THE shocked registered in his face as he saw the pictures of his long missing older brother. Kuha ang mga iyon noong labing dalawang taon ito. Iyon ang edad nito noong nagkalayo silang dalawa nang mga panahong ipapatay ang mga magulang nila. Ang ilang mga larawan ay noong nagtapos ito ng sekandarya, at koliheyo. Kasama nito sa isang kuhang larawan si Danna at Don Feliciano maging ang mga kinikilalang mga magulang ng kapatid. May isa pang larawan na half naked ang lalaki kung saan na–exposed ang birth mark nito. God! This can’t be! Ang kapatid niya na matagal na niyang pinapahanap ay walang iba kundi si Nube Dylan Magdangal. Marahas siyang napatayo buhat sa pagkakaupo, naihilamos ang mga palad sa sariling mukha. Matagal na niyang kilala ang lalaki at sa katunayan ay napang–abot na ang ka

