Chapter 01

1013 Words
-Katrina’s POV- “Katrina! Pasado ka sa board exam!” Halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng tili ng roommate kong si Jackie pagkapasok ko pa lang sa boarding house na inuupahan namin. Napahinto ako sa may pintuan at agad na lumiwanag ang mukha ko sa narinig. “Weh? Hindi nga!” hindi makapaniwalang tanong ko. Pabagsak kong ibinaba ang backpack ko sa sofa at halos madapa sa pagmamadaling tumakbo palapit sa kanya. Nang makita kong hawak niya ang cellphone niya at nakabukas ang website ng Professional Regulation Commission, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “Heto! Tingnan mo!” sobrang excited na saad ni Jackie. Inagaw ko ang cellphone mula sa kanya at mabilis kong hinanap sa listahan ng mga pumasa sa Architecture Licensure Examination ang pangalan ko habang nanginginig ang mga daliri ko. Pakiramdam ko ay huminto sa pagtibok ang puso ko nang makita ang Number 46. Katrina Dela Cruz. "Oh my God! Pasado nga ako!" Sa sobrang tuwa ko, naihagis ko ang cellphone niya sa ibabaw ng sofa bago ko siya hinila sa magkabilang kamay. "Isa na akong licensed architect, Jackie!" Pareho kaming nagsisigawan habang paikot-ikot na nagtatalon sa maliit naming sala na parang dalawang batang nabigyan ng lollipop at ice cream. "Nakapasa ka! Yes, sa wakas! Nakapasa ka! Magcelebrate tayo!" tili naman ni Jackie habang niyayakap ako. "Hindi ako makapaniwala, Jackie!" halos maiyak kong sigaw. "Makakapagtrabaho na ako sa ibang bansa! Makakapagpatayo na ako ng bahay para kina Nanay at Tatay!" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Pero sa pagkakataong ito, hindi iyon luha ng pagod at hirap o luha ng pagkabigo. Kung hindi luha ng tagumpay. Bigla kong naalala ang mga gabing halos hindi ako natutulog dahil sa pagrereview. Ang mga pagkakataong noodles lang ang kinakain ko para makatipid sa pamasahe at review materials. Ang mga tawag ni Nanay na palaging sinasabing huwag akong mag-alala sa kanila dahil okay lang sila, pero alam na alam ko ang buhay nila sa probinsiya. Matagal na kaming nakikitira sa lupa ng mga kamag-anak namin. Kaya simula pa lang noong college, iisa lang ang pangarap ko. Ang maipagpatayo ng sariling bahay sina Nanay at Tatay. At ngayong nakapasa na ako sa board exam, pakiramdam ko ay isang malaking hakbang na naman ang nalampasan ko patungo sa lahat ng mga pangarap ko. Pero alam kong hindi pa rito nagtatapos ang lahat. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho ako bilang Project Coordinator sa isang construction company dito sa Maynila. Maayos naman ang trabaho ko, pero hindi sapat ang sahod para makapag-ipon ng perang kakailanganin para maipatayo ang pangarap kong bahay para sa mga magulang ko. Kaya noon pa man, matagal ko nang pinapangarap na makapagtrabaho sa Australia. Bukod sa mas malaki ang sahod ng mga architect doon, mas marami ding oportunidad para sa career growth. Ang problema nga lang, karamihan sa mga kumpanyang nakita kong naghahanap ng empleyado ay may isang pangunahing requirement. Board passer. Noon, hanggang tingin lang ako sa mga job posting. Ngayon, qualified na ako. Bigla ulit akong napangiti. "Kailangan ko nang mag-apply sa Australia, Jackie!" Binitiwan ko ang mga kamay niya at patakbo akong pumasok sa kuwarto namin. Agad kong binuksan ang lumang laptop na nasa ibabaw ng study table at mabilis kong hinanap ang website ng Australian company na ilang beses kong binabalik-balikan noong nakaraang buwan. Humugot ako nang malalim na hininga habang hinihintay itong mag-load. Ilang segundo lang ang lumipas, napapalakpak pa ako nang makitang hiring pa rin sila. "Yes!" Mabilis kong binuksan ang naka-save kong curriculum vitae at sa ilalim ng qualifications, idinagdag ko ang pinakahihintay kong linya. Licensed Architect – Board Passer Ilang beses kong binasa ang buong résumé upang matiyak na wala itong mali bago ipasa. Nang makuntento ako, pinindot ko ang Submit Application. “Ipagdadasal ko na sana makapasa ka, Katrina.” hindi ko alam na sinundan pala ako ni Jackie sa loob ng kuwarto at pinanood ako sa pagpasa ng application ko. “Sana nga, Jackie.” nakangiti kong sambit habang nakatitig pa rin sa screen ng laptop ko. ***** After one week, nakatanggap ako ng email mula sa kumpanya sa Australia na pinagpasahan ko ng resume, at tuwang-tuwa ako nang makitang nakapasa ako. “Jackie! Pasado ako!” naluluhang sigaw ko nang makita siyang pumasok sa kuwarto namin. “Makakapunta na ako sa Australia!” “Ang galing-galing mo, Katrina! Huwag mo akong kakalimutan kapag nandun ka na ha!” niyakap niya ako nang mahigpit. “Tapos hanap mo ako ng afam. Gusto ko na ding makapunta sa ibang bansa at makatikim man lang ng kahit kaunting ginhawa sa buhay.” Katulad ko, mahirap lang din ang pamilya ni Jackie at hindi siya nakatungtong ng college kaya pagiging staff lang sa isang fastfood restaurant ang trabaho niya. Ulila na kasi siya sa mga magulang at may kapatid siyang sinusuportahan na nasa pangangalaga ng tiyahin niyang nasa probinsiya at buwan-buwan siyang nagpapadala dito. “Oo, sige. Huwag kang mag-alala. Kapag nandoon na ako, tutulungan kitang makapunta doon. Hahanap tayo ng afam!” kinikilig kong turan bago kami sabay na naghagikgikan. Kinabukasan, sinimulan ko nang ayusin ang mga kailangan kong papeles para sa visa ko, at habang papunta sa sakayan ng jeep, nasagi ako ng side mirror ng isang kotseng puti, pero sa halip na hintuan ako, dire-diretso lang siyang nagpatakbo. “Hoy!” galit na sigaw ko at pinalo ko pa ang likurang bahagi ng sasakyan niya, pero nagpatuloy pa rin siya sa pagtakas kaya hinabol ko siya. “Hoy! Tumigil ka! Nasagi mo ako! Hoy, bumalik ka dito!” Tumingin sa side mirror ang driver at nang makitang tumatakbo ako, bigla siyang huminto. Tumigil naman ako sa paghabol nang makita kong bumukas ang pinto ng kotse. Susugurin ko na sana siya, pero natigilan ako nang masilayan ko ang gwapo niyang mukha. Nalunok ko tuloy bigla ang sasabihin ko. “Hey!” iwinagayway naman niya ang kamay sa harap ng mukha ko nang makitang natulala na ako sa kinatatayuan ko. “Punasan mo nga ‘yang laway mo, Miss. Bakit mo ba ako hinahabol ha? May kailangan ka ba sa akin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD