-Katrina’s POV “Do you have family here?” muling binasag ni Hailey ang katahimikan at napalingon ako sa kanya. “No. My family is in the Philippines.” “Oh.” Bahagya siyang ngumiti. “That must be hard.” I forced a small smile. “It is.” “Do you have a boyfriend?” Napakurap ako sa tanong niya. “No. I don’t have one.” Gusto ko sanang sabihin na may anak ako, kaya lang ay baka mas marami pa siyang itanong sa akin, kaya huwag na lang at hahaba pa ang usapan. Mabuti na lang talaga at magaan ang pakiramdam ko dito kay Hailey, dahil mukha naman siyang mabait. Palangiti kasi siya at magaan kausap. Para siyang si Jackie, pero foreigner. Pero parang matagal ko na siyang kakilala. “By the way, if you need help with anything, just ask me. I’ve been working there for almost three years. So, you d

