Chapter 8

1119 Words
"WHERE’S ELI?” paglingon-lingon pa ni Nhiki sa buong shop. "Nasa loob pa, busy daw sa supplier." "Supplier?” sabay pang tanong nila King at Nhiki. "Bah malay ko? Sabi niya may kakausapin daw siyang supplier eh.” sabay inom na lang ng kape ni Ela. Totoong sinabihan siya ni Eli na kapag dumating si Nhiki, pakisabing busy siya sa supplier. Halatang tinataguan niya ito kapag nagpupunta sa café. Pero ang ginagawa ni Ela ay pinapapunta pa niya ito sa office ni Eli at sinasabing wala siyang magawa sa kulit nito. "Talagang napaka-workaholic ng kuya mo! No wonder ako lang ang naging girlfriend niya!” feel na feel naman ang sinasabi. "I'll go check him guys!” nanakbo na ito papasok ng pantry kahit five inches ang heels na suot. "Rehistrado kaya yang heels niya? Baka makapatay eh.” pagdududa pa ni Ela habang sinusundan ng tingin si Nhiki. "Kung siya lang naman din ang mabibiktima, hayaan na natin.” sagot naman ni King. Nagkatinginan silang dalawa at nagtawanan ng parang walang humpay. "Hahahaha maryosep! Kapag naapakan ka nun, mababaon ka hanggang impyerno!” natatawa namang saad pa ni King. "Hahahahaha ayoko na! Ang bad bad mo!” halos hindi naman makahinga si Ela sa pagtawa. "Ay? Keber! Mashoktay sana ang hitad sa sariling slakung!" "Hahahaha pambihira! May makarinig sa atin!" Lingid sa kaalaman ni Eli at ng iba, nagkakasundo na sina Ela at King sa plano ni Eli. Pareho nilang sasakyan na lang ang plano ni Eli para lang hindi na ito mangulit sa kanila. "Eh kasi naman girl! Ang kulit kulit ni kuya Eli! You know? Napakasakit..kuya Eli..” pagiinarte pa ni King. "Buang! Pinapalandi ka sa akin ng kuya mo para hindi ka mag-jowa ng hitad! Pero alam ko naman eh, from the moment I met you, I smell something really really fishy like bilasang fishy!" "Eh bakla nga ako! Anong magagawa ko kung ang beauty at alindog ko ay hanap din ay maton?!" "Oo na, oo na! Nako kapag nalaman talaga ni sir Eli na tino-tolerate pa kita sa kabaklaan mo, sibak ako sa worksung ko sa kanya! Waley na! Hindi ko na siya makakasama!” pamumublema pa ni Ela habang nakapatong ang dalawang kamay sa mesa at si King ay nakaupo. "Aaay kaya pala? Confiiiirm ang gaga! Sabi na eh, knowsung kong may something fishy kayo ni kuya Elidazar eh!” paguusisa pa nito kay Ela na kinahiya naman ng dalaga. "And so?" "Ay? Ay? Ay? Pa-virgin? Type mo si kuya noooh?! Aminiiiiin!!!" "Tse! Gaga! Virgin pa talaga ako noh! Sukatin mo pa!" "Eww ka bakla! Ayoko ng butas, gusto ko ay pambutas! Aayy!!! Hahahaha" Natatawa na lang si Ela sa kalandian ni King. Kaya sila mabilis nagkasundo dahil pareho silang kalog. "At saka alam mo King -- teka anong nga palang real name mo?" "Ezekiel. King for short!" "Weh? Eh sa gabi?" "Eh di reyna, Queen!” Nagtawanan naman silang dalawa sa mga kalokohan. "So ayun nga Ezekiel, engaged na ang kuya mo, so no hopes na akiz!” pagkadismaya naman ni Ela. "Ay gaga! Ang pangit pakinggan ng King, ano pa kaya kapag Ezekiel? Queen na lang o Queenie kapag tayong dalawa lang.” inirapan na lang siya ni Ela habang natatawa. "I told you, it's just an arrange marriage! Hindi siya ginusto ni kuya fyi! Chura ng chaka doll na yown?! Masyadong masunurin lang si kuya kaya pumayag na siyang magpakasal sa hiponesa na yun!" "At yun ang ayaw mangyari ng kuya mo sa'yo di ba? Gusto niyang mag-asawa ka ng taong mahal mo unlike to him." "Uh hah! But I don't want him to sacrifice also his happiness. Gusto ko ring makatagpo siya ng babaeng magmamahal at mamahalin niya rin ng totoo. Like me! I found my happiness in Leo.” "Oy gaga ka, mag-iingat ka diyan ah? Baka mamaya pineperahan ka lang ng unggoy na yan!" "Ano ka ba? I know Leo for eight years! We're high school sweethearts kaso tago nga kami kasi nobody knows that we're both gays. But now we're not afraid to show it off anymore to the world!” tila proud pang saad nito. "Kaya kayo panay travel ng travel para walang makakakita ng kalandian niyo di ba? Pakataba ng utak!" "'Lam mo yan!" “Oh King? Aga mo yata King ah?” pagbati ni Eli sa kapatid ng makalapit ito sa kanya sa counter ng shop niya. “Ahm, is Ela –“ “I’m ready!” pagabti naman ni Ela pagkalabas ng pantry at napatingin sa kanya ang magkapatid. “Ahm, sir Eli, I’m going to have some lunch with King and maybe – I could have my early out?” tila pagbabakasali ni Ela na pagpapaalam kay Eli dahil alam niyang kahit anong sabihin niya basta tungkol kay King ay pinapayagan lang siya nito. “Oh, come on kuya? Don’t tell me hindi mo pa papayagan si Ela?” pangaasar pa ni King. “Of course. I mean, it’s too sudden.” halatang kinabigla ito ni Eli dahil hindi siya nasabihan ni Ela na may date sila ni King. “Thanks, kuya.” “Hi there!” Sabay-sabay pa silang napatingin sa nagsalita mula sa entrance. Nakita nilang lahat si Nhiki na nararating lang at papalapit na rin sa kanila sa counter. “Oh, hey Nhiki.” bati lang ni King rito at dumiretso ito sa loob ng counter para malapitan si Eli. “You’re on time, may makakasama na si kuya rito sa café.” litana pa nito at nagkatinginan naman sila ni Ela. “Oh why? Are you guys –“ “Yes, we have a date.” pagngiti pa ni King na tila nangaasar talaga. “Aww that’s awesome! Where are you going?” “Hmm, Museums? Golf course? Archery? Bowling alley?” sagot pa ni King. “Where do you want to go, Ela?” Nagkibit balikat na lang muna si Ela na tila natutuwa naman din. “I don’t know, it sounds all fun for me.” “Great! So maybe we can do all of it, right?” Hindi naman malaman ni Eli kung saan ibabaling ang tingin kina King at Ela. Tila nabibigla siya pero hindi niya maitanggi na nagseselos na siya sa mga ito. “Aww baby? Why can’t we do such dates like that?” pagkapit pa ni Nhiki sa braso ni Eli at natingin ito sa kanya. “Sure.” sagot lang ni Eli at hindi naman din malaman ni Ela kung bakit napatingin siya rito at biglang iwas na rin ng tingin sa kanila. “Really? Can we go now too?”          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD