CHAPTER 1

1370 Words
"OOHH, baby, gosh... your c*ck is so big and long," nasasarapang daing ni Yassi habang nakaupo ito sa kandungan ni Reese at sagad na sagad sa kaibuturan nito ang kaniyang kahabaan. Tanging ungol lang ang naging tugon niya. He was busy licking and sucking her bre*sts. Lalo namang pinagduldulan pa ni Yassi ang dibdib nito sa kaniya. Iniliyad nito ang katawan nang ipaloob niya sa kaniyang mainit na bibig ang isang dunggot ng s*so nito. Sunod-sunod itong napaungol habang gumigiling sa kaniyang kandungan, sinasalubong ang bawat pag-ulos niya. And God! This woman was so damn hot and amazing when it comes to s*x. At ganitong klase ng mga babae ang tipo na ngayon ni Reese. Iyong eksperto at hindi pa-bebe pagdating sa kama. Hindi na kailangan pang turuan kung paano gawin ang sinasabing "give and take" kapag s*x na ang pinag-uusapan. Kaya ayaw niya sa mga babaeng wala pang karanasan sa s*x. Boring. Pangit pa ka-bonding sa kama. Walang ibang alam kundi ang humilata at umungol lang. Aside from that, ang mga babaeng virgin din ang madalas na maghabol. Base iyon sa mga naging experience ni Reese. Ilang beses na siyang muntikan nang mapikot. At ang mapikot ang isa sa kinatatakutang mangyari ng mga playboy na gaya niya. "Faster, baby... Aahh!" Yassi moaned louder as he gripped her ass. Umupo pa ito nang tuwid habang itinaas-baba ang pang-upo at gumigiling sa kaniyang kandungan. At hindi pa ito nakuntento. Minasahe nito ang sariling dibdib at tumitirik ang mga mata nito. Reese began to thrust harder. Sinalubong naman nito ang bawat pagbayo niya at sumasabay sa bawat mararahas na galaw niya. Napuno ng mga ungol at tunog ng pagsasalpukan ng kanilang mga katawan ang kaniyang opisina. He kept on f*cking her faster and harder until her orgasm exploded. Hindi nagtagal ay naramdaman niya na malapit na rin siyang labasan. At bago pa man iyon mangyari ay dali-dali na niyang hinugot ang kahabaan sa loob ni Yassi at pinahiga ito sa kaniyang executive table. Nagmamadali rin siyang tumayo mula sa swivel chair niya at itinutok sa mukha ng babae ang kaniyang pagkal*l*ki. He pumped it with his right hand. Reese growled as he shot his load on her face. He shut his eyes. At parang tukso naman na nakita niya ang isang maamong mukha ng babae. Mabilis siyang nagmulat ng mga mata at kaagad na inalis sa isipan ang imaheng iyon. Nang dahil doon kaya mabilis na humupa ang init na nararamdaman niya kanina kay Yassi. Walang paalam na iniwanan niya ito habang nilalasap pa ang kaniyang likidong nakakalat sa mukha nito para tumungo sa private washroom na karugtong lang ng opisina niya. Para itong nakadroga na tumitirik pa rin ang mga mata. Ganoon ang reaksiyon ng bawat babaeng nakakaniig ni Reese. Well... Sino nga ba ang hindi mababaliw sa isang Reese Balinger? He had that appearance that could make him stand out in the crowd. Fair skin, facial blonde hair, dark brown eyes with thick eyelashes, and a six-foot and seven inches height. Bukod sa nakakabighani niyang pisikal na katangian ay nakakaakit din ang estado niya sa buhay. Reese is considered one of the hottest billionaires of his generation. Pumasok siya sa loob ng private washroom na may shower, small clothes closet, at fresh towels. Naroon din ang secret door na pinaglalagyan niya ng mahahalagang bagay na siya lang ang nakakaalam. Nang pumailalim si Reese sa shower ay hindi sinasadya na bumalik sa kaniyang ala-ala ang isang parte ng nakaraan na hindi niya makalimutan kahit ano man ang gawin niya... Nagmamadali na bumaba ng hagdan ang twenty years old na si Reese. Nakasuot siya ng puting T-shirt at maong na shorts na pinagkaabalahan pa niyang gupit-gupitin para lang magmukha siyang mahirap. Hindi rin siya naligo at nagsuklay simula kahapon. Nang makababa siya sa mula malapad na hagdanan ay hindi siya dumiretso sa sala ng kanilang mansiyon. Sa halip ay pumaroon siya sa likod at hinanap ang anak ng kanilang hardinero, at kaibigan na si Asyong na mas bata sa kaniya ng limang taon. "Saan ang lakad mo, 'tol? Bakit mukha kang mamamalimos sa suot mo?" biro nito sa kaniya nang maabutan niya ito na nagti-trim ng carabao grass sa likod-bahay. Matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya ang magulang ni Asyong at dito na rin sa mansiyon ito ipinanganak. Kaya mga bata pa lang sila ay magkaibigan na silang dalawa. Kahit noong dalhin si Reese ng kaniyang tiyahin sa Canada para doon na manirahan upang ihanda siya sa pagiging CEO ng laboratory na pag-aari ng kanilang pamilya ay nanatili silang malapit sa isa't isa. Isa si Asyong sa buddy ni Reese sa tuwing nagbabakasyon siya rito sa Hacienda Ramona. "Aakyat ako ng ligaw, 'tol," ani Reese. Fluent pa rin siyang mag-Tagalog kahit laking Canada siya. Iyon ang ginagamit nilang mag-Tita kapag silang dalawa lang. "Kaya pahiramin mo ako ng lumang tsinelas mo." "Kahit magpahid ka pa ng uling sa buong katawan, magmumukha ka pa ring Kano. Hindi mo maitatago ang mala-labanos na kulay ng balat mo at iyang blonde-ng buhok mo. Sira-ulo!" anito sabay tawa. Sa sobrang close na nila sa isa't isa ay palagay na si Asyong na pagsalitaan siya na parang hindi anak ng amo nito. "Sira-ulo ka rin! Magpapahiram ka na nga lang, ang dami mo pang sinasabi." Iiling-iling na tumayo si Asyong. Iniwan nito sandali ang ginagawa at pumaroon ito sa quarter ng mga katiwala ng mansiyon na iyon. At nang bumalik ay may bitbit na itong kulay-pulang tsinelas na may brand name na Spartan. Napangiwi si Reese nang makitang butas-butas na ang swelas niyon. Siguradong lulusot doon ang malambot na talampakan niya at baka magkalapnos pa siya. "Wala na bang iba? Mukhang ang tigas naman niyan." "Gusto mong magmukhang magsasaka para magustuhan ka ni Ganda, 'di ba?" Lumiwanag ang mukha niya nang marinig ang pangalan ng crush niya. "Sige na nga. Puwede na iyan." Kinuha niya sa kamay ni Asyong ang tsinelas nito at saka isinuot ang mga iyon. Sa una pa lang ay hindi na siya komportable. Pero sa ngalan ng pag-ibig, magtitiis siya. "Seryoso ka ba talaga na liligawan mo uli si Ganda, 'tol? Wala ka namang mapapala do'n dahil ayaw pa niyon mag-boypren. At saka ayaw niyon sa mayayaman at playboy na gaya mo. Baka maulit lang ang nangyari noong nakaraang December. Binasted ka niya sa harap ng pamilya mo," sita ni Asyong na puno ng concern ang mukha. "It will never happen again. Dahil nag-promise ako sa sarili ko na ito na ang magiging best summer vacation ko," puno ng kumpiyansa na wika ni Reese. "Bahala ka! Pero hindi muna kita masasamahan ngayon. Marami pa kaming kailangang tapusin ni Tatay. Susunod na lang ako." "It's okay. Kayang-kaya ko naman manligaw na mag-isa. Sa Canada nga, eh. Ako pa ang madalas na ligawan ng mga babae." "Sa Canada 'yon, ulol! Nakalimutan mo ba na nandito ka sa Bacolod at ang babaeng gusto mong ligawan ay may pagka-dalagang Pilipina?" Binatukan niya si Asyong. "Ulol ka rin! Nakalimutan mo na rin ba na gusto ko na ngayon ang mga babaeng pa-hard-to-get? Katulad na lang ng Ganda ko." Napangiti pa si Reese nang sumagi sa isip niya ang magandang mukha ng kaniyang ultimate crush na bagay na bagay sa pangalan nito. Tandang-tanda pa niya kung paano bumilis ang t***k ng puso niya nang unang beses na magtama ang kanilang mga mata. Para sa isang kagaya ni Reese na anak ng isang sikat na bilyonaryo, tagapagmana ng hacienda, at future CEO ng isa sa pinakamalaking laboratory sa Canada, tapos saksakan ng guwapo pa, normal na lang na habulin at pagkaguluhan siya ng mga babae kahit saan man siya magpunta. Walang kahirap-hirap niyang nakukuha ang bawat babaeng magugustuhan. Pakiramdam tuloy ni Reese ay nawawalan na ng thrill ang buhay niya. Kaya nga target naman niya ngayon ang mga babaeng hard to get. Iyong tipong malakas ang loob para isnabin ang isang kagaya niya. Pero sa kasamaang palad ay mahirap makamit iyon dahil sa taglay niyang kaguwapuhan at kayamanan. Gayunman ay nangako si Reese sa kaniyang sarili na sa oras makatagpo siya ng ganoong uri ng babae ay hinding-hindi na niya pakakawalan pa. Hanggang sa makilala niya si Ganda—sikat na taga-lako ng lumpiang Shanghai sa Hacienda Ramona...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD