Chapter 5

1135 Words
THAT SON OF A BÍTCH ! NANG magising siya nasa isang maliit na kwarto siya na mayroon single bed. Sa loob ng kwartong iyon ay may malaking salamin sa pader, para siyang nasa isang two-way mirror room. Umingos siya. Ano 'to interrogation room? Alam niyang may taong nakamasid sa kanya sa kabilang side ng salamin. "Hey, Ásshole ! Can you at least explain to me, why I am here?" aniya saka tumayo siya sa harap ng two-way mirror. Mayamaya pa ay may tumunog saka niya narinig ang malagom nito boses. "Because .... I like you, Amber Blackwood." She rolled her eyes and shook her head. He like her ? Mukha bang may gusto ito sa kanya? "I don’t know what your problem is, Mr. Whoever-you-are, but I’m guessing it’s hard to pronounce," sarkastikong tugon niya. Narinig niya ang malakas na pagtawa nito, kahit wala naman nakakatawa sa sinabi niya. "I want you so bad ... Amber Blackwood." Napailing siya saka pinagkrus ang mga braso sa may dibdib niya sabay taas ng kilay. "You want me, huh? Paano kita magugustuhan kung nagtatago ka sa maskara mo? Vendetta mask pa? Tsk, tsk, siguro panget ka? Well, too bad you can’t photoshop your ugly face," pataray na sabi niya saka siya pagak na tumawa. "We will see, Amber Blackwood..." Tinaas niya ang gitnang daliri para ipamukha sa lalaking ito na hindi siya takot, never siyang matatakot. Wala sa bokubolaryo niya ang salitang takot. Ilan sandali pa ay namatay ang ilaw sa kwarto. Nilamon ng dilim ang paligid niya, marahan siya napaatras at prenteng umupo sa single bed. Hindi niya napansin kung ilan minuto ba sya nakaupo, napakislot na lamang siya ng bumukas muli ang ilaw kasabay ang pagbukas ng bakal na pinto ng kwarto. Sumulpot ang dalawang lalaking nakasuot ng jabbawockeez mask, kinaladkad ng mga ito ang isang lalaki sabay walang awang hinagis sa sahig at sinarado uli ang bakal na pinto. Napatingin siya sa lalaking nakahandusay sa harapan. Wala itong suot na pang itaas, nakasuot ito ng pantalon na itim, nakayapak lang ito at halatang binugbog ito ng husto. Nang lapitan niya ito, napasinghap siya ng makilala kung sino ito. "C-Cross !–" Napaluhod siya rito at sinapo ang mukha na puno ng dugo. May sugat ang mga labi nito. Kinabahan siya sa lagay ng binata kaya naman, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang maihiga ito sa single bed. Walang malay ang binata marahil sa tindi ng bugbog na sinapit nito sa kamay ng kalaban. f**k ! Subalit, hindi rin niya maitanggi sa sarili na masaya siyang makita si Cross, natutuwa siyang makita itong buhay. Hinaplos niya ang mukha ng binata. Lumipas ang mahabang oras, naramdaman niyang gumalaw si Cross. Nakaupo kasi siya tabi nito, gusto niyang bantayan ito baka mamatáy ito habang walang malay. "C-Cross ?" pukaw niya sa binata. Nakita niyang unti-unting nagmulat ito ng mga mata. Tumutok ang paningin nito sa mukha niya, parang wala pa sa kondisyon ang isip nito dahil nakatitig lang ito sa kanya. Hinaplos niya ang mukha nito. Tila doon lang ito nahimasmasan, napabalikwas ito ng upo sa kama. "L-Lady Amber?" napahawak ito sa mga balikat niya. Sinipat sipat nito ang mukha at katawan niya. "Ayos ka lang ba, Lady Amber? Sinaktan ka ba nila?" Nais niyang ngumiti dahil sa pag aalala sa boses ni Cross subalit pinigil niya ang sariling mapangiti. "I'm fine, Cross. A-Anong nangyari sa'yo? sa iba? ikaw na lang ba ang natira?" Napabitaw ito ng hawak sa balikat niya. Bagsak ang balikat nito, napayuko. "W-Wala na sila, Lady Amber. Isa-isa kaming naubos, masyado silang marami at mas marami silang dalang armas," malungkot na sabi ni Cross. Tiim ang bagang niya ng marinig ang sinapit ng mga bodyguard niya. Humugot siya ng paghinga. "Don't worry. Magiging maayos ang lahat, for sure.. nalaman na ni Daddy ang nangyari sa'kin kaya hindi iyon titigil hangga't hindi ako nakikita," seryosong saad niya. Naniniwala siyang mahahanap at mahahanap siya ni Daddy. Kailangan lang niya mag antay. Naramdaman niya ang pag abot ni Cross sa isang kamay niya. "Hindi rin ako titigil sa pag protekta sayo, Lady Amber." Bumilis ang tahip ng dibdib niya. Ramdam niya ang sinseridad sa mga salitang binitawan ni Cross sa kanya. Nagsalubong ang kanilang mga tingin, walang lumalabas na kahit anong salita sa mga labi nila, naramdaman na lamang niya ang pag akyat ng kamay ni Cross sa batok niya at dahan-dahan inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Naramdaman niya ang mainit nito labi sa dumampi sa mga labi niya. Sa simula ay banayad ang galaw ng labi nito sa labi niya hanggang sa tuluyang naging mapusok. She was enjoying herself, she was enjoying the delicious taste of his lips. Hindi niya akalain na magiging ganito ang pakiramdam niya sa gagad ng dila at labi ni Cross sa kanyang bibig. Nakakawala sa tamang huwisyo hanggang sa muling bumukas ang bakal na pinto dahilan upang humiwalay ng bahagya sa kanya si Cross. Pumasok ang apat na lalaking nakasuot pa rin ng jabbawockeez mask. Hinaklit siya ng dalawang lalaki sa mga braso habang ang dalawa pa ay hinila rin si Cross palabas ng kwarto. Dinala silang dalawa sa isang malaking kwarto na punong puno ng ilaw. Pinaluhod silang dalawa ni Cross. Habang lahat ng armadong lalaki ay sa kanila nakatutok ang mga baril. Nakakasilaw ang buong kwarto pero hindi hadlang 'yon para makita niya ang lalaking nakasuot na Vendetta mask. Gano'n pa rin ang suot nito. All black. Subalit, kumunot ang noo niya, parang may iba... hindi ito ang lalaking humarap sa kanya nun una. Matangkad ang lalaking unang humarap sa kanya, samantalang ang lalaking nakasuot ng Vendetta mask ngayon sa harapan niya ay hindi gaano katangkaran. Namamalikmata lang ba siya? o sinasadya ba nito lituhin siya para hindi niya ito makilala? "Binigyan kita ng magandang laruan, Amber Blackwood. Ayokong ma-bored ka habang nasa pangangalaga kita." Malagom din ang boses nito subalit iba.. may iba. Obvious na nagpapanggap lang ang isang 'to. Pero bakit? Humugot siya ng paghinga saka inayos ang nagulong buhok. Inipit pa niya iyon sa likod ng tenga niya. "Mas hindi ako maboboring kung papahiramin mo ko ng baril. Baril barilan tayo? mas exciting 'yon?" nakangising turan niya. "Mas exciting ang ipapagawa ko... sa kasama mo.." Bigla siyang nag alala para sa buhay ni Cross. Dagli siyang napatingin sa gawi ni Cross na nakaluhod din sa tabi niya. Blanko ang mukha nito, walang mababakas na anuman takot sa mga mata nito. "Kung ano man ang gagawin nyo sa'kin, gawin nyo na, 'wag nyo lang gagalawin si Lady Amber–" mahina subalit may diin sabi ni Cross. "Cross..." Malakas na humalakhak ang lalaking nakasuot ng Vendetta mask. Binigyan niya ito ng matalim na tingin. "S-Sino ka ba?!" angil niya rito. Huminto ito sa nakakalokong pagtawa nito at nagpamulsa. "Call me .. Lucian."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD