanessa sa kinauupuan niya. Sobrang siyang kinakabahan. Pati siya ay naguguluhan sa nangyari. No one was expecting it to happen in such an enjoyable event last night, and after the unexpected death of Jason.             Huminto si Principal Leather sa kakalakad niya at humarap kay Vanessa. “You!” Tinuro niya si Vanessa. “Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Reymark!” At lumapit siya.             Naguguluhan si Vanessa sa nangyayari, bakit siya ang tinuturong may kalasalan kung bakit namatay si Reymark. Dapat nga prinoprotektahan ni Principal Leather ang kaniyang mga estudyante, lalo na si Vanessa, angkaniyang SSG President, kaysa pagbintangan at tinuturo nitong pumatay o may kasalanan sa nangyari. Siya ang punong-guro ng paaralan, kaya siya rapat ang sumalo sa lahat ng nangyari. Hindi maipaliwang ni Vanessa ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na ‘to.             “W-Why me, Principal Leather? I didn’t do anything to harm my classmates and . . . wala akong balak na saktan sila. Bakit po sa akin n’yo sinisisi?” umiiyak na sabi ni Vanessa, at saka tumayo.             “Ikaw ang SSG President, hindi ba?”             “Ako nga po, pero hindi pa rin ‘yon sapat para isisi n’yo sa akin!” sigaw ni Vanessa. Hindi na niya kinaya pa ang kanilang tagpo at lumabas siya ng opisina. Vanessa was about to leave the school building when suddenly someone texted her, habang nasa hallway siya. Binasa niya ito.             From: Pocholo             “Hindi ako makapupunta sa coffee shop, babe. Ayaw akong palabasin ng mga parents ko at kinuha ni papa ang susi ng motor.”             Hindi na nag-reply si Vanessa at nagpatuloy sa kaniyang paglalakad palabas ng building. Umuwi siya ng bahay at dumiretso sa kaniyang kwarto. Tumungo siya sa harap ng kaniyang bintana kung saan kaharap ang bahay ni Jake. Kinuha niya ang kaniyang telepono mula sa bulsa niya at nagpadala ng mensahe para kay Jake. “Let me see you.”             Nakahiga sa kaniyang kama si Jake ng matanggap niya ng mensahe ni Vanessa, at agad naman siyang bumangon para kitain ang kasintahan. He dialed a phone number and called his girlfriend.             “Hey, babe. What happened? Are you okay?” nag-aalalang sabi ni Jake.             “I, uh, I-I’m fine. It’s just . . . this is the worst year ever.” naiiritang tugon ni Vanessa sabay napahawak siya sa kaniyang noo.             “It is, probably? Pero, hindi pa naman natatapos ang taon. Magiging okay din ang lahat.”             “Sana nga . . . can you come here?”             “I’ll try, babe. My parents are overreacting about everything. Obvious naman, ‘di ba? Reymark committed suicide and . . . Wala akong planong gawin ang ginawa niya. Bakit ayaw nila akong palabasin?” naiinis na sabi ni Jake. “Ano nga pala nangyari sa school? Kay Reymark? Bakit ka pinapapunta ng Leather na ‘yon sa school?”             “Pinagbintangan niya ako na ako raw pumatay kay R-Reymark, na ako raw ang dahilan kung bakit siya n-namatay . . . dahil ako ang SSG President.” Naiiyak na ulit si Vanessa.             “Ano? Bakit ikaw? Gago pala siya! Sinabi mo na ba sa parents mo ang tungkol sa naging tagpo n’yo?” nanggigil na sabi ni Jake.             “Hindi, b-babe. But maybe he’s right.”             “No, ‘wag mong sabihin ‘yan.”             “It’s my fault. Dapat sinuri ko muna ang buong school building before I left. Kung napauwi ko muna silang lahat . . . hindi sana nangyari ang lahat ng ‘to.”             “Babe, please don’t say that. Okay? Pupuntahan kita diyan.” “No, babe. Ayaw kong pagalitan ka ng parents mo dahil lang sa akin. Let’s not talk about it na lang.” “Okay, listen to me. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Reymark done it to himself. Baka hindi na niya talaga kaya, kung ano man ang pumasok sa isip niya at nagawa niya iyon. Mabuting tao si Reymark, kaya –”             “Oh, my gosh! You just gave me an idea, babe!” excited na sabi ni Vanessa.             “Me? About what?”             “Sa tingin ko . . . hindi nagpakamatay si Reymark.”             “Sorry, babe. Pero . . . paano mo nasabi? At kung sasabihin mong pinatay siya, sino naman ang may lakas ng loob para gawin ang bagay na ‘yon? Plus, Reymark was a good guy, and I don’t have any idea who could’ve done such evil thing.”             Umupo sa kama si Vanessa at gayundin si Jake.             “Reymark was a happy person and . . . kasama ko siya kahapon, eh. Wala akong nakitang kalungkutan o problema sa mga mata niya.”             “Maybe, may problema talaga siya . . . sadyang magaling lang talaga siguro siya magtago ng nararamdaman niya.”             “Kailangan kong malaman kung bakit siya nagpakamatay. First, Jason . . . and now, Reymark –”             “Reymark was a good guy!”             “And Jason, too.”             Jake doubted about the fact that Jason wasn’t a good guy. Pero hindi na lang siya nagsalita tungkol dito at nakinig na lang sa kaniyang kasintahan. “I know this could be very hard for you, pero sa tingin ko . . . kailangan muna nating magpahinga. We should not overthink this kind of things, at pabayaan na lang natin ang mga pulis na gawin ang trabaho nila.”             “Tama ka, babe. Hindi naman nila ako matutulungan sa ginawa nila. Look at me now, ako ang sasalo sa lahat ng iniwan nila. Being an SSG President is hell!”             “Magpahinga ka muna at susubukan kong magpaalam sa parents ko mamaya. Okay?”             “Okay.”             “I love you, Vanessa Gocela.”             “I love you, too, Pocholo Jake Procorato.”     ANOTHER DAY IN RIVERHILLS. CHIEF Copper went to the Riverhills Morgue to talk with Doctor Caliber, who runs the place. Gusto ni Chief Copper na gawan ng autopsy ang bangkay ni Reymark dahil nagbabasakali siyang baka katulad ito sa nangyari kay Jason. Pagkatapos kasi niyang kausapin ang mga magulang ni Reymark kahapon ay nakagawa siya ng hipotesis na baka hindi talaga ito nagpakamatay.             “Wala namang sinabi si Reymark sa amin na may problema siya at kung mayroon man . . . palagi naman niyang sinasabi sa amin. Ni kailan man hindi nagtago ng sekreto tungkol sa problema ang anak namin,” wika ni Mrs. Lapeña.             “So, you’re saying Mrs. Lapeña –”             “That someone killed my son!”               Is this another murder case mystery, or not?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD