1: Where's the Ring?!

1621 Words
Trigger warning: -Premarital s€x -Annoying characters -Bad language What to expect: -Hulsam -Sweet -Cliché -Fast read romcom ****** SISINGHOT-SINGHOT na pinahid ni Alondra ang mga luha sa kaniyang mga mata. Ayaw paawat ng mga 'yon. Parang akala mo ay sinindihan na gripo. Nakakainis! Naiinis na dinukot niya ang tissue na nasa loob ng kaniyang shoulder bag niya. "Nakakainis ka Gerard! Umasa ako..." sisigok-sigok na parang tangang bulong niya pa sa sarili habang marahas niyang pinupunasan ang mga luha niya, "Inasahan ko na magpapakasal tayo. Sabi mo kasi e! 'Kainis ka!" tungayaw niya pa. Tungayaw niya sa sarili sa kalagitnaan ng katirikan ng dapit hapon. Oo, alas tres na ng hapon. Ang mas nakakainis pa, dahil umalis siya sa wholesale store ng intsik na amo niya, kung saan siya regular ng tindera, baka hindi na siya makabalik sa trabaho niya. Kainaman lang, nang mag-text kasi ang itinuturing din naman niyang kaibigan na si Beck-Beck na nakita nito ang boyfriend niyang si Gerard na may kasamang babae, kaagad siyang lumayas sa store ng amo niya. Kasehodang nagme-merienda ang iba pang tindera ng tindahan at hindi rin siya nagpaalam sa boss niya. Tsk, oo na, ang gaga lang niyang tunay. Ni hindi na niya naisip ang bukas, basta na lang siya kumaripas ng layas kanina na para siyang tinatawag ng kalikasan— 'yon nga lang, nang nakasukbit ang bag niya sa balikat niya. Ni hindi rin niya nilingon ang mga katrabaho niyang sumisigaw sa kaniya kanina't tinatawag siya. "Ang gaga mo, Alondra! Super gaga, wala ka ng trabaho ngayon!" Sumbat pa niya sa sarili, sapo ang sariling noo at mahinang kinaltok 'yon pagkuwan. Ah, tama na. Kahit sisihin pa niya ang sarili ay tapos na, nangyari na ang pinakamalaking katangahan na nagawa niya sa twenty two years of existence niya sa mundo. Tama na rin ang iyak. Para namang hindi pa siya sanay sa hirap at sakit. Siya na nga lang mag-isa sa buhay e. Lumaki siya sa ampunan at hindi na niya nakilala ang kaniyang mga magulang. Sabi ng mga madre ro'n, naanakan daw ng foreigner ang nanay niya, hindi raw alam ng mga magulang ng nanay niya na nagpaanak lang 'to sa kung sino habang nagtatrabaho 'to sa Manila, kaya sanggol pa lamang ay iniwan na siya sa ampunan nito. Ano pa ba ang mas matinding kasawian do'n? Ang pambababae ni Gerard? Hah! Kung tutuusin ay kurot na lang 'yon sa mga pinagdaanan niya. Kakapiranggot na lang 'yon sa mga sakit na naranasan niya at sa bagahe na bitbit niya mula pa nang magkaisip siya. Bagahe na siya rin naman ang nakagawa ng paraan upang gumaan. Masyadong maiksi ang buhay upang ilaan pa sa kung ano-ano. Sabi nga nila, ang mahalaga, buhay. Pero nangako kasi ang nobyo na bubuo sila ng pamilya. Pamilya na wala siya. Pamilya na kay tagal na niyang inaasam na magkaroon at maranasan... "Miss, ano ba? Papasok ka ba o tatayo ka na lang d'yan?" untag sa kaniya ng kung sino. Nalingunan niya ang isang balingkinitan na babae na maputi at halos kasing edad niya, may suot pa 'tong itim na salamin sa mga mata na tila maaraw sa kinatatayuan nila. Napanganga siya, tila noon lang nag-sink in sa kaniya kung saan siya nakatayo— Jusko, nasa pintuan na pala siya ng mall na kanina lang ay dinaraanan niya dahil naglakad lang siya pauwi para maigalaw niya ang mga tuhod niyang ayaw naman niyang maestatwa sa nasaksihan na katalipandasan ng boyfriend— ex boyfriend na nga pala— niya kanina. Napalunok siya. "A—ahm, o—oo. Oo. Papasok ako," tugon niya na inirapan lang ng babaeng nasa likuran niya. Sa kahihiyan ay kaagad na lang niyang ipinakita sa guard ng mall ang sukbit niyang shoulder bag at ipina-tsek niya 'yon dito. Pagpasok niya sa mall ay napabuntonghininga na lang siya. Siguro nga ay maganda rin na pumasok siya ro'n at maglakad-lakad muna para ma-relax ang isip niya kahit na hindi naman siya sigurado na mare-relax nga siya. Habang naglalakad-lakad siya sa mall ay napatigil siya sa nadaanan niyang jewelry store. Nagbadya ang luha sa mga mata niya nang pigilan naman niya ay sa ilong niya 'yon nagkuta. Tissue needed na naman siya! Hala, sige, punas mata, singhot, singa! Bago siya pumasok sa loob ng jewelry store ay nabasa niya pa ang nakasulat na pangalan niyon: Knight in Shining Glamour Jewelry. Hmn, medyo bet niya ang pangalan ng jewelry store. Ang lakas lang maka- unique. Never heard pero nang sipatin na niya ang mga alahas na nasa mga estante ay namangha siya. Mamahalin ang mga alahas na naroon, no doubt. Kumikinang ang mga bato ng mga singsing, kuwintas at mga hikaw. Masarap sa mata. Nakakalulang pagmasdan... "Hello, ma'm, welcome to Knight in Shining Glamour," bati sa kaniya ng isa sa mga staff na naroon. Nginitian niya 'to. Mukha naman 'tong mabait at hindi katulad ng ibang staff na mapangmata ng customers. Well, dahil nga half Pinay at half tisay siya, kahit simpleng t-shirt at maong skinny jeans lang ang suot niya ay angat na siya sa ibang mga babae, alam niya 'yon. Aware siya. Madalas nga siyang kainggitan noon ng mga kapwa niya batang babae sa ampunan kaya walang umampon sa kaniya. Ikinakandado siya ng mga 'to sa tuwing may dadalaw sa ampunan na mag-asawa o pamilya na mag-aampon ng bata. Kundi pa siya nag-edad disiotso, hindi siya makakaalis sa ampunan. Gano'ng edad kasi ay hinahayaan na silang magdesisyon sa ampuna kung mananatili sila ro'n na manilbihan, magpatuloy ng buhay ro'n o susubukan ang mamuhay sa labas. S'yempre pa ay ang huli ang pinili niya. "Titingin-tingin muna ako, miss," aniya sa staff na bumati sa kaniya. "Feel free po," magiliw naman na tugon nito. Titingin naman talaga siya. Saka siya bibili. Oo, ibibili niya ang sarili niya ng alahas— ng singsing. Isa rin kasi siya sa mga taong ang ginagawang investment ay ang gold o white gold na mga alahas, tulad na lang ng suot niya hikaw ngayon. Malaki na ang naipon niya dahil mag-isa lang naman siya sa buhay, pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na siya magastos kaya nga alahas ang binibili niya para kapag kailangan niya ng pera, may maisasanla siya. Kung hawak lang niya kasi ang pera, siguradong mauubos niya. At ngayon nga, nakapag-decide na siya— bibili siya ng singsing para sa sarili. Singsing na hindi na maibibigay pa sa kaniya ni Gerard. Haist, sad life. Kumurap-kurap siya, para lang mapagtanto na ang OA na pala niya. Wala na ang luha, ayaw nang umalpas. Gano'n naman talaga siya, saglit lang na iniiyakan ang lahat. Nasa gano'n siyang pag-iisip nang mapukaw ang atensyon niya sa isang tila kumikinang na singsing na nasa ibabaw ng estante. Wow, ang ganda! Oo, naka-display 'yon sa ibabaw mismo. Siguro ay nalimutan ng isa sa mga staff do'n na ipasok sa loob ng salamin na estante, marami rin customers kasi ngayon na naroon. E paano kasi ay Hunyo na sa susunod na buwan. Marami talaga ang nagpapakasal tuwing buwan ng Hunyo, kaya 'yon din ang pinili niyang buwan ng kasal niya sana kay Gerard. Isa rin naman siya sa mga babaeng hindi lang nangarap ng kasal kundi maging June bride. "Uhm, miss," tawag niya sa atensyon ng staff sa jewelry store na 'yon. Ito rin ang babaeng bumati sa kaniya kanina kaso lang ay may ina-assist na kasi 'tong bagong customer. Nakangiti pa rin naman 'tong bumaling sa kaniya. "Yes, ma'm?" "Ito sana, titignan ko. Engagement ring?" Tinuro niya ang naka-box na singsing na nasa harap naman nito. "Yes, suit yourself po, ma'm, no worries." Ibubuka pa lang sana niya ang bibig niya upang sabihin dito na isusukat niya kung puwede sana, tumalikod naman 'to kaagad. Sabagay at baka puwede naman. Nang iikot niya kasi ang paningin sa paligid, mga nagsusukat din ang ng alahas ang mga customerz do'n. Saka, may sariling guard ang jewelry store na 'yon so, she therefore conclude, na mahigpit ang security kasi nga ay nakabukod ang security niyon sa security ng mismong mall. At hello, isusukat lang naman niya. Hindi niya kailangan na umaktong parang nanakawin naman niya 'yon. Mukha kasing sulit ang singsing. Kumbaga, sabihin nang sa halagang sampung libo, ang itsura niyon ay kinopya sa mga nakikita niya sa mga hollywood star. Bonus na rin na parang sa kaniya lang 'yon nagpakita dahil sa rami ng mga alahas na nasa estante, kaagad na natuon sa singsing na 'yon ang paningin niya. "Miss, isusukat ko na—" "Sure, sure po," tugon naman ng staff, saglit lang siyang sinulyapan at nginitian ulit. Kainaman na mabait at hindi suplada. Kaagad naman niyang inalis sa box ang singsing na may diamond. At nang maisukat niya 'yon ay laking tuwa niya. Bagay 'yon sa daliri niya. Nababagay sa palasingsingan niya! Wow... nakaka-starstruck lang pagmasdan niyon, lalo nang iangat niya ang palad at pagmasdan ang sarili niyang mga daliri habang suot niya ang engagement ring na 'yon... "Where's the ring?!" pukaw sa pagka-starstruck niya sa sariling mga daliri. Para kasing galit ang tinig ng nagsalita, literal nga na nauntag siya gulat. "I said, where's the ring?!" ani 'tong muli, tila walang pakialam kung maraming tao ro'n. Sa mga staff ng jewelry shop nakatuon ang paningin, ang mga 'yon ang tinatanong. "A—Ano klaseng ring, Sir Knight—" "Bullshit! Alam niyo naman ang kaibahan niyon sa mga paninda natin. Hanapin niyo, box na lang 'to o!" O. M. G! Namilog ang mga mata niya nang makita ang box na hinagis ng lalaking halatang galit, sa ibabaw ng estante. 'Yon ang box ng singsing na nasa mga daliri niya ngayon! Er... Sa na-realize ay kaagad na tinanggal niya ang singsing na nakasuot sa kaniyang daliri. Pero... ayaw maalis niyon sa daliri niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD