--------
FROM: DAVE KUPAL
: Come outside for a bit.
Napakunot ang noo ko ng mabasa ang text niya, ano ba to? utos ba o ano? ang plain potek.
Nag-alangan pa ako kung susundin ko ba yung sinabi niya pero napag isip-isip ko rin na pumayag kaya nag-paalam muna ako kila Sedrict at lumabas muna.
Patay ako dito, actually hindi pa talaga kami pwedeng labas ng labas.
Bahala na
Wala namang nagbabantay, hehe.
PS: Pinagbabawal na teknik, wag gagayahin.
Paglabas ko, natanaw ko na si Arianne na kumakaway-kaway habang kumakain naman ang iba, ay kaya naman pala!
Naglakad na ako palapit sakanila kaya umayos sila ng tayo.
"Here's our Co-anchor" sabi ni Shaun habang naki high five sakin, pagkatapos ay tumabi na ako kay Dave.
"So how was it?" tanong niya habang nakatingin sa akin, ngumiti ako ng kaonti sakaniya.
"Uhmmmm, keri lang" hindi sure na tono ng pag-sagot ko kaya napangiti siya.
"You did great baks!" napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun, ngumiti lang siya sabay kindat.
Hoy ghorl puso mo!
"Ummm hoy excuse me lang ha!" parang nakiki laban na sabi ni Arianne habang pumapagitna saamin ni Dave, takang tingin naman ang binigay namin sakaniya.
"Tama na landian! paki sabi nga kay Chloe kung bakit natin siya pinatawag dito" ma-awtoridad na sabi ni Arianne habang nakatingin kila Dave, naguguluhan naman akong tumingin sakanila.
"Anong meron?" takang tanong ko sakanila, nag ngitian naman silang lahat.
Parang tanga amputek!
"We're having a dinner celebration tonight" masayang sabi ni Arianne, wew kala ko ba si Dave magsasabi?
"Akala ko ba-"-Dave
"You're to slow kasi eh" conyo'ng sabi ni Arianne kay Dave kaya napatawa nalang ako ng kaonti, totoo naman kasi! antagal niyang magsabi.
"So anong meron?" takang tanong ko sakanila.
"After a long time, sinagot na ni Kate si Sky! Yay!" masayang sabi ni Arianne, gulat kong tinignan sila Sky at Kate, napatingin ako sa bewang ni Kate ng mapansin na nakahawak doon si Sky habang si Kate napairap nalang sa ginawa niya.
Eh seryoso?? nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa sabay tingin kay Dave na halatang tawang tawa pero pinipigilan lang, ulol seryoso ba?
"Ulol! Seryoso nga?" hindi parin talaga ako naniniwala.
"Gaga! as if naman sasagutin ko to" sabi niya sabay irap kay Sky
" I'd rather be single in my whole life than living with this Man!" napangisi naman si Sky sa inasta ni Kate.
"Be careful, baka kainin mo yang sinabi mo" nanghahamong sabi niya kay Kate, inirapan lang naman niya ito.
Seryoso? para kayong aso't pusa!
"Tama na! Oo na oo na baka mabusog pa si Kate kapag" sabi ni Arianne kaya tumigil naman kaming lahat.
"Tol paki sabi nga!" pag- utos ni Arianne kay Shaun, tumango naman ito at umayos ng tayo.
"Ganito kasi yun" tumigil siya at tinignan kaming lahat
"Wala lang trip trip lang!" napa facepalm nalang ako ng marinig ang sinabi niya, habang yung iba tumatawa.
"Ulol seryoso?!" inis na tanong ko, bwisit! yun na yun? tapos kung makapag text yung isa kala mo naman.
"Oo nga! tutal Saturday naman" sabi ni Shaun habang natatawa parin.
"Happy ka ghorl?" potek naman!
"Yes cyst!" baklang sabi niya, ay barbie!
"Gago tol! Barbie!" natatawang sabi ni Sky habang pinaghahampas si Shaun todo ilag naman tong isa, hay mga kupal!
"Oh sige sige" pagpayag ko habang kinakamot ang kilay! stress ako sayo ghorl.
"Hintayin ka namin dito" seryosong sabi ni Dave kaya napatango nalang ako, bumalik narin ako agad dahil malapit ng matapos ang Broadcasting kyeme.
Nag announce sila ng mga importanteng details and also feedback narin sa mga nanotice nila sa mga scripts na ginawa namin, medyo matagal pa kaya tinext ko na sila. After nilang mag announce dinissmiss narin kami.
Nagpaalam na ako kanina kay Ate na may pupuntahan kami mamaya nila Dave, mabuti nalang at pumayag siya kaya pwede akong sumama.
"Bye Ate ingat!" paalam sakin ni Glaiza ng lumabas na kami sa Broad Area.
"May sundo ka Chloe?" takang tanong sakin ni Sedrict.
"O-oo andiyan na sila sa labas! Ingat kayo pag-uwi" pagpapaalam ko kila Sedrict at naglakad na papunta sa kotse ni Dave na nakaparada sa gilid.
"Ang tagal niyo naman!" reklamo ni Shaun ng makapasok ako sa kotse, sa shotgun seat na ako umupo dahil puno na sa likod.
"Dami kasi nilang sinasabi daig nga SONA ni President ih" inis na sabi ko kaya napatawa sila ng kaonti. Nag-umpisa naring mag-drive si Dave kaya kanya kanyang gawi nanaman kami.
"San tayo?" tanong ni Dave kaya napatingin ako sa likod.
"Hoy san daw tayo!" napatanggal ng Headset si Shaun ng suntukin siya ni Arianne sa braso.
"Aray naman lods!" pagrereklamo ni Shaun habang hinihimas ang braso.
"Diyan sa Mall! Basta diyan! fast-food restaurant tayo tapos maglalaro ay potek huy yung base namin!" taranta niyang binalikan yung nilalaro niya ng pindot pindutin ni Arianne.
"ML panga!" inis na sabi ni Arianne at nagmukmok sa upuan niya.
"Toh naman! Bebe time na ba?" panlalambing ni Shaun kay Arianne, inirapan lang naman niya ito at tumingin sa bintana.
"Halaka! Nagtampo na siya!" pang-iinis ni Kate kay Shaun.
"Oy ala huy lods-ay beb- ay ano ba yan?! Hon! hoy ano ba yan!" pilit niyang hinahawakan ang braso ni Arianne para mapaharap sakaniya pero sobrang tigas netong isa at tinatanggal lang ang bawat hawak niya.
Ang landi wala namang label.
Ay natamaan ata ako don.
"Panget peram phone" rinig kong sabi ni Kate mula sa likod.
"Oh! basta wag mong papatayin yung tugtog, matutulog lang ako sandale" sabi ni Sky ng ibigay niya kay Kate yung phone niya, ganyan ah! isang salita lang.
Edi meow, sana all!
"Ay bakit? puyat na puyat?" takang tanong sakaniya ni Kate habang may kinakalikot sa phone ni Sky.
"Oo dahil sayo" seryosong sabi niya kaya napairap nalang si Kate sa sinabi niya, ay iba din sana all!
"Kamusta? Kelan malalaman ang result?" biglaang tanong ni Dave habang nagbabasa ako ng story sa phone ko.
"Sa Monday daw ang awarding ih" sabi ko habang nagbabasa, hindi naman na umimik si Dave kaya pinagpatuloy ko na ang pagbabasa.
Sa haba ng byahe at traffic nakatulog tuloy ako sa kotse, buti nalang at ginising ako ni Dave kanina, habang naglalakad bigla akong nag crave ng milktea.
"Dave bili tayo ng-"
"Milktea" dugtong niya sa sinabi ko sabay tingin sakin, sinubukan ko namang mag puppy eyes at magpa awa pero ngumisi lang siya at naglakad.
"Sige na please!!" pagmamakaawa ko kay Dave kaya napatigil siya sa paglalakad at tumingin sakin, tumingin din ako sakaniya ng may nagpapa amo na mata.
"Fine" he sounds defeated so I chuckled.
"Bilisan natin at baka nakahanap na si Kate at Sky ng kakainan" bigla nalang niya akong inakbayan at naglakad na papunta sa Milktea Shop, medyo mabilis ang lakad niya kaya nahihila pati leeg ko.
"Aray naman Baks! para ka namang humihila ng baka!" pagrereklamo ko ng bigla niyang bilisan ang lakad niya, tumawa naman siya at biglang binitawan ang pagkaka-akbay sa leeg ko, bumaba ang kamay niya at hinawakan ang kamay ko. Ghorl puso mo!
"Ganito nalang, nakakaawa ka naman" sarcastic na sabi niya at hinila ako ng kaonti papalapit sakaniya, tinignan ko siya ng masama pero kinindatan lang niya ako.
Sa wakas at naka order rin kami, halata naman na nainlab yung cashier dito kay Dave dahil sa tingin niya kanina habang nag-ooder si Dave, Oo! si Dave na pinag order ko kahiya naman kay Ate Ghorl.
"Lakas ng appeal ahh" sabi ko ng makaalis na kami sa shop hawak hawak ang inorder naming milktea, kunwari pa tong isa bumili din naman garud ng sakaniya.
"Ganyan talaga pag pogi" pagyayabang niya kaya napangiwi nalang ako, lakas ng hangin!
Nakatanggap narin kami ng next kila Kate kaya pumunta na kami sa sinabi nilang fast food restaurant, habang papasok, napansin na namin sila Arianne at Shaun sa isang upuan.
"Asan sila Sky?" tanong kaagad ni Dave ng makaupo kami sa inupuan nila Shaun, buti nalang at good for 6 people ang upuan na pinili nila.
"Umorder lods" sabi ni Shaun habang umiinom ng
"Pota Milktea ko yan!" inis na sabi ko ng bigla siyang uminom sa milktea ko.
"Hindi ba obvious? penge lang naman" sabi niya ng ibalik niya sakin ang milktea, napangiwi nalang ako at pinunasan ang straw, duh eww germs.
"Hoy malinis yan!" sita niya sakin ng punasan ko ang straw.
"Kahit na!" inis na sabi ko at nagpatuloy sa pagpupunas ng straw.
Di kalaunan, bumalik narin sila Kate sa upuan namin dala dala ang inorder nila kaya kumain narin kami, pagkatapos kumain lumabas na kami ng restaurant at naglakad lakad muna.
"San tayo?" takang tanong ni Sky habang naglalakad.
"Game Station" sabi ni Shaun kaya pumayag na kami.
Pagkarating namin sa loob ng isang palaruan kanya kanyang turuan na ng gustong laruin, naiwan kaming tatlo nila kate dahil sila Sky na ang kumuha ng ticket.
"Anong pwedeng gawin sakanila?" tanong ni Arianne habang naghahanap ng pwedeng ipalaro. Napa-isip rin tuloy ako at tumingin tingin sa paligid.
Nagulat kaming dalawa ni Arianne ng bigla nalang tumawa si Kate na mala demonyo, ginungun tuloy namin siya dahil sa inasta niya.
"May plano ako" sabi niya at biglang humarap samin para sabihin ang plano niya, tinignan pa talaga niya yung mga kupal at ng masiguro na matagal pa sila, nag-umpisa na siyang magsalita.
--------