Chapter 2

1323 Words
"I WILL KILL YOU, AMBER BLACKWOOD !" Halos mapugto na ang lalamunan ni Mr. Nakamura habang nakagapos ang dalawang braso nito sa likuran ng upuang kahoy. Duguan ang buong mukha nito. Hindi na halos makilala dahil sa bugbog na sinapit nito kay Cross. "This isn't over yet, Mr. Nakamura," ngumisi sya saka nagsindi ng sigarilyo. Sumenyas sya kay Cross at sa iba pa nya bodyguard. Hindi pa sya tapos maglaro. Ang pinaka ayaw nya sa lahat ay 'yon makatagpo ng mas demonyóng tao maliban sa kanyang Daddy. Kumilos naman si Cross. Inalis ang gapos nito sa braso subalit itinali ito pataas sa isang bakal, sa magkabilang dulo ng kamay nito. Tinanggal din ang saplot nito tanging boxer short na lamang ang natira. "You're going to pay ... for what you did to me, Blackwood–" namamaos na wika ni Mr. Nakamura. Sumenyas sya uli kay Cross. Tumango naman ito, mayamaya ay nag umpisa na itong hatawin ng latigo si Mr. Nakamura sa likod. Hindi niya pinahinto si Cross hangga't hindi lumulupaypay ang ulo ni Mr. Nakamura. Nanggagalaiti siya sa labis na galit. Kulang pa ang bawat latay ng sakit at hapding nararamdaman nito sa latigo. Lumapit sa kaniya si Luca isa sa mga bodyguard nya. "Confirmed. Three bodies were found inside Mr. Nakamura's mansion," ulat ni Luca sa kaniya. Napaka demónyo ! Nakuyom niya ang mga palad. Walang pusong pinaslang ni Mr. Nakamura ang isang pamilya, mag asawa kasama ang dalawang taong gulang na batang lalaki. Hindi lang nito pinatáy ang pamilyang iyon. Ang bangkáy ng mag asawa ay natagpuan sa isang malaking chest freezer habang ang dalawang taon gulang na batang lalaki ay nakita sa loob ng refrigerator. Kinuyom nya ang mga palad. Nagtatagis ang bagang niya. Mayamaya pa ay lumapit sa kanya si Cross. May talsik ng dugo ang gwapong mukha nito pati na rin ang suot nitong white long sleeve na nakabukas pa ang dalawang butones sa bandang dibdib nito. Hindi talaga maiwasan ang pagkabog ng puso sa tuwing napapatitig sya sa binata na para bang nahipnotismo sya nito. "Still alive. He just passed out. Anong sunod na gagawin sa kanya?" seryosong tanong ni Cross. Subalit imbes sagutin niya ang tanong nito. Lumingon sya kay Luca na nasa gilid lang nya. "Ikaw na bahala, Luca. Ilagay mo 'yan sa pinaka maliit na freezer bago itapon sa dagat," malamig na boses na utos niya. Tumango lang si Luca sa kanya. Humarap sya kay Cross, may bahid ng pagtataka sa mukha nito. Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo na si Luca. Umuwi na tayo, pagod na ako." "Yes, Lady Amber." Nasa kotse na sila ni Cross nang makatanggap sya ng tawag sa Daddy niya. Katabi niya ang binata sa backseat. Bodyguard din nya ang nasa driver seat at sa passenger seat. At may nakasunod din sa kanila na dalawa pang kotse na mga bodyguard din niya. "Yes, Dad?" sagot niya. "I heard you had Nakamura in your possession. Don't tell me you killéd him?" "He's still alive. Don't worry. I'll take him to héll tomorrow," nakangiting sabi niya. Malakas na halakhak ang narinig niya sa kabilang linya. "That's my baby girl. Daddy is so proud of you." Of course, kanino ba sya magmamana? Iyon naman ang nais ni Daddy. Ang maging katulad siya nito upang balang araw siya ang papalit rito. Lumaki siya sa isang mundo ang karahasan ay isang normal na bagay lamang. "Thank you, Daddy." "Alright. I need to go, baby girl." "Hmm, 'kay." Nang maibaba na niya ang tawag, sumulyap sya kay Cross na tahimik lang na nasa tabi niya. Nakatunghay ito sa bintana ng kotse kaya ang side view ng mukha nito ang nakikita niya. Undeniably handsome.... Pagdating sa Villa, sumunod kaagad sa kanya ang mga maids hanggang sa kwarto niya. Walang inhibisyon hinubad niya ang lahat ng saplot sa katawan niya at dumiretso sa bathtub. Binuksan ng maids ang warm water at naglagay ng liquid soap saka minasahe ang buhok niya. Ilan sandali pa ay nakaidlip na pala sya. Nagising na lamang sya na nakahubod hubad sa ibabaw ng kama niya. Bumangon siya. Past midnight na pala. Kinuha niya ang kanyang bathrobe at lumabas ng kwarto. Malaki ang Villa sa sobrang laki, papasa na itong haunted house sa pelikula pero never siyang natakot. Sumakay sya ng elevator patungo sa pinakababa. Nais niya hanapin si Cross. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang makita ang binata. Napadaan sya sa malaking pinto ng kusina. Nangunot ang noo nya nang makarinig sya ng mga halinghing. Hindi sya bobó para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng kung sino man ang nasa kusina. Kung tutuusin, wala sya pakialam sa ginagawa ng mga katulong at bodyguards nya. Subalit, ibang usapan kung si Cross. Binuksan niya ang pinto ng kusina. Lumakas ang mga daing at ungol. Napansin niya ang isang babaeng katulong na nakaupo sa stainless table, nakataas ang suot nito palda at may lalaki sa pagitan ng mga hita nito. "Ahhhh .... s-sige pa, Cro.. Cross. Hmmmm, a-ang sarap mong kumain–" Nagpantig ang dalawang tenga niya. Nagtagis ang mga ngipin niya. Bahagya pa sya lumapit sa dalawa upang malaman kung si Cross nga ba talaga iyon. Tumayo ng diretso ang lalaki at akmang hahalikan sa labi ang babae nang mapansin siya nito. Napahinto si Cross. Bakas ang gulat sa mukha nito. Napalingon din sa kanya ang babae. Gulat at takot ang bumalatay sa mukha ng babaeng katulong. "M-Miss ... Amber–" paanas na wika ng babae. Matalim ang mga tingin niya habang nakakuyom ang isang palad niya. Pakiramdam niya, niloko sya. Masakit. Walang kasing sakit ang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. Lumapit siya sa isang landline wall phone na nasa gilid ng pinto ng kusina. Tinawagan niya ibang bodyguard at wala pang limang minuto nag sidatingan na ang mahigit sampo niyang bodyguards. "Lady Amber–" boses ng mga bodyguard niya. Humarap sya sa mga ito. Alam niyang nagtataka ang mga ito lalo pa't nasa kusina rin si Cross at ang babaeng katulong na nasa di kanais-nais na posisyon. "I need a gun–" utos nya na nakalahad na ang isang kamay niya. Kaagad naman sya inabutan ng baril saka humarap uli sa babaeng kaulayaw ni Cross. Walang pasintabing itinutok niya ang baril sa ulo ng babae. Nahindik ito sa takot. Mabilis ito tumakbo palapit sa kanya at lumuhod sa harapan niya na nakadikit ang mga palad. "S-Sorry po, Miss Amber. So..rry po maawa po kayo sa'kin. Hindi ko na–" nagmamakaawang salita ng babae subalit hindi na niya pinatapos itong magsalita. Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong kusina sabay ang paghandusay ng katawan ng babaeng katulong. Isang tama ng bala sa noo ang tumapós sa buhay nito. Tinapunan nya ng matalim na tingin si Cross. Nakatayo lamang ito. Walang reaksyon mababakas sa mukha nito ni hindi nito tinapunan ng tingin ang babaeng wala ng buhay na nasa sahig. Inayos lang nito ang nagulong buhok nito. Tiim ang bagang na tinutok niya ang baril kay Cross. Hindi ito kumibo... ni hindi man lang kumurap. Walang mababakas na takot sa mga mata nito na para bang wala itong pakialam kung papatayín nya ito. Gusto niyang mag makaawa nito sa kanya. Gusto niyang humingi ito ng sorry sa kanya but damn it ! Hindi nito ginagawa na dahilan upang lalo siyang mainis. Gigil na binababa niya ang baril saka binigay sa bodyguard na nasa tabi niya. Siya na mismo ang lumapit kay Cross at walang pagkundangan sinuntok niya ito sa mukha. Natumba ito sabay sapo ang tinamaan na pisngi. Umingos siya. Anong akala nito hindi siya marunong sumuntok? Tumalikod na sya subalit bago siya tuluyan lumabas ng kusina nag utos muna sya. "Gusto kong pahirapan niyo siya... at ikulong sa basement." "Yes, Mam Amber." Damn !!! Ano bang ikinagagalit niya? Wala na ba sya sa katinuan? Bakit apektado siya na may babaeng kaulayaw si Cross?! Argh ! He's just a fúcking bodyguard !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD