TWO

2234 Words
II. Pabagsak na umupo ako sa seat dito sa cafeteria. Napaka-hassle mag enroll, mas hassle pa sa iba dahil transferee kami. Nandito kami sa isang school. And i'm telling you, this school is terribly big. Parang airport. The buildings are huge. The students are--well, rich kids. "Anong gusto mong kainin, ate?" Tanong ni Mira. "Anything." Sagot ko kaya nagkibit balikat sya at umalis na para mag-order. Tinignan ko lang ang buong paligid. Halatang galing sa mayayaman na pamilya ang mga tao. Yung mga damit nila, sapatos o bags pati na rin ang mga galaw nila ay may arte. Nagpangalumbaba ako. Kailangan namin mag-ingat ni Mira, hindi ko alam kung sino dito ang makapangyarihan ang pamilya at ayoko ng dumagdag pa sa problema ni mama. "They're here." Nilingon ko ang apat na babaeng nag uusap na nasa kabilang table lang, tulad ng ibang estudyante ay iba ang mga galaw nila. Halatang mayayaman. Napansin ko agad ang isa sa mga babae na iyon, sa kanilang apat ay litaw na litaw ang ganda niya. Walang emosyon ang suplada niyang mukha habang iniinom ang kanyang fruit shake. "Damn, girl. They're getting hotter and hotter." Ani isang babae. Tatlo silang may tinitignan sa labas ng cafeteria, glass wall ito kaya makikita ang labas kahit walang bintana. Kumunot ang noo ko at sinundan ng tingin ang pinagmamasdan nila pero wala naman akong ibang nakita kundi likod ng limang matatangkad na lalake na magaganda ang mga tindig. "They're not that special!" Sabi nung babaeng suplada ang mukha. "Your standards are too high, Chloe." Maarteng sabi nung isa. "The foods here are really pricey!" Napalingon ako kay Mira na kadarating lang na may hawak na tray. Umupo siya sa harap ko at sumubo ng isang fries at tumingin sa'kin. "Ate, nakita mo ba 'yung mga lalake kanina? They look so familiar!" Kumunot ang noo ko. "Sinong mga lalake?" Sinuklay niya ng daliri niya ang kanyang buhok at tinuro ang labas ng cafeteria. "Yung mga naglalakad doon kanina, parang nakita ko na dati 'yung isa sa kanila. Hindi ko nakita 'yung iba e, sayang.." Nagkibit balikat ako. "Baka kamukha lang." "No, ate. Kapag may gwapo akong nakita ay hindi ko talaga makakalimutan, pero 'yung kanina ay sobrang gwapo niya pero hindi ko naman siya kilala. Familiar lang!" Sinawsaw niya 'yung fries sa catsup at kinagat iyon. Uminom ako sa softdrinks ko. That guy must be really handsome, minsan lang pumuri ng tao itong si Mira. Pagkatapos namin kumain ay nag-ikot muna kami ng konti sa school at nagpasya nang umuwi. "Wow! Kanina pa tayo dito pero lagi tayong nauunahan!" Sarkastikong sabi ni Mira habang sinusundan ng tingin ang taxi na umaandar na paalis dahil may nakasakay na. Lagpas trenta minuto na kami dito, hindi ko alam kung anong technique ang ginagawa ng iba dito dahil para silang magnet na dinidikitan ng mga taxi. "Mag jeep na lang tayo." Sabi ko kaya napalingon siya agad. "Uh.." Ngumiwi siya. Nakasakay na kami ng jeep dati at isang beses lang iyon nangyari dahil hindi na naulit. Bukod sa para kaming sardinas sa loob ay pinag pyestahan kami ng mga pasahero. Maraming nakakakilala sa'min kaya nga pareho kaming naka baseball cap, halos hindi rin kami nakikipag eye contact sa mga tao dahil natatakot kaming makilala kami. Nakasuot ng glasses si Mira, kulay peach na blouse na naka-tucked in sa puting skater skirt. Kitang-kita ang maputi niyang balat sa suot niya. Samantalang ako ay naka-maong khaki shorts at puting plain shirt, mas komportable ang suot.. mas masaya ang buhay. Nagsuot na lang kami ng mask bago pumara ng jeep. Hindi naman kami gano'n ka-ignorante kaya naitawid namin ang pagsakay sa jeep, halos isang oras ang binyahe at bawat may sasakay ay yumuyuko kami. "Para po!" Maligayang sabi ni Mira kaya tumigil 'yung jeep bago kami bumaba. Ngumisi ako at tinanggal ang mask sa bibig ko at mas binaba na lang 'yung baseball cap na suot ko para hindi masyadong makita ang aking mukha, gano'n din ang ginawa ni Mira habang naglalakad kami papunta sa terminal ng tricycle na sasakyan namin. Nagkukwentuhan lang kaming dalawa nang sabay kaming manigas sa kinatatayuan namin dahil may katawan ng duguang lalaki ang bigla na lang tumumba sa harap namin. Mabilis akong napakapit kay Mira at ganoon din sya. Ngumiwi si Mira. "Ano.. 'yan?" "Aba ewan!" Pumikit ako ng mariin. Nagdudugo ang ulo nito at hindi ako sigurado kung buhay pa siya. "Miss, wag kayo maglalakad dito ng kayong dalawa lang." Mabilis akong napadilat ng mata nang marinig ang isang pamilyar na boses. Mabagal na nanlaki ang mata ko nang makita na siya 'yung lalake sa mall nung nakaraan. Nakasuot na lang siya ngayon ng round neck white shirt na tinupi niya ang manggas kaya lumitaw ang biceps niya, naka-tucked in ang unahan nito sa pantalon na maong na suot niya na hindi gaanong hapit sa mahahaba niyang binti. "Ikaw?" Gulat kong tanong. Ngumisi siya at pinunasan ang dugo na tumulo mula sa maliit na hiwa sa kanyang pisngi. "Kamusta na, Helen?" Humalakhak siya bago sipain ng mahina ang katawan nung nakahandusay na lalake sa harap namin. Umungol ito dahil sa ginawa niya, buhay pa nga! "Shane ang pangalan ko." Ismid ko. Ngumuso siya. "Gano'n ba, Sam?" Nararamdaman ko si Miracle na palihim akong kinakalabit pero hindi ko siya magawang pansinin dahil sa lalakeng ito na nakakatunaw na naman ang titig. "Baka pwede mo nang sabihin ang totoong pangalan mo?" Pumungay ang maamo niyang mata. "Pangalawang pagkikita na natin at halos mabaliw ako sa kakaisip noong mga nakaraang araw kung paano tayo magtatagpo ulit.." Kinagat ko ang aking labi. "Dito ka ba nakatira sa lugar na ito?" Tumango siya. Edi hindi malabong hindi kami magkita ulit. Ngumiti ako. "Ako si Maria.." Umungol siya at nilingon ang isang lalake na tumawag sa kanya. Tulad niya ay matangkad din ito, kung ang lalake sa harap ko ay parang anghel ang mukha. Ito naman ay parang hindi gagawa ng mabuti, naglalaro ang nakakalokong ngiti sa manipis nitong labi. May hikaw din ang isang 'to pero hoops ang suot nito at itim na stud naman ang kanya. Nakasuot ito ng itim na long sleeves at maong ripped jeans, may nakasabit na dogtag sa leeg niya. Ganitong ganito.. ang suot ng nga playboy sa school namin ni Miracle dati. "Aw, chiks 'yan brad ah?" Pinasadan niya ng palad niya ang kanyang buhok habang pinagmamasdan kami ni Mira. Hinarap siya nitong nasa harap ko at hindi nakawala sa paningin ko ang middle finger na tinapat niya sa kanyang kaibigan, patago niya lang na ginawa iyon. Natatakot na makita namin. "Bilis!" Nilingon ko ang isang lalake na tinawag na ang dalawang ito. Bago ko pa makita ay tumalikod na siya kaya hindi ko na nakita ang mukha niya. Binilisan niya ang paglalakad para makasabay ang dalawa pang kaibigan nila na nauuna na. Lumingon sa'kin itong lalake na may maamong mata at kinagat ang kanyang labi. "Wag kayong maglalakad dito na kayong dalawa lang, delikado at babae pa kayo." Wala sa sarili na tumango ako kaya ngumuso siya at tumango rin, nagtagal muna ang tingin niya sa'kin bago tumalikod at sumunod sa mga kasama niyang naiiwan na siya. Nilakihan niya ang kanyang mga hakbang para makahabol. Ngayon ko lang na-realize, sila 'yung limang lalake na naglalakad kanina sa school na pinag-enroll-an namin. Doon din ba sila nag-aaral? Ibig sabihin ay lagi kong makikita ang lalakeng iyon. "Huy, ate!" Pinalo ni Mira ang braso ko kaya napunta ang tingin ko sa kanya. "Tinuturo ko sayo kanina 'yung lalakeng familiar ang mukha, hindi mo ako pinansin!" Ngumiwi ako. "May kausap kasi ako kanina." "Alam ko, ate. Gwapo ang kausap mo." Umirap siya at hinawi ang mahaba at makapal niyang buhok. "Pero gwapo rin 'yung tinuturo ko! Familiar ang taong iyon, parang nakita ko na siya dating-dati pa!" "Turo mo na lang sa'kin sa susunod." Walang ganang sabi ko at hinila siya. "Sa ngayon, mag tricycle na tayo." May sinabi pa siya pero hindi ko na pinansin. Pagkadating namin sa bahay ay hinanap agad ng mata ko si mama na nakita kong nakasilip mula sa kusina. "Kamusta?" Magiliw niyang tanong habang binabanlawan ang mga hinugasan niyang plato. "Enrolled na kami, ma. Pero kakayanin ba natin 'yung tuition doon? Masyadong mahal--" "Shh. Marami na akong naipon kaya wag kang mag-alala, ang dapat niyo lang gawin magkapatid ay mag-aral ng mabuti." Pagputol niya sa sasabihin ko kaya ngumuso ako at umupo sa stool. Ngumiti siya at binuksan ang ref namin na walang laman kundi tubig. "Anyway, wala pa tayong stocks kaya sa tingin ko ay kailangan na natin bumili." "Kami na lang po bibili ni Miracle." Sabi ko. "Ma!" Entrata ni Mira habang papasok dito sa kusina, nakahawak sa sentido at nakangiwi. "May gamot ba dyan? Sakit ng ulo ko.." Napasinghap ako. Nagmamadali naman na tumalikod si mama para kumuha ng gamot na ibibigay, ngumisi si Mira sa'kin at binelatan ako kaya tinuro ko agad siya. "She's just pretending!" Pagsusumbong ko kaya balik na naman sa pag-arte si Mira. Lumingon si mama at inabot ang gamot sa maarte kong kapatid. "Aw, aray!" "Bakit naman siya magpapanggap na masakit ang ulo?" Inabutan ni mama isang basong tubig si Mira. "Kung masama ang pakiramdam mo, wag ka nang sumama sa ate mo." Now, she got what she wanted! Hindi na lang ako nagsalita dahil alam ko naman na mag iinarte si Mira hanggang mamaya. Ayaw niya lang sumama sa pag-go-grocery dahil isa ito sa mga bagay na pinaka ayaw niyang ginagawa. Nasanay kasi kami na may ibang tao na gumagawa nito para sa'min. Kumain muna kami bago ako naligo. Isang skinny jeans at dark red na shirt lang ang sinuot ko. Binigay sa'kin ni mama ang napakahabang listahan, kaya ko ba ang lahat ng ito? Kinuha ko ang baseball cap ko at nilagay sa bulsa ang mask ko na gagamitin ko mamaya. Sinabihan ko 'yung driver na ibaba ako sa isang mall kaya gano'n ang ginawa niya. Unang una sa listahan. Asukal. Inisa-isa ko ang lahat para wala akong makalimutan, nagdala pa ako ng ballpen para check-an ang mga bagay na nakuha ko na. Huminga ako ng malalim habang binabasa ang huling bagay na nakalista sa listahan. "Air freshener.." Nahagip agad ng mata ko ang air freshener sa hindi kalayuan, hirap na hirap na tinulak ko ang punong-puno na cart na dala ko. Mamaya ko na lang po-problemahin kung paano ko ito bubuhatin lahat. Wala akong nagawa kundi tumayo na lang sa harap ng iba't ibang brand ng air freshener, ang brand na gusto ni mama ay nasa pinakamataas at masyado akong maliit para maabot iyon. Lumingon ako sa paligid pero wala akong makita na pwedeng hingian ng pabor para kumuha nito para sa'kin. Nagbuntong hininga ako at tumapak sa bakal sa ilalim ng push cart pero umaandar lang ito. Pinatingkayad ko ang paa ko at tumalon-talon para maabot ang air freshener pero hindi ko pa rin maabot. "Konti pa, Monique." Bulong ko habang pilit na pinapahaba ang braso ko. Tumigil ang daliri ko sa pag-abot nang may isang malaking kamay na may mahahabang daliri ang kumuha ng air freshener na inaabot ko. Halos mapasandal ako sa dibdib ng kung sino man iyon, amoy na amoy ko ang mamahaling pabango nito na ang sarap sa ilong. "Thank--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil likod na lang ng matangkad na lalake ang nakita ko na naglalakad palayo. Nalaglag ang aking panga, akala ko ay kinuha niya iyon para sa'kin! Napapikit ako ng mariin at napasapo sa aking noo. Ang ungentleman naman ng taong iyon! "Ma'am, ano po iyon?" Tanong ng isang payat na lalake na nakasuot ng uniform na nagtatrabaho dito. Binaba ko ang suot kong cap. "Pwedeng pakuha ng air freshener na iyon?" "Oo naman, ma'am." Kinuha niya iyon para sa'kin kaya nagpasalamat ako. Nang ilalagay ko na ito sa cart ay nagulat ako nang makita ang isa pang air freshener na nakalagay na dito. Kinagat ko ang labi ko at nilibot ang tingin sa paligid para hanapin ng mata 'yung matangkad na lalake kanina, kinuha niya ito para sa'kin. Kinuha niya pero bakit hindi niya sinabi at bigla na lang siyang umalis? Iniwan ko na lang 'yung isang air freshener at nagbayad sa cashier. Inabot ng dalawang malaking box at iilang supot ang nabili ko kaya ginamit ko ang cart hanggang sa makalabas ng mall, ang tanging hahanapin ko na lang ngayon ay taxi na maghahatid sa'kin pauwi. "Saan kayo, ma'am?" Tanong ng taxi driver kaya sinagot ko siya. Tumango naman siya kaya isa isa kong nilagay ang mga binili ko sa loob. Nilingon ko ang driver na hindi man lang ako tinutulungan. Hindi na lang ako nagsalita at inangat ang isang box pero pakiramdam ko ay mapuputol ang braso ko dahil sa bigat nito. Napaigtad ako nang may humawak sa balikat ko at tinulak ako ng mahina patagilid. Nagtatakang pinagmasdan ko ang mukha ng lalakeng ito na walang kahirap hirap na inangat ang mabigat na kahon. Matapos niyang ilagay ang isang kahon sa trunk ay lumingon siya sa'kin kaya napaayos ako ng tayo dahil sa gulat. Ang lamig naman ng mata ng isang 'to, hindi siya gaanong maputi at kitang-kita ang hubog ng katawan niya sa suot niyang niyang longsleeves na nakatupi hanggang sa siko na medyo hapit sa katawan niya. Makapal ang kilay niya at matapang ang mata, halos guhit na lang ang kanyang bibig dahil wala siyang emosyon. Silver na barbell earrings ang nakalagay sa kanyang kaliwang tenga. "Uh.. Thank you." Nahihiyang sagot ko. Kinagat ko ang aking labi nang hindi siya sumagot at binuhat ulit ang isa pang kahon at nilagay sa trunk. Umatras ako nung isasara na niya 'yung trunk, binaling niya ulit sa'kin ang malamig niyang mata at kinamot ang kanyang sentido. "You're welcome." Kinilabutan ako dahil sa malalim niyang boses. Ibubuka ko na dapat ang bibig ko para magsalita pero tumalikod na siya kaya sinundan ko na lang siya ng tingin. Ngumuso ako. Siya rin 'yung nag-abot ng air freshener kanina para sa'kin. ✖️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD