CHAPTER FORTY-THREE [Jeno's POV] 1 MONTH LATER. Isang buwan na ang lumipas. Napaghihinaan na din ako ng lakas ng loob sa panliligaw kay Lyan. Kung titignan kasi, walang wala na kong panama kay Warren. Dalawang beses ko ng nakita si Lyan na ngumiti kay Warren. Silang dalawa lang. Hindi ko alam kung anong ginawa o sinabi ni Warren para mapa-ngiti niya si Lyan. May gusto na ba siya sa kanya? "All levels will be having a school community service. Para sa antas niyo, bukas na ito gaganapin. Makakasama niyo ang Seynt High. So pack your things pagka-uwi niyo. Ang lahat ng makakasama ay may plus point direct to the card." "You may now take your recess. Goodbye class.." tumayo ako at lumapit sa pwesto ni Lyan. Gusto kong mag-klaro. "Lyan, pwede—.." hindi ko pa natatapos ang pagsasalita ko a

