BOOK 1-CHAPTER 1

1407 Words
AN: Salamat pala sa mga nagbasa agad nito, sobrang salamuch! ❤❤❤ sana'y makasama ko kayo hanggang sa dulo. ========================================== LIA P.O.V Habang naghihintay kami sa loob ng isang restaurant ni Aireen pakiramdam ko hindi na ako mapakali talaga. Excitement at kaba ang nararamdaman ko dahil sa makikita na namin ang mayaman na mapapangasawa ng kaibigan namin na si Geraldine. "Mads, ano kaya ang itsura ng mapapangasawa ni, Geraldine?" curious na tanong ni Aireen. Napaunat muna ako ng binti bago ako sumagot. "Malamang gwapo 'yun at isa pa sabi niya diba may lahi raw?" Sagot at tumingin muli ako sa glass door. "Talaga? Oh, my gosh! Malamang malaki 'yun." malokong salita ni Aireen at tumawa ng mahina. Sa muling pag-angat ko ng mukha doon banda sa may entrance, pakiramdam ko nag-slow motion ang pagpasok ng isang napaka-sexy at magandang si Geraldine. Nakasuot ito ng fitted na dress na lagpas tuhod na kulay puti, labas ang makinis na balikat nito gayun din ang tuhod nito na pantay sa kulay ng balat dahil sa maputi ito. Sumunod ang isang lalaki na maingat na inaalalayan si Geraldine habang naglalakad. Halos hindi mawala ang tingin ko sa kanya dahil talagang ang gwapo niya at sobrang lakas ng s*x appeal niya. "Mads, baka naman matunaw 'yan. Nakatingin na sa'yo si Geraldine." Bulong ni Aireen at bahagya na siniko niya ako. Doon lang ako natauhan na nasa harapan na pala namin ang dalawa, napapahiya na tinanggal ko na ang pagkakatingin ko doon sa lalaki. "Hello, Geraldine at sa'yo po. Teka ano po name niyo?" Basag ni Aireen dahil biglang katahimikan na namagitan sa amin. Tumikhim naman ang lalaki pero hindi ko magawang tumingin dahil sa hiya ko. "Hi, ladies. I'm, Duke Salvador. Nice to meet you," masiglang pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay nito 'kay Aireen. Agad naman inabot ito ni Aireen na natatawa pa. "And, you?" Napakurap pa ako ng mata dahil ako na pala ang tinatanong niya. Humugot muna ako ng malalim na buntunghininga bago sumagot. "Lia Silis." kinakabahan na pagpapakilala ko at ng abutin ko na ang kamay nito. Hindi ko alam pero para akong nakuryente at may kung ano'ng libo-libong boltahe ang kumalat sa buong katawan ko. "His my husband soon." Napabitaw naman ako bigla sa kamay ko dahil sa may kataasan na boses ni Geraldine. Muling natigilan ako at hindi ko malaman kung saan ko ipapaling ang paningin ko. "Ok, tama na yan. Alam mo Geraldine excited na kami sa nalalapit niyo na kasal diba, Lia?" Nakangiti at tiningnan ako ni Aireen. Napatango naman ako dahil alam ko ang ibig ipahiwatig ni Aireen sa tingin na 'yun. "Anyway, hindi na kami magtatagal. Gusto ko lang naman na ibigay ito ng personal sa inyo ang invitation card." wika naman ni Geraldine. "Hon, wala naman tay-" "No, Hon. We have, ok?" Nakaangat ang kilay na putol ni Geraldine sa sasabihin ni Duke. "Ganun ba, sayang naman gusto pa naman namin kayo makakwentuhan ni, Lia. Kasi ang tagal na rin natin hindi nagkita," malungkot na turan ni Aireen. "I'm sorry, pero marami pa kasi kaming aasikasuhin next time na lang, See you on my wedding day." Paalam na ni Geraldine. Ngumiti na lang sa amin si Duke at gayundin kami, nakaramdam ako ng lungkot kasi hindi ko man lang matagal na nakausap sila. "Bakit ganun? Parang ibang Geraldine na 'yung kausap natin. Tatlong taon lang naman ang lumipas pero parang ibang tao na siya." mahinang salita ni Aireen na nakasunod tanaw pa rin kila Geraldine. "Hindi natin alam dahil tatlong taon din at marami ang pwedeng mangyari sa tatlong taon na 'yun." sagot ko lang na nakasunod tanaw rin sa sumakay na sa kotse ang dalawa. "I-take out na lang natin ang pina-order nila kasi sayang naman." salita pang muli ni Aireen. Tumango naman ako kasi talagang sayang 'yun at isa pa binayaran na 'yun nila Geraldine. Matapos maipabalot ang pagkain lumabas na kami ng restaurant ni Aireen. "Uy, Lia. Hindi ko gusto yung tingin mo sa mapapangasawa ni, Geraldine ah." maya'y salita ni Aireen. "Bakit? Ano ba ginawa ko?" Maang na tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin. "Sus! Kunware ka pa kung makatingin ka doon 'kay, Duke. Nabusog ka na bigla dahil sa walang sawa na titig mo, kaya tuloy si Geraldine naimbyerna ata." kaswal lang na salita ni Aireen. Napangiti lang ako sa sinabi pero totoo naman ang sinabi ni Aireen. Kasi para akong namagnet sa kakatitig 'kay Duke. Kasi talagang kahit sino mpapatingin sa kanya tapos 'yung mata niya na pakiramdam mo matutunaw ka. ---------- Pabagsak na hiniga ko ang katawan ko sa single bed, si Aireen tulog gisingin na lang raw siya kapag madilim na. Umuupo lang kami ni Aireen dahil pareho kaming namamasukan bilang cashier sa isang supermarket at halos magkaedad lang kami dahil ako 'ay 24 years old at si Aireen naman 25 years old. Naisip ko kunin ang cellphone ko dahil may kung anong nagsasalita sa isip ko na i-search ang pangalan na Duke Salvador sa f******k. Habang nagttype ako may kung ano ako'ng kasiyan na nadarama. Pag-click ko ng name nakita ko agad ang pic niya na kasama si Geraldine, medyo kumirot ang puso ko ng i-click ko ang profile pic ni Duke. Titig na titig ako sa screen lalo na sa mga mata ni Duke na akala mo 'ay laging nang-aanyaya. Matapos 'yun naisipan ko i-add kaso naka-private siya kaya naman nadismaya ako. Naisip ko i-message kaso bigla ako'ng kinabahan dahil baka si Geraldine ang makabasa. Pero ewan ko ba talagang may kung anong pwersa ang nagtutulak sa akin na gawin ko na 'yun kaya add ko siya sa messenger. Nanginnginig ang daliri habang nagtatype ako ng sasabihin. Lia Silis Hi! Duke Salvador, it's me Lia. Kaibigan ni Geraldine, hope na maalala mo ako. Typing... Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa kaba dahil sa pag-sent at napapikit ako at nagulat na lang ako sa pagdilat ko nagtatype si, Duke. Nakangiti na hawak ang bibig dahil sa paghihintay ng sasabihin nito. Duke Salvad... Yes! I know you. Hello, Lia. Typing... Lumawak ang pagkakangiti ko dahil sa reply niya at mabilis na nagreply ako agad. Lia Silis Salamat, hindi kasi kita ma-add kaya napagpasyahan ko na i-message kita. Ok lang ba? Hindi ba ako nakaka-istorbo sa'yo?" Typing... Duke Salvad... Nope, don't worry. Naka-private ako kaya wala talagang puwedeng mag-add sa akin. Alam mo naman ang kaibigan niyo takot maagaw ako sa kaniya. Hahaha Typing... Lia Silis Hahaha. Kasi naman ang gwapo mo at talaga naman na ang perfect mo na, kahit naman siguro ako noh. Typing... Gumaan ang pakiramdam ko sa palitan namin ng convo ni Duke at para bang ang tagal na namin magkausap. Duke Salvad... Yap, pero wala naman siyang dapat ikabahala dahil siya lang ang babae ko. Typing... Nalungkot ako bigla at parang kinurot ang puso ko dahil sa sagot niya. Lia Silis Hahaha, oo naman. Basta huwag mo siyang lulukohin kung hindi kami na kaibigan niya ang makakalaban mo. Typing... Duke Salvad... I promise na hindi ko 'yan gagawin, mahal na mahal ko ang kaibigan niyo. Kaya nga niyaya ko na siya ng kasal. Typing... Hindi ko na magawang magtype kasi ang sakit na ng puso ko. Lia, come on! Bakit ba sinasaktan mo lang sarilo mo? Tigilan mo na dahil may nagmamaya-ari na sa kanya. Saway ng isipan ko sa sarili ko. Duke Salvad... Hey, are you there? Typing... Lia Silis Yes! Sorry, sige inaantok ako eh. Salamat pala sa time next na lang ulit. See you... Typing... Ayoko pa sanang tapusin ang usapan namin kaso parang hindi ko na kaya, kailangan ko munang kalmahin ang puso ko. Duke Salvad... Oh, ok. Rest ka na at salamat rin sa pag-message, Lia. Nice to meet you again. :) Typing... Ini-off ko na ang data ko matapos ko mabasa ang huling message niya. Pinikit ko ang mata ko at pilit na iwinawaglit sa isipan ang nadarama ko ngayon at mukha ni Duke. Sa paglipas ng ilang araw na lagi ko siyang nakakausap, mas lalo akong nalulungkot dahil nalalapit na ang kasal nila. Pero ang nararamdaman ko mas lalong lumalim at hindi ko alam kung paano ito pipigilan. Maaaring hibang na ako dahil sa mahal ko na agad siya kahit sa sandali ko pa lang siyang nakilala at nakausap sa chat. Ano ba ang gagawin ko, kung ito na talaga ang nararamdaman ko? Sana nga hindi totoo ang nararamdaman ko sa kaniya. -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD