Chapter 2

1856 Words
Chapter 2: Dark orbs "Kung hindi po sana kalabisan, ma'am Thea, puwede po bang humingi ako ng dagdag araw pong palugit? Kaarawan po kasi ng anak ko sa makalawa at gusto ko po sanang maka-uwi sa amin para surpresahin siya kasi matagal na po niyang hinihiling na umuwi ako" Hinilot ko ang sentido ko dahil sa kirot na ramdam ko at tinapunan ng tingin ang isa kong empleyado. Mataray ako pero kapag pamilya ang usapan sa paghingi ng mga empleyado ko ng extension time vacation, papayag at papayag ako. They worked enough to receive at least a small amout of bonus like this. "Sige Frita. You can take your leave today. Greet your son a happy birthday for me" Halos abot langit ang ngiting sumilay sa labi niya. "Salamat po Ma'am! Ang bait niyo po talaga" Tipid ko lang siyang nginitihan. I am kind. Pero napipili lang ang mga taong tinatrato ko ng ganito. Not all. I almost want to sing a happy song when she left. Showing other people that I am alright is not really easy. I took practice of it. Kaya inaani ko ngayon ang pag-eensayong pinagpaguran ko na itago ang lahat ng tunay kong nararamdaman. They say that I am strong. That I am fearless. That I am a b***h. Yes because those are the characteristics that I showed them. The characters I am showing people. Kahit na kung tutuusin ay minsan mahina ako. Lalo na pagdating sa usapang pamilya. Isinandal ko saglit ang ulo ko sa head rest ng upuan ko at pumikit. Kanina pa masakit ang ulo ko pero tinitiis ko lang. Ayoko ring uminom ng medisina. I hate medical drugs. Itutulog ko lang 'to, okay na ako pagkatapos. "Yaya! I saw an ice cream truck! Let's buy ice cream please! I want ice cream, yaya" masayang pagkukumbinsi ng batatang babae sa yaya niya nang makita nito ang bilihan ng ice cream. Kagaya ng ibang mga mata, mahilig rin siya sa mga matatamis. Kaya lang lagi siyang pinagbabawalan ng mga magulang niya sa matatamis. Suminghap ang yaya niya. "Elizabeth alam mo namang ayaw ng mommy mo. Sinabi niya sa akin na bawal sa'yo ang kumain ng sweets" Nangunot ang noo ng batang babae. "All the kids who want ice cream gets to have them. Why not me yaya?" Inosenteng tanong nito sa matandang babae. Napabuntong hininga ito habang nakatingin sa bata. Naaawa siya rito dahil palaging pinagbabawalan ng mga magulang nito ang bata. Lahat ng mga bagay na dapat nararanasan ng bata ay ipinagdadamot ng mga magulang nito. Kagaya na lang ng pagkain nito ng ice cream. Mahigpit siyang pinayuhan ng mga amo nitong huwag pakainin ang bata sa kahit naong gusto nito. Just vegetables. Nothing more. Ngumiti siya at kinarga sa bisig niya ang tatlong taong gulang na bata. "Okay. We're going to buy ice cream, but you have to promise yaya that you are not telling mommy and daddy about this. You're gonna have to lie. I am sorry. Okay Elizabeth?" Marahang tanong nito sa bata. The girl looked curious and very innocent. But she nodded. "Yes po" "When you grow up, I am sure you will be a strong woman Elizabeth" bulong ng matanda. Napatitig ako sa lamesa ko nang magmulat ako ng mga mata. Another freaking weird dream. I closed my eyes for a moment before standing up. I've been getting this kind of dream for a long time now. Iba-ibang lugar. Iba-ibang situwasyon. Minsan malungkot ang bata. Minsan tumatawa. Minsan umiiyak. I don't even understand why do I get these kind of dreams. E hindi naman ako konektado sa batang iyon! I don't see any ties that might involve me with the kid. Elizabeth... Who is she? Kung hindi si Ate ang