XVIII. "Sayang, noh? Bukas pa dapat tayo uuwi kung wala lang nangyari na patayan." "You know what, sis. Gusto ko na agad umuwi that time. Nakakatakot na kasi, what if hindi pala talaga sila nagpakamatay?" "So you're saying na may killer?" "That's possible, right?" Nagbuntong-hininga ako nang marinig ang usapan ng mga kaklase ko, ayun na naman ang topic nila. Dalawang araw na simula nang makauwi kami mula sa tour. Imbis na one week ay naging four days na lang ang nangyari, natakot na ang ibang estudyante nang malaman na namatay din pala si Lance at hindi umuwi sa kanila. Ah, hindi ko na alam! Napatunayan ng mga pulis na nagpakamatay ang mga ito at lalo lang itong nagpagulo sa iniisip ko. Ang gusto kong malaman ay kung bakit nandoon si King. Kung ano ang kinalaman niya sa mga iyon. Na

