Chapters 16: Thornhill House

2051 Words
IT was a wicked morning for the Thornhill Family that welcomed them inside the mansion. An old big house with hundred years of age. Sa kabila ng ilang taon na nitong nakatayo, napanatili pa rin ng pamilya nila ang pangalagaan ang natatanging kagandahan ng bahay. Lahat ng mga manggagawa nila sa Coffee Farm ay nasa loob ng kanilang meeting room kasama sina Mr. Thornhill at Mrs. Thornhill. Sinusubukan nilang unawain at kausapin ang mga trabahante nila tungkol sa problemang kinakaharap ng kanilang negosyo at pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito sa bayan ng Riverhills.             “Puwede bang tumahimik kayong lahat?” sigaw ni Mr. Fred habang nakaupo sa kaniyang swivel chair.             At tumahimik naman ang lahat.             “Ano bang malaking problema na sinasabi n’yo na siyang sumira sa umaga ko?” Naging marahan ang boses ni Mr. Fred, pero halata pa rin ang madiin nitong mga salita na siyang nagpapakaba sa puso ng kaniyang mga manggagawa. “Sir Fred,” lumunok muna ng laway si Julius bago nagpatuloy sa kaniyang sasabihin. “May nakita po kaming tumutubo na marihuwana sa pinakadulo ng taniman ng kape. Natatakot po ako na baka ito’y magdadala ng pahamak sa iyong negosyo at sa amin bilang mga manggagawa n’yo po.” aniya. Si Julius lang ang may lakas ng loob na magsalita sa dami nila.             Marahang natawa si Mr. Fred at ang kaniyang asawa na si Mrs. Alice. Tumayo mula sa pagkakaupo si Mr. Fred at nilapitan si Julius. “Sa lahat ‘ata ng mga manggagawa ko . . . ikaw ang pinakagusto ko.” Tinuro niya si Julius na parang binaril niya ito habang nakangiti.             Bakas sa mukha ni Julius ang pagtataka. Bumalik sa mesa si Mr. Fred at nilagyan niya ng rum ang isang baso. “Honesty, integrity, and clever! Tatlong espesyal na kabutihan sa iisang katauhan. And because of that . . . I want you to be on my frontline.” Dala-dala ang basong naglalaman ng rum, bumalik siya sa kinatatayuan ni Julius. “F-Frontline? Hindi ko po makuha ang ibig n’yong sabihin, Sir Fred.” naguguluhang tugon ni Julius. Napangisi si Mr. Fred. “Ang ibig kong sabihin . . . gusto kitang gawin na tagalakad ng mga transaction ng negosyo ko.” Hindi makapaniwala si Julius sa kaniyang narinig. Nagtila musika sa kaniyang tainga ang salitang sinabi ni Mr. Fred. “Pero paano po ang mga mari–?” “Shh, you won’t be as clever as I told you, kung tatanggihan mo ang alok ko na bago mong posisyon dito sa hacienda.” Mapang-akit ang boses ni Mr. Fred.               Everyone is murmuring about what they have heard. Walang kaalam-alam si Julius na siya lang pala ang walang alam sa nangyayaring transaksyon nang pagbebenta ng marihuwana mula rito sa hacienda, sa Riverhills, at sa labas ng bayan. Walang tiwala ang mga kasamahan ni Julius sa kaniya. Kaya, hindi nila maiwasan na makalikha ng ingay mula sa kinatatayuan nila. They are talking against from Mr. Fred’s decision. Iniisip nila na baka balang-araw ay ipapahamak sila ni Julius, at ayaw nila iyong mangyari marahil ay dito sila sumasahod. Dito galing ang pagkaing kinakain nila sa hapag-kainan. Ito ang bumubuhay sa kanila, sa araw-araw nilang pangangailangan.             Itinaas ni Mr. Fred ang kaniyang kanang kamay para patahimikin ang mga tauhan niya.             “Hindi mo naman kailangang sagutin ito ngayon, Julius. Isipin mo na lang ang kinabukasan ng pamilya mo at lalo na ang anak mong si . . .” Nag-isip muna si Mr. Fred. “Jake! Tama ba?” aniya, at tinapik niya si Julius sa kaliwang balikat nito.             Tumango lang si Julius at bahagyang napayuko.             “Everyone, maaari na kayong lumabas at bumalik sa trabaho!” sigaw ni Mrs. Alice.             Sumunod naman ang mga ito at sabay-sabay na naglakad palabas ng meeting room, habang si Julius naman ay nasa hulihan. Bago pa man siya tuluyang makalabas ng kuwarto ay tinawag siya ni Mr. Fred at lumingon naman ito.             “Sana ay isaalang-alang mo ito. Aasahan kong magiging mautak ka sa iyong gagawing desisyon, Julius.”             Tumango lang si Julius at bago tuluyang lumabas.             Sa paglabas ni Julius ay nahagip ng kaniyang mga mata ang iisang taong may banayad at maawtoridad nitong mukha na nakatayo sa pintuan. Imbes na pansinin nila ang isa’t isa ay hindi nila nagawa marahil ay pareho nilang iniisip kung ano ang ginagawa ng bawat isa sa loob ng bahay ng mga Thornhill.             “Oh, Chief Copper? Kanina ka pa ba d’yan? Please take a seat!” nanghihikayat na boses ni Mr. Fred.             Lumapit naman si Chief Copper upang umupo.             “Fred, iiwan ko muna kayong dalawa. I’m just going to check the mausoleum construction for Blake’s burial.” wika ni Mrs. Alice, at hinalikan sa pisngi ang asawa.             “Okay, Alice.”             “Chief Copper?” Nginitian ni Mrs. Alice si Chief Copper.             “Mrs. Thornhill.” At gayundin si Chief Copper kay Mrs. Alice.             Umupo si Mr. Fred sa kabilang upuan at ngayo’y magkaharap na sila ni Chief Copper.             “Kumusta ka, chief? I hope you have good news to tell.” Naka-de-kwatro si Mr. Fred.             “Um, narinig n’yo naman ang nangyari sa isang kaklase ng anak ninyo na si Leticia, ‘di po ba?”             “May koneksyon ba ito sa pinapagawa kong imbestigasyon tungkol sa anak ko?” Nag-iba ang awra ng mukha ni Mr. Fred.             “Opo, Sir Fred. Kaparehong-kapareho ang resulta ng autopsy ni Jason at ng kay Reymark na anak ng mga Lapeña. May mga pasa at bali bali na mga buto sa katawan nila, tanda na binugbog sila hanggang sa namatay bago binitay. Which made me think, paano nila nagawang ibitay ang sarili nila kung may bali sila?”             Tahimik lang na nakikinig si Mr. Fred sa sinasabi ni Chief Copper, habang pinoproseso ng kaniyang isipan ang lahat ng salitang kaniyang narinig.             “Ang konklusyon ko ay pinatay sila bago binitay. Ginawa ito ng killer para mahirapan ako sa pag-iimbestiga, at ipinagmukhang nagpakamatay ang mga victims niya. Sa tingin ko ay parehong tao lang ang may gawa nito sa anak n’yo at kay Reymark.”             “Kung tama nga ang iyong konklusyon, chief. May suspect ka na ba kung sino?”             “Bago ko sagutin ang tanong na ‘yan, Sir Fred. Pakinggan mo muna ang sasabihin ko. Noong sinuri namin ang crime scene, which was your son’s bedroom, wala kaming makitang fingerprints o body fluids at ebidensya na tutukoy sa kung sino ang may gawa no’n sa anak ninyo. Ibig sabihin ay, hindi sa kwarto ni Jason siya pinatay. Patay na si Jason nang ipasok ang kaniyang katawan sa kuwarto niya at ibinitay.”             Hindi bobo si Mr. Fred, kaya madali niyang nakuha kung ano man ang nais iparating ni Chief Copper. “So, you’re saying that someone murdered my son?” Napatayo si Mr. Fred. “And someone inside my house or one of us killed my son and brought him in?” Tumaas ang boses nito at lumapit sa kinauupuan ni Chief Copper na tila parang isang toro na handang sumungay.             Napatayo rin si Chief Copper upang depensahan ang sarili. “Wait, sir! I am sorry.” Kasing bilis nang pagtibok ng puso niya ang pagasabi ng mga salitang iyon.             “Gawin mong mabuti ang trabaho mo. Don’t accused someone especially my family, not unless may ebidensya ka na ipapakita sa akin na kahit ano!”             Agad na tumango si Chief Copper, “Yes, sir! But you have to consider kung ano man sinabi ko po sa inyo.”             “I won’t consider anything from you, basta kapag wala akong nakikitang ebidensya sa mga kamay ko. Do you understand?”             Mr. Fred was right. Pero kailangan niya pa rin buksan ang kaniyang mga mata sa posibleng katotohanan na nakatira lamang sa loob ng kaniyang bahay at sakaling kaharap niya lang ito araw-araw sa simula pa lang.             “Yes, sir.” Walang ibang pagpipilian si Chief Copper kundi ang tumahimik na lang.             “Kung wala ka ng iba pang sasabihin, you can leave my house now.”             “Thank you, sir. Aalis na po ako.”             Hindi na sumagot si Mr. Fred, kung kaya ay tinungo niya ang pintuan at lumabas ng silid.       AFTER work, Julius went straight to his family, riding on with his old red pickup farm truck.             Sobrang pagod na pagod siya. Hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa kanina pa siya nag-iisip tungkol sa sinabi ng kaniyang amo. It bothers him that much. Hindi nga niya namalayan na naipasok niya pala ang kaniyang botas na sobrang dami ng putik ang puwetan,  sa loob ng kanilang bahay.             “Julius, ‘yong botas mo!” saway ni Rose sa kaniyang asawa, na tila nakalutang sa hangin ang isipan.             Hindi agad napansin ni Julius si Rose nang lapitan siya nito upang tulungan siyang tanggalin ang botas niya habang nakatayo.             “Kalilinis ko lang ng sahig, eh. Julius, kinakausap kita. Ano ba?” Nang matapos na ni Rose na hubarin ang botas ni Julius, agad siyang tumayo at direktang tiningnan sa mga mata ang kaniyang asawa.             “Huh, may sinabi ka, hon?”             “Ano bang nangyayari sa ‘yo? Parang wala ka sa sarili mo?”             Napasinghal ng malalim si Julius. “Pagod lang sa trabaho. Pasensya ka na sa nagawa ko.”             “Parang may malalim kang iniisip, huh? Mag-shower ka na muna ro’n, at pag-uusapan natin ‘yan mamaya. Maghahanda lang ako ng pagkain sa kusina.”             Umalis si Julius patungo sa kuwarto nila habang pumunta muna ng likod-bahay si Rose para hugasan ang botas.             Hindi namalayan ni Rose ang pagdating ng kaniyang anak mula sa kaniyang likuran. Kung kaya ay halos masubsob siya sa gripo nang biglang magsalita si Jake. “Ma –”             “Jesus Christ!” Agad na umayos sa pagkakaupo mula sa maliit na plastic chair si Rose, at tiningnan ang kaniyang anak mula sa likuran ng sobrang matalim. “Ano ba kailangan mo? Bakit mo ako ginulat?” inis na inis niyang sabi.             Natawa si Jake sa naging reaksyon ng kaniyang ina. “Sorry na. Kape pa more, ma.” Mas lalo niya pang nabuwisit ang ina marahil sa kaniyang sinabi.             “Eh, kung hindi kita papasukin dito sa bahay, at hayaan kitang manatili rito sa labas, huh? Pasalamat kayo . . . may nanay kayong nag-aalaga. Gumigising tuwing pamimitak ng araw. ‘Yong kape lang talaga ang tumutulong sa akin para mawala ang lamig. Umalis ka nga rito. Ginagalit mo ako, eh.”             “Sorry na nga kasi, ma.” mahina niyang sabi sabay marahang niyakap ang kaniyang ina mula sa likuran nito.             “Umalis ka nga. Tigilan mo ‘yan. Kita mong may ginagawa ako rito, at baka mabasa kita. Ano ba kasi ginagawa mo rito sa labas?”             “Sasabihan lang po sana kita tungkol sa reopening ng school.” tugon ni Jake, at saka niya inalis ang mga kamay mula sa pagkakayakap sa kaniyang ina.             “Ano? Bukas na pala ‘yon? Ang bilis naman nila nakahanap ng security guards. Mm,” napangiwi si Rose. “Malamang, mayaman naman sila.”             “Ano po pinagsasabi n’yo? May alam po ba kayo tungkol dito?” naguguluhang sabi ni Jake.             “‘Di ba, nagpatawag si Principal Leather ng PTA Meeting. Pinag-usapan namin ang tungkol sa kung paano bubuksan ulit ang Riverhills, at naisipan ni Mr. Fred na mag-hire ng security guards para magbantay sa inyo.”             “Okay, ma. I will go back to my room na.” walang gana na tugon ni Jake.             “Sige na. Ayusin mo na ang mga gamit mo, para handa ka nang pumasok bukas. Humanda ka sa akin mamaya kapag nakita kong hindi pa nakaayos mga gamit mo para sa school. Tatapusin ko lang ito, at maghahanda na ako ng pagkain natin panghapunan.”             Hindi na sumagot si Jake, at diretso niyang tinungo ang hagdan paitaas sa kaniyang kuwarto. Dapat nga masaya siya marahil ay nagbukas na ulit ang paaralan nila. Makakalabas na siya muli ng bahay. Pero hindi ‘yon ang nararamdaman at naiisip niya ngayon. Wala siyang gana na pumasok ng paaralan bukas dahil sa nangyari sa pagitan niya at ni Vanessa.             Pabagsak siyang humiga sa kaniyang kama at ipinikit ang mga mata.               “What can be claimed without the evidence can be dismissed without evidence.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD