XVI. Napaiwas ako ng tingin nang marinig ang boses ng prof na tinatawag na kami para kumain ng lunch, samantalang si King ay parang walang narinig at diretso pa rin ang tingin sa'kin. Kumamot ako sa ulo at lumangoy palayo sa kanya para makaahon na ako, nararamdaman ko ang mata niyang nakasunod sa'kin. Pagkaahon ko ay nilingon ko agad si Ynna na tinitignan si Kyle na kinukuha ang damit nito na pinatong nito kanina sa bato na inuupuan ni Ynna. Piniga ko ang laylayan ng basang-basa na shirt ni Rigo para hindi tumulo ng tumulo ang tubig pero hindi ko pa rin ito hinuhubad. Dinaanan ako ni King kaya napalingon ako sa kanya, ngayon niya lang hinubad ang sleeveless na suot niya kaya likod niya lang ang nakita ko. "Damn, bakit ang nipis ng damit na 'yan?" Nilingon ko si Rigo na pinapagpagan ang

