“Hindi ko pinirmahan yan.” Mabigat ang boses ni Rafael habang nakatitig sa malaking screen sa gitna ng design floor. Hindi siya kumikibo agad kanina, pero ngayon, malinaw na ang tono niya. Hindi siya nagtatanong. Nagde-declare siya. Naka freeze pa rin ang system prompt sa harap nila. CONFIRMATION REQUIRED FRAUD AUTHORIZATION PENDING FINAL SIGNATURE Name: Rafael Del Rio Naramdaman ng lahat ang pressure sa hangin. Walang gustong gumalaw. Walang gustong magsalita. Si Cattleya nasa tabi niya, hindi umaalis. Hindi rin siya lumalapit. Pero ramdam niya ang presence nito. Parang may invisible line sa pagitan nila na pilit pinipigilan ng sitwasyon. “Sir,” nanginginig ang boses ng IT head sa intercom, “automatic authorization trigger po yan. Once na may admin override at may matching executi

