Chapter 2 - Insayo

830 Words
"Mang-iingat kayo Irog, baka malingat ka kay Amir." Inabot nito kay Datu ang mga pinabaong pagkain at tubig. "Oo naman Irog, bago madilim at narito na kami. Ikaw na muna ang bahala rito, maiiwan naman sina Abiner, at Magno." Yumakap na ito kay Magayon bago sila umalis. "Paalam po, Ina!" Nakangiting kumaway si Amir sa kan'yang ina. Sa kabilang dako naman ay may dalawang tao ang naglalakad sa kagubatan. "Pre sandali nga! Pagod na pagod na ako eh!" pigil nito sa kasamahan dahil hingal na hingal na ito sa kalalakad. "Gung-gong ka talaga! Anong gusto mo! Abutin pa tayo nang dilim?" singhal naman nang nauna. "Saan ba kasi natin nahanap 'yang sinasabi ni Boss, kanina pa tayo paikot-ikot dito wala naman tayong nakita," maktol pa nito. "Ang takaw mo kasi lumamon kaya ka mabilis hingalin. Sige, pagbibigyan kita." Hinagis nito ang isang boteng tubig sa kasama. Maagap naman itong nasalo nang nahuli. "Salamat!" Habang tahimik silang nakaupo sa malaking puno na nakahilig ay bigla silang nakarinig ng isang huni. "Bert, narinig mo ba 'yon?" tanong ni Nilo kay Bert. "Natural! Hindi naman ako bingi," banas nitong sagot. "Shhhhhhh– 'Wag kang maingay. Banda ro'n ang dinig ko! Halika sundan natin!" Hinila na ni Nilo si Bert upang hanapin kung saan nagmula ang narinig nila. "Amir! Bilisan mo baka makatakas pa 'yon!" sigaw ni Javar, natamaan ng pana ni Amir ang pagala-galang Baboy Ramo, habang naglalaro kasi sila at namataan nila ang Baboy Ramo kung kaya't sinundan nila ito para hulihin. "Oo, halika ka na bilis!" Matapos ayusin ni Amir ang kan'yang pana ay agad na nilang nilapitan ang Baboy Ramo. Natamaan ito ni Amir sa katawan kung kaya't tumumba ito agad at hirap nang huminga dahil sa natamong tama. "Ayos! Matutuwa si Ama nito sa atin, Javar," masayang ani nito. Agad nilang pinag-tulungang buhatin ang Baboy Ramo. Nakamasid naman sina Nilo at Bert, habang nakakubli silang dalawa sa malaking puno. "Ayon! Natunton na natin ang pinapahanap ni, Boss. Susundan lang natin ang dalawang batang 'yan ay malalaman na natin kung saan ang kuta nang Tribong hinahanap natin." "Oo nga! Matutuwa si Boss kapag sinundan nating ang dalawang batang 'yan para mahanap ang Tribo!" Sinapok naman agad ni Nilo si Bert. "Tarando ka! Inulit mo lang ang sinabi ko, eh!" nanggigigil nitong sabi kay Bert. "Minsan ka na nga lang magsalita, kaso ginagaya mo rin lang ako. Gung-gong ka talaga! Halika na nga!" banas na banas talaga ito kay Bert. "Aray ko naman! Ano bang masama sa sinabi ko?" Iniinda nito ang sinapok ni Nilo. Masaya naman nakabalik sina Amir at Javar sa mga nag-e-ensayo. "Ama!" Sabay-sabay namang napalingon ang lahat sa dalawang humahangos na papalapit sa kanila. "Oh! Saan niyo nakuha 'yan?" salubong naman agad sa kanila ng mga nakatatanda at kinuha ang Baboy Ramo na talagang pinaghirapang buhatin. Hingal na hingal silang dalawa at hindi pa agad makasagot. Inabutan naman sila agad nang mainom. "Saan niyo 'yan nahuli, Anak?" tanong ni Datu Akbahri sa dalawang bata. Si Javar naman ang agad na sumagot. "Amang Datu, naglalaro po kami ni Amir sa banda ro'n, tapos bigla po naming nakita ang Baboy Ramo kaya agad po namin itong sinundan!" paliwanag naman ni Javar kay Datu. "Tutuo ba 'yon, Anak?" humupa na ang hingal ni Amir kung kaya't agad nitong sinagot ang Ama. "Opo Ama! Sinundan po namin ni Azur, tapos sakto naman po na na dala-dala ko ang aking pana kaya mabilis ko po itong pinatamaan," masiglang tugon nito. Naghiyawan naman ang lahat sa Tribo. "Ayos ka talaga, Amir! Mukhang masaya ang hapunan nating lahat mamaya!" masayang ani pa ni Lakan. "Mukhang may pinagmanahan nga talaga," dagdag pa nitong sabi. "Magaling ang in'yong nagawa mga Anak! Pero sa susunod ay sabihin niyo sa amin para kaming mga nakatatanda ang gumawa. Lalong-lalo na masukal ang kagubatan paano kung maligaw kayong dalawa sa kakasunod sa Baboy Ramo kung sakaling hindi niyo ito nahuli." mahabang lintaya nito sa mga bata upang ipaintindi. "Opo Ama!" (Amang) sabay na tugon nila. Samantalang todo kubli naman ang dalawa, balak nilang sundan ang Tribo kung saan ba ang kuta nang mga ito. "Halika na bilisan mo!" pagmamadaling inaya ni Nilo si Bert. "Oo na! Takte kanina pa ako pinapapak nang mga lamok dito!" maktol niya pa. Napahalakhak naman si Nilo. "Paanong hindi ka lalamokin diyan! Pati lamok napagkamalan ka nang kalabaw, hindi ka kasi naliligo!" Nakanguso naman si Bert at inamoy-amoy ang sarili. "Gago! Hindi naman, ah! Amoy kulob lang," ani pa nito sa tila hindi matanggap na isa umano siyang kalabaw. Nang malaman na nila ang kuta ng Tribong sinadiyang hanapin ay agad rin silang umalis upang makauwi. "Hayaan na muna natin silang magpakasaya!" Nakangising inaya na ni Nilo si Bert paalis. "Pare, ano bang balak ni Boss sa Tribong 'yan?" tanong Bert kay Nilo. "Hindi ko rin alam, pero alam mo naman si Boss. Kung ako sa 'yo ay iwasan mong magtanong kapag nandiyan siya." hindi na umimik si Berto at nagpatuloy na silang naglakad pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD