“If I do this, there’s no going back.” Nakatitig siya sa akin na parang binibigay niya sa’kin ang huling pagkakataon para umatras. Pero hindi ako umatras. Hindi ko rin pinikit ang mata ko. At sa pagitan naming dalawa, ramdam ko na hindi na ito simpleng usapan tungkol sa trabaho, boundaries, o kahit ano pang safe na salitang pwede naming gamitin para itago kung ano talaga ang nangyayari. Ito na yung punto na hindi na pwedeng itago. “Then don’t plan to,” sagot ko. Sandali siyang hindi gumalaw. Hindi dahil nagulat siya. Kundi dahil alam niyang wala na akong pinapabalik na pinto. At sa unang pagkakataon mula nang magsimula ito, hindi siya agad sumagot. Hindi rin siya umatras. She stayed. And that alone was enough to make everything heavier. Hindi ako sanay sa ganito. Sanay ako s

