Chapter 4

1151 Words
NAPAPANGUSO AT LAKI na lang ng butas ng ilong ang si Ela dahil hindi niya malaman kung papaano kukunin ang simpatya ni Eli. Napapalinga-linga ito sa kapaligiran at nang mapagtantong wala na siyang pag-asa, kinuha na lang niya ang tray at ibinalik doon ang kape niya at isang sliced mousse cake na ginawa niya pero hindi man lang nagalaw. "Oh? Are you done eating?" pagpigil naman ni Eli pero na-bad trip na si Ela. "Ah, busog pa talaga ako eh. Ibibigay ko na lang kay Shay." papatayo na sana siya ng magsalita pa ulit si Eli. "Ela, wait?" huminto naman siya at binalikan ng tingin si Eli. "Can we talk for a sec?" - Seryosong tanong nito sa dalaga.   "ARE you serious? Tama na drugs sir." Tila hindi naman makapaniwalang tanong pa ni Ela. "Yes Ela, I'm damn serious about this. I need your help." diretsong nakatingin naman si Eli kay Ela na tila gusto ng magsumamo. Halatang hindi gusto ng dalaga ang pinaguusapan nila pero pinagpapatuloy pa rin nila ito. "Why? I mean, why me? Can you just pick him another girl and maybe he could really like her?" "That's why I'm here asking you a favor now." "What I mean is that, can't you just accept the fact that King is a gay?" naguguluhang saad naman ni Ela habang nakapaikot ang mga braso sa harapan at nakapasandal sa kinauupuan. "Look Ela, I trust you with this. I saw the way King looked at you. I think he likes you at first, and I know if you could just help him realize that he is actually a guy, or a man, he won't be confused anymore." "And what if I fall for him and he doesn't to me? I'm still gonna lose." "Look Ela, I know why you are here." "Of course! Because I'm working here!" sarcastic namang sagot nito. "It's not like that. I know that you didn't resigned at your last job. They forced you to leave, right?" Tila nabigla si Ela at napatingin kay Eli dahil papaano ito nalaman ni binata. Totoong forced leave ang nangyari sa kanya sa dati niyang pinagtatrabahuan dahil sa mga kadahilanang hindi niya maatim. Napakagat labi naman si Ela at natahimik sa narinig na sinabi ni Eli. "I don't care whatever the reasons behind why they did that to you, but one thing is for sure I could offer to you, Ela.” Nakatingin lang si Ela sa kanya. Nag-lean ito sa lamesa at tumitig kay Ela. "I'll make your working experience double as long as you work for me, and date my brother for a while." Aminadong pabor sa kanya ang kondisyon na ito, dahil ang tanging hanggad lang naman niya ay work experience na kinakailangan niya para sa pinaparangap na trabaho pa. "You don't really gonna date him, just hang out with him. And make sure he's not having a relationship with — any man." Desperado na si Eli, pero hindi niya siguro matatanggap kapag hindi natanggap ng mga magulang nila ang pagkatao ng kapatid. Kung sa kanya lang ay walang problema ang pagiging bading nito, pero ang inaalala ni Eli ay ang kanilang mga magulang rin, lalo't ayaw pang magpakasal ni King sa babaeng gusto ng ama nila para sa kanya. Ilang minutong nagkakatinginan at titigan sina Ela at Eli na tila nagaalangan sa isa't isa. Sa isip-isip ni Ela, mukhang bokya nga talaga siya kay Eli. Aminado siyang gusto na niya ang binata, pero pinagtutulakan naman siya nito sa kapatid niyang tagilid. Hindi man magaan sa loob ni Ela ay tinanggap na niya ang offer nito kapalit ay mas magandang record sa career niya. "Okay, deal!" Naibsan naman ang nararamdamang pangamba ni Eli dahil sa wakas ay may tao ng titingin sa kapatid niya bukod sa kanya. "Thank you so much Ela." Well, parang may lakas ba siyang tumanggi dito? TILA may pangangamba pa rin si Ela sa desisyong ginawa niyang makipagkasundo kay Eli. Nakokonsensya siya kay King at the same time ay gusto niyang ipakita kay Eli kung ano ang pinalampas nito sa kanya. "Hala ka Ela? Ganun talaga? Babangon ako't dudurugin kita at Hi? Ako nga pala ang sinayang mo noon ang peg kay Eli?" pagkakausap na nito sa sarili. "Pero -- crush ko pa rin talaga siya eh!!!" Tila nababaliw na ito kaiisip sa nangyayari at mangyayari sa kanya. What if ma-in love si King sa kanya? What if malaman ni King na set up lang pala pagiging close niya? And worse, what if ma-in love siya rito? Imposible man, pero may posibilidad pa rin. UMAGA palang ay busy na sila sa shop na tila walang nag-iimikan kina Eli at Ela matapos ang mangyari kung hindi lang din tungkol sa trabaho. Unexpectedly ay dumating si King sa café at nag-bonding muna ang magkapatid. "Trust me, she's worth a try." "What's the sense of dating kuya if si dad rin naman ang pipili ng mapapangasawa ko di ba?" "Well, at least if you could love another girl, you will always get my back. I'll support you with that." "Really? Then why can't you refuse to dad's condition though?" "King, I can do sacrifices. Even it's for your happiness, I can do anything." Kaya ba pati ang babaeng pumupukaw sa puso mo ngayon ay kaya mong isakripisyo para sa kapatid mo? "And what's my benefits on that aside from I'm getting a gorgeous girl?" pag-inom pa ni King sa kape niya. "I'll cover you up. I'll keep your secret safe with me as long as we have to." "Kuya, you know that I don't mind if our parents find out that I am a gay. I actually wanted that to happen so I could be finally out!" "King, you know dad. Baka ipauna ka pa niyang ipakasal kaysa sa akin kapag nalaman nila yan." "Fine! If you want me to, I'll do it. I guess this is better than arrange marriage. An arrange dating." pag-irap pa ni King sabay inom ng kape niya. Nakampante naman si Eli sa pagsang-ayon ng kapatid sa kanya. "Hi King!" bati kaagad ni Ela kay King paglapit nito at pag-serve ng slice ng blueberry cheese cake na gawa niya. Inabutan niya rin si Eli pero hindi man lang niya ito tiningnan. "Hey there beautiful!" ganting matamis naman na ngiti ni King sa dalaga na tila kapani-paniwala sa paningin ng lahat. "Welcome back!" ngiti pa ni Ela kay King ngunit parang iba ang nabibighani sa kanya -- si Eli. Nakatitig ito kay Ela at tila hindi maialis ang tingin sa dalaga. "Thanks, missed me?" "Hahaha, kinda?" Sumenyas naman si King kay Eli na iwan na sila ni Ela para makapagusap. Hindi mapaliwanag ni Eli pero parang ayaw niyang iwan ang dalawa. Parang nakakaramdam siya ng panghihinayang sa sinumulang kasunduan. "I'll -- I'll go check the counter." Labag man sa loob ay iniwan na ni Eli sina King at Ela sa table para makapagusap.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD