Tagaktak ang pawis na kinuha ni Rose ang tumbler para uminom ng tubig. Pagkatapos uminom ay pinunasan niya ng face towel ang muka at leeg.
Alas sais pa lang ng umaga ay naroon na siya sa gym ng condominium para mag work out. Madalas na niya itong ginagawa every sunday para mag burn ng konting fats sa katawan niya.
Habol parin ang hininga dahil sa ginagawang pag e exercise ay nag punta na siya sa locker at kinuha ang gamit at nagpalit ng damit. Nagulat pa siya ng may di inaasahang nakasabay sa pag sasauli ng susi sa locker sa staff ng gym.
"Hi." Malapad ang ngiting bati sa kanya ng binata.
"Hello, nandito ka din pala?" Tanging sambit niya.
"Yes, I usually come here to work out. Ikaw pauwe ka na?" Tanong pa nito.
"Yep." Matipid niyang tanong.
"Ako din, tara sabay na tayo?" Nakangiti parin ito sa kanya.
Labas ang pantay pantay at mapuputing ngipin nito at nakalubog ang magkabilang dimples sa pisngi.
Nagkibit balikat na lamang si Rose at naunang maglakad, sumunod naman ang binata sa kanya. Nang marating ang elevator ay ito pa ang pumindot ng button para bumukas ito. She pressed eleventh floor habang ito ay twenty three.
Mukang nasa malaking unit tong lalaki na to. Bulong pa ni Rose sa sarili.
"So, you live on eleventh?" Tanong nito sa kanya.
Tumango lang siya.
"You know what, ang tipid mo sumagot no?" Natatawa pa ito habang sinasabi iyon.
Napatingin naman si Rose sa katabi.
"I'm sorry, I didn't mean to be rude. Hindi lang ako sanay.." hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil nagsalita agad ang binata.
"Oh, don't get me wrong. Wala akong prob don. By the way, pwede ko na bang singilin yung treat mo sakin later?"
Hayun na naman yung ngiti nitong parang makalaglag panty! Hindi mapigilan ni Rose ang ma attract sa ngiti nito, but she composed herself. Boys are boys and they're all the same.
"Ok. Just send me the location." Pagkasabi ay siya namang pag bukas ng pinto ng elevator.
"I'll go ahead." Ngumiti pa siya bago lumabas.
"See you later." Pahabol pa ng binata.
Napapailing na lamang si Rose. Pinagbigyan na niya ang binata dahil ayaw niyang mag mukang walang isang salita. And besides their almost neighbors, for sure ay madalas niyang makikita ang muka non. But she will make sure that after tonight, there will be no next time.
As usual, Rose and her daughter Lester attended the mass in the morning. After that ay nag mall sila, doon sila nag lunch sa favorite pizza restaurant ng anak. Pagkatapos mag lunch nag libot sila sa department store at bumili ng ilang gamit. Niyaya pa niya ang anak na manuod ng sine after mag shopping. Ganito ang routine nila every sunday. Sometimes they go out of town para mag relax. But since kakagaling lang ni Lester sa lagnat ay hindi muna sila bumyahe ng malayo.
"Nak, I'll be out later ha." Sabi pa niya habang sakay sila ng grab taxi.
Huminto ito sa pag se cellphone at lumingon sa kanya.
"Where are you going?" Tanong nito.
"I'll be hanging out with friends." Pagsisinungaling niya sa anak. Ayaw niyang sabihin na may kikitain siyang isang hindi kilalang lalaki.
"Basta umuwe ka ng maaga." Sagot lang nito.
Napangiti naman siya at ginulo gulo ang buhok nito.
"Yes po sir." Natatawang sabi niya.
"Ma, not my hair." Reklamo nito sabay palis ng kamay niya.
"Naku, nagbibinata na talaga ang anak ko." Pagkasabi ay niyapos pa niya ito at hinalikan sa batok.
"Mama!"
Tumatawa naman na lalong inasar pa ang anak.
He is twelve years old now. Sooner or later hindi na niya mabe baby ang anak dahil for sure ay magbibinata na ito at baka magkaroon pa ng girlfriend. Sa ngayon, she will make sure to treasure and cherish every moment that they share.
Maaga siyang nag prepare ng dinner para sa kanyang anak para makapag prepare sa lakad nila ni Enzo. Hindi niya alam kung bakit but she seems conscious sa magiging itsura niya that night. She kept on changing her dress at hindi makapag decide sa susuotin. It's just a dinner but she seems tensed.
"Mama?" Agaw pansin ng anak niya sa kanya.
"Yes?" Sagot naman niya dito.
"Do you have a date?" Nabigla siya sa tanong na iyon. Out of nowhere ay naitanong ng kanyang anak.
"San naman nanggaling yan nak?" Tanong pa niya habang nangingiti.
"Kanina ka pa kasi hindi mapakali sa susuotin mo." Sabi pa nito na ngayon ay nakabaling na ulit sa cellphone ang mga mata.
Akala niya ay hindi siya napapansin ng anak, yun pala ay kanina pa siya nito tinitingnan.
"It's just a dinner with someone I know." Sagot niya.
Ayaw niyang sabihin dito na lalaki ang kikitain niya, hindi niya gustong iba ang maging interpretation ng bata. He's still so young to understand things.
Sa wakas ay napili na niya kung ano ang susuotin. She chose to wear an off white, off shoulder long sleeved dress na hanggang hita. Fit ito sa katawan niya at may kaunting slit sa gilid. Tinernuhan niya iyon ng three inches single strap wedge sandals na cream.
She put on her make up. Orange blush and peach lipstick nag lagay din ng mascara para magka volume ang mga pilikmata, she also had to put eyebrows dahil may kanipisan ang mga kilay niya. Itinali niya pataas ang buhok kaya litaw na litaw ang kanyang mga balikat. Finishing touch ay ang kanyang hikaw, kwintas at relo. Tumapat siya sa salamin at tiningnan ang sariling repleksyon. Kung hindi mo siya kilala ay talagang mapagkakamalan mo siyang dalaga at nasa bente singo palang. Napakabata niyang tingnan at maganda parin ang kanyang katawan.
"Maganda na ba ang mama?" Tanong niya sa anak habang naglalaro ito ng mobile games.
Bahagya siyang tinapunan nito ng tingin.
"Kahit naman po nakapang bahay kayo maganda ka talaga ma." Sagot nito na ikinatuwa naman niya.
Lumapit siya dito at bahagyang dinampian ng halik sa pisngi.
"Aalis na ako, wag magpuyat ok?" Aniya sabay kuha sa kanyang handbag.
"Opo."sagot ng anak.
"Huwag mo na ko intayin,may susi naman ako dito." Sabi pa niya bago lumabas ng unit nila.
Pasakay palang siya ng elevator ay naka tanggap na siya ng text galing sa binata.
I'll be waiting outside.
"Ang aga naman niya." Wala sa loob na naisambit niya sa sarili.
Nang makalabas ng building ay agad niyang namataan ang binata sa harapan nito.
He's looking good wearing a long sleeves checkered blue polo na nakatupi pa ang mga manggas. Partnered with a dark blue navy jeans. Nakasandal ito sa itim na toyota highlander. Kumaway pa ito sa kanya ng makita siya at saka lumapit.
"Hi, you look great." Walang anu- ano'y hinagkan siya nito sa pisngi.
Saglit siyang natigilan pero agad na kinalma ang sarili.
Ngumiti siya at saka sumagot.
"Thanks, you too." Tangi niyang sambit.
"Let's go?" Yaya nito sabay bukas sa upuang tabi ng driver's seat.
Inalalayan pa siya nito na makapasok sa sasakyan at pagkatapos ay sumakay na din ito.
"San tayo?" Tanong niya.
"Some place na favorite kong puntahan." He smiled and then started the car engine.
Kinakabahan na napatingin na lamang si Rose sa harapan. Hindi niya alam kung bakit but this guy seems to attract her the most. May mga nagkakagusto din naman sa kanya lalo na sa trabaho. Pero never siya nag entertain o nag appreciate manlang. But this guy is somehow different, his smile, the way he looks at her and the way he talks to her para siyang matutunaw na yelo.
"We're here." Ani Enzo sabay park sa kotse.
"Mukang pang yayamanin." Sambit niya.
Napangiti naman ang binata.
"Mayayaman lang ba ang pwedeng maging classy?" Sabi pa nito sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa dahil inalalayan na siya nito papasok sa loob ng restaurant.
Napaka gentleman naman nito.
Bulong niya sa sarili.
Nung una ay talagang nag aalangan siya sa bawat kilos niya. Hindi siya sanay makipag date. This is actually her first time dahil sa ex niya ay never naman niya naranasan ang ganitong treatment. But Enzo seems to know how to handle her. Nakagaanan niya ito ng loob at hindi namamalayang nagkekwento na ng kung ano dito. He seems to be a nice guy, and nagulat pa siya ng malamang bar owner ito. And what's more intriguing is that this guy infront of her is only twenty seven years old!
"Really? You don't look like thirty one." Nangingiti pang sabi ni Enzo ng sabihin niyang mas matanda pa siya sa binata.
"Yeah right." Nakangiti pa niyang sagot.
"I actually look older than you."
Bahagya namang natawa si Rose sa narinig. Di niya alam kung binobola ba siya ng kaharap o nagsasabi ito ng totoo. But for all she knows, marami talaga ang nagsasabi na baby face siya. And this young man is also telling her the same.
After the dinner ay inimbitahan din siya ng binata sa bar nito. He said he wanted to show her his bar para naman pag may time sila ng mga katrabaho niya ay doon sila mag unwind.
Agad naman siyang namangha sa bar nito. Hindi lang ito isang pipitsuging bar, mukang mga yayamanin din at may class ang nagsisipunta doon.
She was entertained there like a VIP customer. Wala na siyang nagawa ng umorder ang binata ng drinks. May iilan ding regular customers doon na pinakilala sa kanya ni Enzo. Feeling niya tuloy ay close sila nito.
This day is different from ordinary days. Her heart is happy and she can't deny the fact that it is because of this feeling na Enzo seems to like her.
Napapailing na sinaway ni Rose ang sarili.
Stop it Rose,mahiya ka. Ang bata bata pa niyan tapos pagnanasaan mo?
Bulong pa niya.
"Is something wrong?" Tanong ng binata. Halatang worried iyon sa kanya.
"No, I'm okay. Im just wondering if tulog na si Lester." Aniya.
Napatango naman si Enzo. He already knows who Lester is, nakwento na niya dito kanina nung nag di dinner sila.
"How about this, let's just have a duet instead?" Nakangiti nitong yaya sa kanya.
Nanlalaki naman ang mga matang napatingin siya sa stage kung saan naroon ang banda.
"Naku, nakakahiya."
"Akong bahala." Pagkasabi ay hinablot nito ang kanyang braso at dinala siya sa entablado kung saan nag peperform ang banda ng bar ni Enzo.
"You know this song." Bulong ni Enzo sa kanya.
Pakiramdam naman ni Rose ay nangilabot ang buong katawan niya ng bumulong sa kanyang tainga ang binata. Napa buntong hininga na lamang siya.
Maya maya ay tumugtog na ang kantang More than words.
Sinimulan iyon ng binata hanggang sa napasabay na siya.