CHAPTER 3

1462 Words
AN: Ito na po ang yung nangyari sa prologue, pero pov po ito ni Lia. Sana'y mag-enjoy kayo dito. ❤ Maraming typos at kung anu-ano pa. ======================================== LIA P.O.V Nakarating kami nang maayos sa condo unit ni, Duke. Kahit nahirapan ako dahil malaking tao siya hindi ko 'yon ininda dahil sa masaya ako dahil nakatulong ako kahit paano sa kaniya. Nagpatulong na lang ako sa mga attendant na lalaki upang tulungan ako na itapat sa finger print ang daliri ni Duke. Dahil ito pala ang pinaka-susi upang makapasok sa loob. Habang payapa siyang nakahiga sa malambot na kama malaya kong napagmasdan ang kaniyang mukha. At wala talaga ako'ng maiipintas dahil napaka-perpekto nang mukha niya, simula sa ilong na napakatangos at makinis na mukha, gayudin ang labi na hindi gaano kanipisan ngunit mamula-mula. At ang kilay na medyo may kakapalan na bumigay naman sa kaniya. "Hon, nasaan ka na ba? I-I miss you." Mahinang sambit nito habang nakapikit, lumapit naman ako ng kaunti at magaan na hinimas ko ang buhok niya ng ilang ulit. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, dahil bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa labi niya. Balak ko na sanang hatakin pero paulit-ulit na hinahalik-halikan nito ang ibabaw ng kamay ko. "I love you, hon." mahinang sambit nito kahit nakapikit. Hindi ko alam pero pakiramdam ko sa akin niya sinabi 'yon, at ang halik na nagdulot ng ilang libong kuryente sa buong katawan ko. Akala ko tapos na ang halik na 'yon pero muntikan na ako'ng mapasigaw nang hatakin ako nito. Patagilid akong napahiga kaya naman magkaharap ang mga aming mukha. Hawak pa rin nito ang kamay ko. Nanlaki naman ang mata ko nang dumilat ang mata niyang malamlam at titig na titig sa akin. Hanggang sa unti-unting lumalapit ang mukha niya at nalalanghap ko na nang husto ang hininga niya. "D-Duke, sandali." salita ko pero gano'n na lang ang pamimilog ng mata ko nang sakupin nito ang labi ko. Hindi ako makagalaw at hinayaan ko lang siya, sa isip ko nagsusumigaw na mali 'yon pero ang puso ko naman.. Hindi ko na alam kung paano at kung ano ang gagawin ko para pigilan, dahil ako 'ay dalang-dala sa halik na ngayon ko lang naramdaman. Nagpadala na ako sa init at sarap na naramdaman ko nakalimutan ko na ang lahat. --------- "Walanghiya ka! Ano'ng ginawa niyo!? At ikaw na babae ka, kaibigan kita, Lia!" Nagulantang ako at biglang napabangon dahil sa matinis na boses na narinig ko. Hinatak ko ang kumot dahil sa hubad ang aking katawan. Puno nang hinanakit na tiningnan ako ni, Geraldine. Napayuko ako dahil sa kahihiyan, pero may bahagi ng puso ko na natuwa at 'yon ang hindi ko alam. "Hon, please! Let me explai-" "Explain what, Duke? One week na lang at ikakasal na tayo. Bakit mo 'to nagawa sa akin, at kaya pala ayaw mo makipag-s*x sa akin dahil iba ang type mo. Yang baduy na babae na 'yan, ha!?" Nangagalaiti na salita ni Geraldine. "Ano! Wala ka man lang sasabihin na malandi ka ha? Ano ba ang ginawa ko sa'yo at nagawa mo sa akin 'to, Lia? Huh!?" muling baling ni, Geraldine sa akin. Sa ibang direksyon ako nakatingin at nakita ko ang mukha ni Duke na gulong-gulo ngayon. Hanggang sa maramdaman ko ang pagsambunot niya sa akin kasabay nang paulit-ulit na pananampal. Hinayaan ko lang siya kahit inaawat na siya ni, Duke. "Hon, pag-usapan na muna natin ito." kalmadong awat ni Duke 'kay Geraldine. "I-I love you so much, Duke. Bakit mo ito nagawa?" Nanghihinang salita ni Geraldine at napaupo sa sahig habang nag-iiyak. "Hon, i'm sorry. I was drunk and i-" "Anong kaguluhan ito?" Hindi na natapos ni Duke ang sasabihin niya, ako naman napaangat ng mukha dahil sa dumadugundong na boses nang isang lalaki. At kasama ang isang may katandaan na babae, gulat na gulat ang rumehistro sa magandang mukha nito. "Dad! Ma!" Tanging na wika ni Duke at tumayo naman si Geraldine, mabilis na yumakap doon sa babae na mama pala ni, Duke. "Ano ba itong ginawa mo, Duke?" Matigas na tanong nang tinawag nito na dad. Nagpalipat-lipat ang paningin nang papa ni Duke sa amin at huminto ang mata nito sa akin. Naramdaman ko ang mahapding mukha at masasakit na anit, at buhok ko na gulu-gulo. Nahihiyang napayuko ako dahil sa ayos ko ngayon. "Hija, ayusin mo muna ang sarili mo at mag-uusap tayo." ma-awtoridad na utos nito. Natigilan ako dahil sa sinabi nito kaya nakaramdam ako ng kaba. "At ikaw naman," baling nito 'kay Duke na natahimik lang bigla. Binirahan ng suntok si Duke nang kanyang ama na halos ikatumba nito. "Para saan ang suntok na 'yon?" reklamong sagot ni Duke habang kapit ang panga na tinamaan. "Magbihis ka na at baka hindi lang 'yan ang magawa ko sa'yo." nagtitimpi ang boses na sagot ng ama nito. "Pa, tama na yan." awat naman nang mama ni, Duke. Naglabasan ang mga magulang ni Duke dito sa kuwarto at kasama si Geraldine. "Hindi ko alam kung ano ang reason mo. Wala akong natandaan na ginalaw kita, for god sake, Lia! Ano ang naisipan mo at ginawa mo ito?" Gigil na gigil na bigkas ni Duke habang nagbibihis at nagdadabog na lumabas. Ngunit hindi na ako nagsalita dahil inumpisahan ko ng damputin ang mga damit na nahubad at nagkalat sa sahig. "Ang desisyon ko 'yang babae na yan ang pakakasalan mo. Nagkakaintindihan ba tayo, Duke?" "Dad! Si, Geraldine ang pakakasalan ko at hindi ang babae na 'yan!" Mariing tutol ni Duke. "Pa, hindi naman pwede 'yan. Nakatakda na ang kasal ng anak mo." kalmadong paliwanag ng mama ni Duke. "Yang gago mo na anak ang pagsabihan mo, paano kung mabuntis niya 'yan? Hindi ko pinalaki ang mga anak ko, at lalo naman ako na gumalaw nang babae na hindi naman para sa'yo." Malakas na salita nang ama nito Duke kaya natahimik ang lahat kabilang na ako na nandito sa may sulok. "Tito, no! Mahal na mahal ko si Duke hindi ko kayang mawala siya sa akin." Umiiyak na salita ni Geraldine. "I'm sorry, hija. Pero ito ang tama dahil mas mahirap na dahil sa nangyari na ito." seryosong wika pa ng ama ni, Duke. Natahimik ang lahat at tanging ang hagulgol lang ni Geraldine ang naririnig namin. Nakita ko naman ang galit sa mukha ni Duke habang nakatingin sa sahig. "Now, Lia. Are you happy?" Galit na sambit ni Geraldine sa akin at tiningnan niya ako ng masama, yumuko na lang ulit ako dahil sa hindi ito ang inaasahan ko. Pero bakit parang natuwa ang puso ko na kami ang ikakasal ni, Duke? Nababaliw na talaga ako, god! Lumipas ang dalawang linggo at naganap ang kasal sa simbahan, ngunit halatang hindi pinaghandaan dahil simple lang kasalan na 'yun at ito ang gusto ni, Duke. Ayaw niya raw malaman ng lahat na iba ang kaniyang pinakasalan. Ang sakit lang noong sinabi ng pari na puwede mo ng halikan ang bride mo, hindi niya ginawa. Nasaktan ako pero tinanggap ko dahil kasalanan ko naman. Pero dahil nangyari na ito paninindigan ko ang pagiging Mrs. Salvador. Pagdating namin sa regalo ng ama ni Duke na bahay namin, nagpunta agad sa kitchen si, Duke. Ako naman nakatayo lamang malapit sa pinto dahil hindi ko alam kung ano ang unang gagawin ko. "Come on, mag-celebrate tayo dahil nagtagumpay ka. " mapang-insulto na malakas na salita ni, Duke. Napansin ko ang dalawang kamay niya na may hawak na alak at isang maliit na baso. Nilipag niya sa maliit na babasagin na table. "P-pero hindi ako umiinom, Duke." sagot ko kahit nalungkot ako dahil sa pang-iinsulto niya sa akin. Pero totoo naman, kahit hindi ko binalak nagkatotoo ang gusto ko. "Ikuha mo ako ng ice tube doon, bilisan mo lang at maupo ka na dito." salita pang muli nito. Nagmamadali na sumunod naman ako at kumuha ng ice tube, mabilis na nakuha ko naman at binigay sa kaniya. "Umupo ka dito at samahan mo ako'ng uminom, Mrs. Salvador." nakangising salita nito. Nalanghap ko ang amoy alak nitong hininga, ibig sabihin bago kami ikasal uminom na siya? Hindi ko naman naamoy dahil hindi naman niya ako hinalikan sa simbahan. "Ano pa ang tinuntunga-tunga mo diyan? Salinan mo na ng alak 'yang baso." singhal na utos nito. Natataranta na nilagyan ko ng alak ang baso at halos mangalahati ito agad. "f**k! Lalasingin mo ba ako agad? Bakit may balak ka na naman ba sa akin?" Nakakalokong salita nito na may halong pang-iinsulto. Natahimik na lang ako at pinagmasdan ko na lang habang nilalagok niya ang alak. Naiilang naman ako sa tingin niya dahil kakaiba. "Kung gusto mo magtagal dito, sundin mo lang lahat ng gusto ko." maya'y salita nito ng seryoso. Kinabahan at may halong katanungan ang na sa isip ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD