“Hindi ito nagmamatch sa kahit anong internal sequence.” Boses iyon ng forensic data analyst habang nakatutok ang buong Del Rio investigation team sa isang malaking screen na puno ng logs, timestamps, at encrypted access routes. Sa gitna ng silid, si Rafael Del Rio ay nakatayo, nakapirmi ang tingin sa pattern na unti unting bumubuo ng mas malinaw na larawan kaysa sa inaasahan niya. “Explain,” malamig na sabi ni Rafael. Lumunok ang analyst bago nagpatuloy. “Sir, may nakita po kaming document trail na nagpapakita na ang final submitted design files na attributed kay Miss Sanchez ay hindi niya na edit sa system timeline.” Nag click siya sa screen. Lumabas ang comparison. Original file creation. At final submission version. Magkaibang hands ang gumalaw. Magkaibang access points. Per