bumibisita sa aking panaginip, eto namang batang babae na hindi ko kilala. I keep getting nightmares to how I lost my sister. And I also keep getting this dream. Tapos idagdag pa yung mga nakakakilabot na panaginip ko sa lalaking naka– no nevermind. Kinuha ko ang susi pati na rin ang coat ko bago ako lumabas ng opisina ko. Ang hindi ko inaasahan ay nag makita ang isang baliw na babaeng nakabusangot habang nakahalukipkip. "Alam mo? Magtutuloytuloy na sana ang normal na araw ko e. Kaso nasira mo dahil jan sa mukha mong bruha ka!" Walang ganang sabi ko kay Caileen. Halos lalabas na ata ang usok sa ilong niya. "Kanina pa ako naghihintay dito! Pero hindi ka lumalabas! Katok rin ako ng katok pero walang sumasagot! Mage-earthquake na pero hindi ka pa rin nababangon jan! Anong klaseng tao ka? Tulog mantika!" Nagpupuyos ang mga mata niya sa inis. Ngumisi ako nang mamataan ko ang dala niya. "Thank you bruha!" Masayang sabi ko matapos hiklatin mula sa kamay niya ang isang box ng pizza. "Ang sweet mo naman! Dinalhan mo pa ako ng pizza" pilit kong pinalambing ang boses ko pero naging sarkasmo lang ang tunog. I grimaced. Tumawa naman ang baliw kong kaibigan. She immediately hinted my reaction. "Yan kasi! Alam mo namang di mo bagay maging sweet, trying hard ka pa!" I glared at her. "Shut up" "Ayoko nga! Simula nung mawala mo iyang virginity mo three months ago, ang weird mo na! Akala mo hindi ko napapansi–" Mabilis pa sa pagpikit ng mga mata kong tinapalan ang nakakairita niyang bibig gamit ang palad ko. "Caileen I swear. If you don't shut your filthy mouth. Ipapakain ko sa'yo ang takong ng sapatos ko!" I hissed through gritted teeth. Abot Saturn ang gigil ko sa kanya! She was laughing when I let go of her mouth. Ilang beses na akong nagtataka sa sarili kung bakit ko ba sinabi sa kanya ang kuwento ng gabing nawala ko ang kabirhenan ko. Now Caileen is always dragging that issue whenever she wants to piss me. At laging tumatalab dahil naiinis talaga ako. Kung puwede nga lang e tanggalan ko siya ng anit! Kung di ko lang kaibigan 'to, matagal ko na siyang itinapon sa bermuda triangle! I swear! "Ang harsh mo naman! Ayoko ng takong! Gusto ko si Czero na lang ang ipakain mo sa akin! Mas yummy! More delicious!" Kumindat pa talaga ang pisti. "Yuck! Kadiri!" I threw her a disgusted look. She giggled like a high school girl daydreaming about the love of her life. Nailing ako. "Funny fact. I really cannot believe myself why I told you about that night. I can't find any reason why" She grinned sheepishly. Oh how I want to erase that demonic grin! "Kasi bestfriend mo ako" naglalambing niyang sabi. Gusto ko tuloy pektusan. "Bestfriend? Really? May bestfriend bang halos ipangalandakan sa mundo ang pagkawala ng kadalisayan ko?! Impakta ka rin ano?!" Nanggigigil na talaga ako sa kanya. She laughed. Inirapan ko lang siya. "Kailangan kong umuwi mamaya sa bahay. Kailangan ko pang kausapin sina Papa" mahinang smbit ko. Kaagad nagbago ang timpla ng mukha ko pero mabilis kong itinago ang ekspresyon ko para hindi makahalata si Caileen. Kilala ko tong kaibigan ko, mahilig mang-asar pero alalang-alala siya sa akin. Her smile fell. "Kailangan mo ng kasama? I'm willing" seryosong sabi niya. I smirked to hide what I really feel. Hindi na. Madadamay lang siya at mas lalo siyang mag-aalala sa akin kapag sumama siya. And I don't want that. I want her smile to remain. Masyadong masayahin ang kaibigan kong ito para lang dalhin ko siya sa bahay namin na puno ng kademonyohan. Kailangan kong pumunta doon dahil ika-klaro ko kila mama at papa ang huling desisyon ko. They are letting me do my own business for now. Alam ko namang limitado ang pasensya nila. Hinahayaan lang nila akong makapag-isip ng husto kaya nila ako pinapabayaan. But I have to face them now to end it and clarify things the best way I know I can. "Hindi na kailangan. I'm sure Czero would be waiting for you too" Nandidiri ko siyang tinignan nang uminit ang pisngi niya. Nangamatis ito at pulang-pula. "Ang landi mo!" Akusa ko sa kanya. She just laughed. "Magiging malandi ka kung malandi ang mahal mo" imporma niya. "That's not an excuse" matabang kong sabi. "It's not an excuse. It's the truth" she challenged back. Me? I can't relate. I don't have a man. Gaya ng napag-usapan, pagkatapos naming kumain ni Caileen umuwi siya. Idagdag pa na tumawag si Czero sa kanya dahil hinahanap siya. Caileen has been with that man for a little long now. And I am really praying that he would take care of her. Not just f**k her and toy with her. Kasi puputulin ko talaga ang hotdog niya! For real. No joke. Subukan niya lang lokohin ang bruhang kaibigan ko, malilintikan siya. Kahit mayaman yun, pepektusan ko yun! Anong tingin niya? Lahat ng nasa isip ko ay nabura nang itigil ko ang sasakyan sa harap mismo ng gate namin. Hindi ko na kailangang sumungaw sa labas ng bintana ng kotse ko para ipakita ang mukha ko. The guard opened the gate without hesitation the moment they recognized my car. I stomped the accelerator when it opened widely for me. Agad kong inihinto ang sasakyan nang mai-park ko ito ng maayos sa harap ng bahay. Hinanda ko ang sarili ko nang mamataan ang bahay. The hell hole. I'm back at it again. Gumuhit nag isang mapait na ngiti sa labi ko. Babalik na naman ako. At sasalubungin na naman ako ng mga matatalim na tingin ng mga magulang ko at ang mga masasamang salita nila sa akin. Well good thing I prepared myself. Talaga ba Thea? My mind countered back. I just shrugged it off. Bahala na. Paglabas ko ng kotse, napahinto ako nang maaninag sa kaliwa ko ang isang sobrang garbong sasakyan na kulay asul. It's a dark sexy shade of blue. Halatang mamahalin. Sinong may ari nito? Last time I checked, my family can't afford this kind of car. I frowned. May bisita ba sila? Questions filled my mind. Minsan lang naman may dumadaang bisita dito sa bahay. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, muli akong nagbalik huwisyo nang makarinig ng tunog mula sa di kalayuan. Mabilis kong binaling ang tingin ko sa kung saan nagmula iyon. And I was surprised at what I saw. Napaawang ang labi ko kasabay non ang pag-urong ng isang paa ko nang makasalubong ko ang seryosong mukha niya. Ang mukhang parating bumabalik sa isip ko. Ang mukhang hinding hindi ko makakalimutan. Ang mukhang naghatid ng init sa katawan ko. His dark orbs penetrated to mine. Nahigit ko ang hininga ko nang humakbang siya habang mariin ang titig sa akin. I felt goosebumps run down my spine with the way he looks at me. The memories I tried so hard to forget came flashing back in my mind like an endless wave. He's that guy. Dumilim ang mga mata niya. Pukinginang sperm cell. I may be wrong at somethings but this time I sure hell am not! He's the man who took my virginity. He's the one who made me feel lust and desire for the first time in my whole life. Siya ang lalaking hinayaan kong pasukin ang minamahal kong pempem! Please kill me now. Lupa, kainin mo 'ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD