46.

1671 Words

CHAPTER FORTY-SIX MONDAY. Gaya ng palagi kong ginagawa. Gumigising ako ng maaga para sunduin si nano sa bahay nila. "Kuya Warren!" "Good morning. Ate mo?" "Maagang pumasok ngayon si ate. Akala ko hindi mo siya susunduin ngayon kaya pumasok siya ng maaga. Alam mo ba kuya Warren, nung binanggit kita kanina sa kanya nagalit siya." nagalit siya? Gusto ko tuloy isipin na nagse-selos siya kahit alam kong imposible yun. Napa-kamot nalang ako sa ulunan ko, "Ah, ganun ba? Sige Karen. Papasok na ko. Pumasok ka na din at baka ma-late ka pa" Pagka-paalam ko, tumakbo na ko ng mabilis. Sana maka-salubong ko siya. Nakarating na ko sa Slamirine pero hindi ko siya nakita sa daan nung tumatakbo ako. Huminto ako at ipinatong ang dalawang kamay ko sa magkabilaang tuhod ko. Hingal na hingal tuloy ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD