Dumating si Sheena sa condo unit ko para tulungan ako sa Magazine Cover ng MBC. Pero, isang hindi inaasahang bisita ang dumating—si Hailey. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito. Bakit siya naririto? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang buksan ko ang pinto at makita ko si Hailey. Bagama't ibang-iba na siya sa dating Hailey na nakilala ko dahil sa kaniyang magarang kasuotan, hindi ko pa rin makakalimutan ang tao sa likod ng kaniyang kasikatan. Siguro nga ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang sakit na iniwan niya sa aking pagkatao no'ng ako'y kaniyang iwan. Ngumisi siya at nagtaas ng kilay. Bakas sa mukha namin ni Sheena ang pagtataka sa pagdating niya. "Hailey?" Ito lamang ang nasabi ko, dahil sa labis na pagkabigla. Bigla siyang naglakad papasok sa loob ng unit

