"Ma, si Paul po?" Tanong ni Rose dahil wala ang binata ng dumating siya galing sa bagong trabaho na napasukan.
Isa iyong mini- factory na hindi registered sa BIR kung kaya't tuma- tanggap sila ng mga underage na aplikante.
May kalakihan na din ang kanyang tiyan dahil mag a- anim na buwan na ito. Medyo hirap na din siya kumilos at mag lakad. Ganito pala ang pag bu- buntis, hindi biro at sadyang napakahirap. May mga oras na hindi niya gustong kumain lalo na kung hindi talaga gusto ng sikmura niya. Ang masaklap pa ay madalas siyang tawagin na maarte ng kina- kasama.
Hawak hawak niya ang dalang bigas at isang kilo ng manok. Sahod niya ngayon kung kaya't bumili siya para kahit paano ay walang masabi sa kanya ang mga magulang nito.
Alam naman niyang ayaw sa kanya ng mama ni Paul ngunit kabaliktaran naman sa papa nito na sobrang bait sa kanya. Bukambibig kasi ng mama ni Paul kapag nalalasing ay siya ang dahilan kung bakit hindi manlang magagawang mag balik sa kanya ng kanyang anak sa lahat na sakripisyo niya. Palaging siya ang kaaway ng mama nito kapag nag wa- wala. Siguraduhin lang daw niya na manganganak siya sa tamang buwan dahil pag hindi ay palalayasin siya nito. Iniisip kasi ng mama ni Paul na baka hindi sa anak ang batang pinagbubuntis niya dahil nga kakabalik lang niya ng San Jose galing Maynila.
Sa tuwing naririnig niya iyon ay lihim nalang siyang umiiyak. Masakit sa kalooban niya na ganoon ang iniisip sa kanya ng mama ni Paul. Madalas nga ay kinakausap niya ang binata na kausapin ang ina dahil ito lang naman ang nakaka- alam ng katotohanan.
"Ba't hinahayaan mong isipin ng mama mo na hindi mo ito anak?" Naalala niya isang beses na tinanong niya sa binata.
"Hayaan mo na siya. Nasusulsulan kasi yan ng mga kainuman niya." Sagot pa ng binata na tila hindi apektado sa kanyang sinasabi.
"Kahit na! Ikaw ang naka- ka alam ng totoo dahil ng may nangyare satin alam mong virgin pa ako!" Iyak niya noon sa kina- kasama.
"Alam mo masyado ka lang madrama! Hayaan mo siya dahil ganyan lang yan." Tanging tugon ng binata.
Napapailing na lamang si Rose ng maalala ang bagay na iyon.
"Umalis, andon sinundo ng mga kaibigan niya." Sagot ng mama nito.
"Ano'ng oras po umalis?" Tanong niya.
"Kanina pa." Aniya. "Oo nga pala, pupunta ko sa birthday ng kumare ko. Ikaw na ang mag luto ng hapunan." Pagkasabi ay tumalikod na ito at nag punta ng balon upang umigib ng tubig pampaligo.
Naiwan naman siyang parang hapong hapo na naupo sa mahabang upuan na kahoy.
Heto siya at nagpapakapagod sa trabaho para makapag ipon sa panganganak pero ang lalaking iyon ay puro inom at barkada ang ginagawa!
Ilang beses na niyang ginagawa ang ganito. Kung hindi niya aabutang lasing ay minsan naman wala ito sa bahay. Madalas nasa inuman o kaya nasa basketball kasama ang mga kaibigan. Walang nag bago sa life cycle nito habang siya ay tuluyan ng tumigil ang mundo sa pagiging dalaga. Napakuyom siya sa kanyang mga palad. Sumu- sobra na ito! Hindi maaari na ganyan na lang siya hanggang sa maipanganak niya ang baby sa tiyan niya.
Napapailing siya na tumayo upang mag saing at mag luto ng adobong manok. Kahit paano ay marunong na siyang mag luto dahil sa pinasukan niya sa Maynila. Halos lahat ata ng trabaho na hindi naman na discuss sa kanya bago umalis ay ginawa niya. Ang usapan ay house girl lang siya, taga bantay at linis ng bahay dahil nga sixteen years old pa lamang siya noong umalis siya. Pero laking gulat ng dalaga ng nagbago ang usapan noong nandoon na siya.
Halos siya na ang naglalaba na dati ay ginagawa ng on call labandera ng mga ito. Nang mapansin ng among babae na marunong siyang maglaba at mamalantsa ay hindi na nito tinatawagan ang dating taga gawa non. Natuto kasi siya ng gawaing yon nang maging yaya ng kambal. Bilang yaya kasi ay obligasyon mong labhan at plantsahin ang gamit ng iyong mga alaga.
Naka alis na ang biyenan niya dala ang dalawang maliliit na anak. Ang bunsong babae na dumedede pa dito at ang isa pa na apat na taong gulang. Siya lang ang tanging naiwan sa bahay na iyon. Ganun talaga madalas ang set up. Kapag nasa inuman ang biyenang babae ay siguradong susunod ang asawa nito pag katapos mag trabaho sa farm. Habang ang mga anak ay mag sisipuntahan din kung nasaan ang ina nila.
Naiiyak siya dahil sa sitwasyon niya ngayon. Hinimas niya ang kanyang tiyan. Ito nalang ang tanging nag bibigay lakas sa kanya. Wala na siyang ibang masasandalan ngayon kundi ang sarili dahil maging ang lola niya ay itinakwil na siya dahil sa kanyang ginawa. Si Paul naman na noon ay akala niya siyang magiging kasangga niya at kasama sa lahat ng oras ay tila kay layo na sa kanya. Hindi na ito yung dating kasintahan na sweet at mapag biro. Minsan ay hindi siya nito kinakausap. May oras na magiging sweet ito sa kanya, yun ay kaoag gusto nitong umiskor. Madalas din nila itong pinagtatalunan dahil minsan ay umaayaw siya. Ganoon siguro kapag buntis, parang nawawalan ka ng gana sa s*x.
Anong oras na ay wala parin ang binata. Natatakot siya kapag ganoong oras dahil nasa gilid ng bundok ang kanilang bahay at magkakalayo ang mga kubo doon. Kumuha siya ng flashlight at ikinandado ang bahay nila Paul. Alam naman niya kung nasaan ang binata kung kaya't pupuntahan niya ito para pauwien.
Nagkakasayahan ang barkada sa bahay nila Sam. Madami na namang alak at pulutan ang sponsored ng bakla. Halos magpa ulan din ito ng pera sa mga kabataang naroon.
Maya maya ay may bumulong kay Paul upang sabihin na nariyan ang asawa niya. Asawa, kadalasan ay iyon ang tawag nila sa nagsasama sa iisang bubong kahit na hindi kasal. Kuno't noo namang napatayo si Paul at dali daling isinuot ang shorts. Nasa pinto si Rose at masama ang tingin sa kanila.
"Anong ginagawa mo dito?" Galit na hinablot nito ang braso ng kinakasama.
"Anong ginagawa nyo? Bakit mga naka brief lang kayo? Anong kahalayan ang pinag gagagawa niyo?!" Galit na tanong ni Rose.
"Umuwi ka na!" Sabi pa ni Paul sa babae.
"Uuwe tayo! Kung ayaw mong magwala ako dito!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ni Rose.
Dahil sa takot na mag wala ang babae ay agad ng lumabas ng bahay na iyon si Paul. Walang lingon likod na nag martsa ito sa kalsada habang sa likuran niya ay nagmamadaling nag lakad si Rose.
Nang makauwe ay saka ito nag labas ng galit sa kanya.
"Ano bang problema mo?" Sigaw ni Paul sa kanya.
"Ikaw! Ikaw ang problema dahil hanggang ngayon puro ka oarin barkada! Wala ka ng ginawa kundi mag inom, mag laro ng basket ball at gumala kasama ang mga kaibigan mong mga bad influence!" Sunod sunod na sabi ni Rose.
Sa gigil ni Paul sa kanya ay mahigpit nitong hinawakan ang kanyang baba. Namilipit naman sa sakit ang babae.
"Bakit? Ano'ng gusto mo? Yung lagi akong naka dikit sayo? Ganon?" Sigaw pa nito at pagkasabi ay bigla nalang siyang hinablot nito at pinatalikod sa kanya."Ito ang gusto mo diba? Halika." Dugtong pa nito.
Marahas na inalis ang pang ibaba ng babae at hinawakan ang leeg.
"Ano ba! Tumigil ka Paul!" Umiiyak na sambit ni Rose.
Tila wala namang naririnig ang kasintahan at marahas na inalis ang kanyang panloob kasunod non ay ang pag hubad nito sa sariling pang ibaba. Pinayuko siya nito at ipinasok ang kanyang sandata sa kasintahan. Napapaigtad pa si Rose dahil kung saan saan tumatama ang sandata nito. Napakapit siya sa haligi ng bahay dahil nahihirapan din siya sa posisyon. Pakiramdam niya ay babagsak ang nasa loob ng kanyang tiyan. Umiiyak man at nag mamakaawa ay wala nang nagawa pa ang kawawang Rose. Pakiramdam niya ay niyurakan nito ang kanyang pagkatao. Nang makaraos ay kasintahan ay dahan dahang napaupo si Rose sa sahig habang hilam sa luha ang mga mata.
"I hate you!" Iyak pa niya.
"Sa lahat ng tao ikaw pa talaga ang gumawa sakin nito..." Humihikbing sabi niya. "Akala ko pag sumama ako sayo makakalayo na ko sa mapanakit kong lola, akala ko mas mamahalin mo ko! Pero ano'ng ginagawa mo Paul??" Umiiyak na sambit niya.
Lumapit naman si Paul sa kanya at inabot ang kanyang shorts.
"I'm sorry." Sabi pa nito sabay yakap sa dalaga.
Hindi rin niya maintindihan kung bakit ganoon ang nagawa niya. Alam niya sa sarili niyang mahal niya si Rose. Ang tanging problema lang ay hindi niya parin tanggap na magiging tatay na siya at magkakaroon ng sariling pamilya. Wala naman siyang alam sa ganoong bagay. Ang gawain lang niya sa bahay ay matulog, kumain at mag lakwatsa. Kaya sobra siyang naninibago sa lahat ng nangyayare sa kanya. Hindi siya kasing tatag ni Rose na kayang talikuran ang lahat sa pagiging dalaga. Ibang iba siya dahil sa oras na puntahan siya ng mga kaibigan ay hindi siya maka- hindi sa mga ito. At pag dating sa inuman ay hindi na siya makatayo hanggat hindi nauubos ang inumin.
"Sorry na Rose, patawarin mo na ko please?" Sabi pa ni Paul sabay hawak sa pisngi ng dalaga.
Pansin niya ang pamamayat nito. Nang una niyang makita ang dalaga ay talagang nag ka gusto na siya dito. Bukod sa mahinhin ay masasabing maganda din naman si Rose. Maputi ito at singkit na pag tumatawa ay halos mawala ang mga mata. Pinaka nakaka akit ang tawa nito, napaka ganda ng ngiti ng kasintahan lalo na at pantay pantay ang maliliit nitong ngipin. Hindi naman ganoon katangos ang ilong nito pero tama lang para sa isang babae. Maging ang kanyang muka ay maliit kaya ang cute nitong tingnan. Naaalala pa niya noong nasa high school ito ay madalas itong sumali sa mga singing contest at beauty pageant. At dahil proud boyfriend lagi niyang iniimbitahan ang barkada para manuod. Naging popular din ang dalaga sa kanilang baranggay, madalas itong nag peperform tuwing may kasiyahan tulad ng piyesta o mga santa krusan.
Ngayong tinititigan niya ang kaharap ay kitang kita niya ang pagbabago sa katawan nito. Impis ang muka at lubog ang mata. Nakalabas din ang collar bone nito, payat ang mga braso at balikat habang naka lobo ang tiyan.
Hinagkan niya ito sa noo.
"I'm sorry Rose." Aniya.
"Ok lang, huwag mo ng uulitin." Tanging sambit ng dalaga.
Ganoon niya kamahal si Paul. Sa isang sorry nito ay agad niyang kakalimutan ang anumang kasalanan nito. Ang mahalaga sa kanya ay kasama niya ito para sa kanilang magiging anak.