S01EP06

1806 Words
Tanghali na nang magising ako. Dahan-dahan akong bumangon at naupo sa gilid ng kama. Binuksan ko ang isang maliit na drawer sa tabi ng higaan at mula roon ay kinuha ko ang isang pink na envelope kung saan nakasilid ang kontrata namin ni Zack. Napabuntunghininga na lang ako. Akala ko panaginip lang ang lahat-ang pagpirma ko at pati 'yong... Leche ka, Zack Ross! Napagkamalan pa akong kumakain ng tae! Buti na lang at inihatid ako ni Chris. Hay. He's so nice. Unlike do'n sa Zack na 'yon. Isinilid kong muli ang pink na envelope bago isinara ang drawer tapos bumaba na ako ng kwarto. Inabutan kong nanunuod sina Mama, Papa at Arjay ng TV sa sala. Haay, inaantok pa ako. Naupo ako sa sofa at nakinuod sa kanila habang humihigop ng mainit na kape. "Sheena, saan ka ba nagpunta kahapon? Bakit butas 'yong shorts mo?" Napansin pa pala ni Mama 'yong ginupit kong dumi sa shorts ko. Nakakahiya talaga. Lecheng Zack Ross 'yon. May araw rin siya sa akin. "Sheena Marie, ayos ka lang ba?" "W-wala 'yon, Ma," pilit kong ngisi. "Nga pala," singit ni Papa. "Sino 'yong matangkad na lalaki na naghatid sa 'yo rito?" Imberstigador lang, Pa? "Si Chris po, Pa. Schoolmate ko." "Baka naman nagpapaligaw ka na, Sheena Marie? Baka nagbo-boyfriend ka na?" Pa-sermon na sabi ni Papa. "Pa, hindi ako nagpapaligaw, at wala akong boyfriend, okay?" Latest showbiz news! Manager ni Zack Ross, umaming may relasyon ang alagang rockstar sa isang volleyball player. Masamid-samid ako sa kapeng hinihigop ko nang marinig ko 'yon sa TV. Napatayo ako agad at dali-daling hinablot ang remote sa kamay ni Papa. Nagulat si Papa at napakunot ng noo. "Sheena, ano ba? Bakit mo inaagaw 'yang remote ng DVD?" "D-DVD??" Mali. Lumundag ako at mabilis na dinampot yung remote ng TV sa mesa. "Ate, ano'ng gagawin mo sa remote ng karaoke?" Ano ba! Ba't ang dami naming remote! Punyeta! Kumpirmado! Mag-on ang Rockstar na si Zack at ang volleyball MVP na si Sheena Marie Flores. Napapikit ako nang mahigpit at napakagat ng labi. Wala na. Sabay na napakunot ng noo sina Mama't Papa. "Sheena Marie!?" "Ma! Pa! Mag-eexplain ako!" "Ate, boyfriend mo si Zack Ross?! Cool!" Okay-wait-pause. Parang gusto kong lumubog na lang dito sa kinauupuan ko ngayon. Alam na nang pamilya ko ang lahat. Mabuti na lang at biglang tumunog ng malakas ang cellphone ko-may tumatawag. Dali-dali ko iyong dinampot at sinagot. "Teka lang! I'll be back!" Kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay. "Sheena Marie!!" Save by the RING! "Sheena, my God!? I-explain mo nga sa akin 'yong napanuod ko sa TV just now!" Parang nahuhulaan ko na kung bakit parang kinukurot ang singit si Megan sa tono niya. "Meg, sandali. Kalamayin mo ang loob mo." "Totoo bang kayo na ni Zack!?" "Meg, ang totoo nyan-" "O-M-G! Ihhhhh! Bes, kinikilig ako!!" Shemay. Baka naiihi ka lang. "Can I call you later, Meg? May incoming call lang ako." "Sure. Basta kwentuhan mo ako later, okay? Bye." Tumatawag si Mr. Jona. "Hello, Sheena?" "Mr. Jona?" At ito ang pinakanakakatakot na salitang narinig ko ngayong araw. "Mabuti at na-contact kita, could you pick Zack up sa condo 'nya? May interview siya mamayang 4pm." "Ho!?" "Why, busy ka ba?" "Hindi naman po pero-" "Good, puntahan mo na siya." "T-t-teka!" "Hindi ko na kayo masasamahan at may inaasikaso akong importante. Iti-text ko sa 'yo ang password ng unit n'ya." "P-pero Mr-!" "Bye." Paker. Alam nyo yung kasabihan na everyone has a choice? Puwes, hindi ito 'yon. Shemay. Bakit pakiramdam ko wala akong choice sa nangyari? Maingat akong pumunta sa likod bahay at sinungkit ang isang blowse at isang short pants sa sampayan. Hindi dapat ako makita nina Mama't Papa, I'm sure na pauulanan na naman ako ng sermon ng dalawang 'yon. "Ate!" Nyeta! Ang gulat ko kay Arjay. "Saan ka pupunta, 'te?" Nagtaas ako ng isang kilay. "Pag sinabi ko bang magbebenta ako ng blowse, maniniwala ka?" "Hindi," iritado niyang sagot. "Makikipagkita ka sa kan'ya, 'no?" "Ha?" "Si Zack, pupuntahan mo s'ya, 'di ba?" Nagtaas ako ulit ng isang kilay. "E, pag sinabi kong magbebenta ng shorts, maniniwala ka?" Pinaningkitan na niya ako ng tingin. Dalawa lang 'yan, obvious ang kilos ko, o manghuhula ang kapatid ko--doon ako sa pangalawa. "H'wag kang mag-alala, Ate, hindi ako magsusumbong," nakangiti n'yang sabi, sabay abot ng isang maliit na bagay sa akin. "Basta papirmahan mo ito kay Zack, ha?" "Ano 'to?" "Platito, teh! Papapirma ako ng platito! CD 'yan!! Hindi ba obvious!?" Ay sarehh. "Sige, sige, ikaw na bahala kina Mama't Papa." "Ako na bahala. 'Yong CD, ate ha!" "Oo na!" *** After an hour, nasa impyerno na ako-este! Sa condo ni Zack. Ang tagal kong nagbe-bell sa pinto, walang sumasagot. Nabingi na yata ang unggoy. Buti na lang, binigay sa akin ni Mr. Jona ang password sa unit ni Zack. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumasok sa loob ng unit niya. "Zack?" Mahinang tawag ko habang marahang naglalakad sa loob ng unit niya."Zack??" Pambihira, ang mga lalake talaga. Sobrang kalat sa loob ng condo unit niya. Nagkalat ang mga damit at mga pinagkainan. Sabi sa akin ni Mr. Jona wala daw kaibigan at ibang pamilya rito sa Pilipinas si Zack. Hay nako, kailangan ng tulong ng taong ito. Maingat akong naglakad para hindi ko matapakan ang mga kalat. Nang maapakan ko ang isang- "Ano ba ito?" Yuck! Pati ba naman mga gamit na tissue nakasambulat lang dito!? Bwiset talaga at nahawakan ko pa. Nakita kong bukas ang laptop ni Zack na nakapatong sa mesa sa sala. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko 'yon at sinilip-naka-log-in pa ang f*******: niya. Napangiti ako. Pagkakataon ko nang gumanti sa ginawa niya sa akin kahapon. Bwahaha! Walang personalan Zack. Pagkatapos kong i-update ang status n'ya sa f*******:, iniwan ko ulit 'yong laptop at dumiretso sa kwarto n'ya. "Zack?" Nasan na ba ang lalaking 'yon? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Dahan-dahan akong sumilip. Iniikot ko ang aking paningin sa buong silid. Ang laki ng kwarto niya. Makikita sa malawak na dingding ang isang malaking poster ni Zack. Bakante ang malaki niyang kama habang nakabukas naman ang isang malaking TV, pero walang volume. "Walang tao?" Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kaniyang silid. Habang marahan akong naglalakad ay may nasipa ako. Laking gulat ko nang makita ko ang nakahandusay na katawan ni Zack sa sahig. "Z-Zack!??" Halos maubusan ako ng hangin sa nakita ko. Agad kong nilapitan ang walang malay na si Zack. Halos malaglag ang puso ko sa lakas ng kabog. "Zack?! Zaack!" Mabilis kong dinampot ang kapirasong tela sa sahig at ipinunas ko sa kaniyang noo. "Zack!?? T-teka-dugo ba itong nasa damit niya? "ZACK!!" Tuluyan na akong napasigaw. Sa taranta ko, dalawang malalakas na sampal ang pinakawalan ko sa mukha ni Zack para gisingin siya. "Array!! Pota!!" biglang niyang tayo. Namimilipit siya sa lakas ng sampal ko habang hinihimas ang pisngi nya. "Z-Zack, b-buhay ka!" "Baliw ka ba!? Bakit mo ako sinampal!?" "P-pasensya na, ayaw mo kasing magising. A-akala ko napa'no ka na." Napa-kagat labi sa inis si Zack. "Ang sakit no'n ah!" Hinawakan ko at inamoy 'yong pulang likido sa sahig. Wine lang pala. "S-sorry-B-bakit ka ba kasi nand'yan sa sahig?" "Naagsusulat ako ng kanta kagabi. Dito na ako nakatulog sa sahig." Pambihira. Gusto kong mahimatay sa inis. Napatingin si Zack sa pamunas na hawak ko. "Teka, bakit mo hawak 'yang brief ko!?" Shemay Finals! Brief ba 'to?? Yuck! "Eww! S-soryy, akala ko towel." Napakunot siya ng noo. "Don't tell me, ipinahid mo 'yan sa mukha ko!?" "Sa 'yo naman 'yan eh, 'wag ka nang umarte-arte riyan." "Grrr!! Amina nga 'yan!" Hablot nya sa brief niya. "Ano bang ginagawa mo rito?" "Pinapunta ako rito ni Mr. Jona. Samahan daw kita sa interview." "Oh, s**t! Ngayon nga pala 'yon. *** Sumama ako sa interview ni Zack. Sumakay kami sa kotse niya. Hindi naman kalayuan mula sa condo niya 'yong studio kung saan naka-schedule ang interview niya. Nang marating namin ang studio, agad naghanda si Zack para sa live interview niya. "Zack, sandali," usap ko sa kaniya. "Bakit?" "Pwede mo bang pirmahan ito?" Abot ko sa kaniya ng CD na ibinilin sa akin ni Arjay. Tinignan lang n'ya 'yon. "Hindi ako nagsa-sign," aniya. "Ha?" "Sabi ko, hindi ako nagsa-sign. Kung gusto mo, pumila sa next album signing ko." Napakunot ang noo ko. "Seryoso ka ba? Sige na naman. Para 'to sa kapa-" "Zack! Five minutes!" Sigaw ng mag-iinterview. "Pag-iisipan ko," aniya. "Pipirmahan ko iyan kapag maganda ang kinalabasan ng interview." Umakyat si Zack sa set. Nasa backstage lang ako, pinapanuod mula sa hindi kalayuan ang nagaganap na interview. "Zack, totoo bang may bago ka raw album?" "Uhmm, yeah," nakangiting sagot ni Zack. "Nako I'm sure your fans will love it." "Zack, about sa former boy band group mo, the fans wants to know, babalik ka pa ba sa dati mong group?" Kasabay ng tanong na iyon, narinig ko ang bulong-bulungan ng mga staff. "Narinig kong hindi pa rin daw nagkakaayos si Zack at ang mga dati niyang kagrupo," sabi ng isang babae. "Oo, eh kasi wala talagang tumatagal na kaibigan d'yan kay Zack," sagot naman ng isang lalaki. Ang sama naman nila para manghusga ng ibang tao. Kung sa bagay, madalas naman talaga, ganito ang reality. Huminga na lang ako ng malalim. "I..." panandalian natigilan si Zack sa tanong ng host. "I don't know. For now, I'm enjoying my career as a solo artist." "I see... oh, and I heard na may girlfriend ka na?" "Ahh, yes... actually, she's with me tonight." Pangiti-ngiti pa itong Zack na 'to. Nako, nakakainis no'ng tumingin pa siya sa akin. Feeling niya. "I heard she's a Volleyball MVP?" "Yeah." "'Yon ba ang nagustuhan mo sa kaniya? Ang pagiging sporty niya?" "Nope... ang nagustuhan ko talaga sa kanya, eh 'yong pagnatutulog siya nang nakanganga." What the f**k!? "May picture nga siya sa akin nong nasa eroplano kami-ito oh." Aba't lokong to ah! Talagang ipinakita pa sa TV ang stolen shot ko!? Grrrr!! "Oh, she's really cute. I bet magkasundong-magkasundo kayong dalawa?" "Syempre naman." You wish. "Wait, Zack. Maraming naku-curious about do'n sa pinost mong status update sa f*******: mo kania, is that true?" "Huh? Anong status update?" *** Galit na galit si Zack sa akin habang palabas kami ng studio. "Zack, pwede mo na bang pirmahan ito?" muli kong abot sa CD. Kinuha niya sa kamay ko at ibinato sa sahig. Nakita kong nabasag at nagkadurog-durog ang CD ni Arjay. Nagulat ako sa ginawa niya. "Anong ginawa mo!? Bakit mo binasag!?" Huminga s'ya ng malalim. "'Excited na akong magpatuli this coming Christmas?' Are you fuckin' kiddin' me!?" "Hey, I'm sorry about sa f*******: mo, okay!? Binura mo na naman, 'di ba? Tska it's your fault! Kung hindi mo ako pinahiya-" "Baliw ka ba?! Don't compare me sa 'yo, Sheena. I have a career! Pinagtatawanan ako ngayon sa social media!" "What?! So, gano'n na lang 'yon? Pwede ka nang mamahiya ng ibang tao porke't feeling mo mas mataas ka sa kanila?!" "Alam mo, hindi mo ako maiintindihan dahil pera lang naman ang habol mo, right?" Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. "No wonder wala kang kaibigan!" galit kong sabi. I walked away at iniwan ko siyang mag-isa. Hindi ako umiyak. Huh! Hindi ang gano'ng klaseng tao ang magpapaiyak sa akin. Wala na akong pakialam sa kontrata. Wala na akong pakialam sa kanya. I don't care about his money. Ayoko na. Mabilis akong naglakad palayo at hindi ko na siya nilingon pa. Hindi pa man ako nakalalayo mula sa lugar na 'yon nang-- "Hey, wait!" Bigla niyang hinablot ang braso ko at niyakap ako. Parang biglang tumigil ang paligid nang maramdaman ko ang sarili ko na nakapaloob sa mga braso ni Zack.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD