SHE TURNED off the water and got out of the shower, as she took the bath towel hanging from the wall and put it around her body. Ang sunod niyang ginawa ay kinuha mula sa drawer ang hair blower at pinatuyo ang buhok. Nasanay na si Danna na maligo sa gabi bago matulog kaya kahit pasado alas onse na ay hindi niya iyon ikinakabahala. Nang matapos sa ginagawa ay ibinalik iyon sa loob ng drawer saka naglagay ng krema sa mukha at katawan. Palabas na siya ng banyo nang biglang bumukas ang pinto ng silid niya. Pumasok buhat doon ang lalaking bawat sandali ay laman ng puso at isip niya. He was staring at her na halos hindi na nito gustong ipikit ang mga mata. Hinagod nito tingin ang kabuuan niya na tumagal sa pagkakatitig sa kanyang mukha. Bigla ang pananalasa ng kaba sa dibdib niya. She was

