Broken Protocol (Cattleya POV)

1248 Words

“Formal investigation na ito, Miss Sanchez.” Diretso ang boses ng HR head habang inilalapag ang folder sa harap ni Cattleya. Hindi na ito simpleng meeting. Hindi na ito misunderstanding. Ito na ang punto kung saan tinatatakan siya bilang problema. Hindi siya umatras. Hindi siya nagtanong agad. Tiningnan lang niya ang folder, parang sinusukat kung gaano kalalim ang hukay na hinukay para sa kanya. “Understood,” sagot niya, kalmado. Nagpalitan ng tingin ang mga tao sa mesa. Parang hindi nila inaasahan na ganito siya ka-composed. “Effective today, you are under formal review for intellectual property violation,” dagdag pa ng isa. Dahan dahan niyang binuksan ang folder. Nandoon ang compiled files. Screenshots. Timestamps. Access logs. Lahat mukhang legit. Lahat mukhang laban sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD