Chapter 8 kilig

1470 Words
Isabel “This way Ms Mendez” Sinundan ko ang babae patungo sa opisina ni EnZo. Kumatok muna ito ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. “My three knock policy ba dito?” Kausap ko sarili ko Nang makapasok kami sa opisina ni EnZo nakita ko itong nakaupo sa swivel chair niya at nakatingin sa laptop. Hindi ko maiwasan Hindi humanga dito. Sobrang gwapo Lang.. ang mala blond niyang buhok at blue eyes ang matatangos niyang ilong at mapupulang labi na parang Kay sarap halikan. “Ms. Mendez.. Ms. Mendez..” Tawag ng babae na nag hatid saakin Ay sh*t nag day dreaming pA ako. Nakita ko si EnZo napangiti saakin. Mukang nahuli pa akong tulo laway sa kagwapuhan niya. “Ah.. yes” Sagot ko “ I’ll go ahead Ms. Mendez And sir” “Thank you” Sagot ko “Hi babe” bati ni EnZo saakin Pinanlakihan ko ito ng mata dahil Hindi pa nakakalabas ang babae May pa babe na ito. Nang makalabas ang babae ay sinaway ko ito. “Ikaw talaga nakakahiya baka narinig ka ng empleyado mo.” “ I don’t care I’m the boss” Sagot nito “So how was your initial interview” Tanong nito Napangiwi ako. “Interview ba yun eh para akong sumagot ng slam book eh lakas maka elementary pati secret crush ko tinanong.. oh ayan pala yung folder abot ko daw saiyo” Natawa ito.. Kinuha ang folder at Binasa. Patango tango pa ang Siraulo para naman Tuwang tuwa sa nababasa niya. “Did you bring your drawings Eli”? “Ah.. oo eto” Inabot ko ang folder ko na puno ng furniture designs” Isa isa nitong tinignan ang mga drawings ko. Seryoso ang muka nito Hindi ko mabasa Kung nagugustuhan ba niya ito oh Hindi. “So when did you start doing this Eli” Tanong nito pero Hindi ako ni lingon nanatili Lang itong nakatingin sa mga drawings ko. “Mahilig na talaga ako mag drawing Simula bata ako pero its just recent na na hilig ako mg design ng furnitures” Tumango tango ito.. at nag patuloy sa pag tingin ng mga drawings ko. “ you’re not just beautiful and smart Eli you’re very talented.. very unique ang mga designs mo. I’m really impressed” saad nito Napangiti ako sa tinuran nito Siyempre coming from the CEO of LES MUEBLES my god it’s a huge compliment. “ I appreciate it EnZo lalo na galing saiyo” “Nilingon ako nito.. so Kailan ka pwede mag sign ng contract para makapag simula kana” Napatakip akong bibig.. “Really I’m hired?” Kinikilig kong Sagot “ yes Ms. Mendez you’re hired.. eh ako Kailan mo ako i ha hire sa puso mo” Banat nito muli “ haayy nako EnZo ayan ka nanaman sa pick up lines mo” “Can we eat lunch to celebrate” yaya nito Tumango ako ng sunod sunod. Tatanggi pa ba ako. Binigyan na nga ako ng dream job ko tapos ililibre pa akong lunch ng napakagwapong nilalang na ito. “Let’s go” yaya nito Lumabas kami ng opisina nito ng magkasama pero nagulat ako ng pinag saklop nito ang aming kamay. “EnZo pinag titinginan tayo nakakahiya..” pilit kong hinihila ang kamay ko pero mas hinigpitan nito ang hawak. “Kinahihiya mo ako babe?” Tanong nito na talagang nilakasan pa ang boses lalo tuloy ng bulungan ang mga bubuyog sa paligid namin. “Hindi naman sa ganoon.. pero baka anong isipin nila” “I don’t care. I want to hold your hands in fact I want to kiss you” nakangising saad nito “Gusto mong halikan ang kamao ko ?” Natawa ito at hinalikan nga ang kamao ko. Siraulo talaga ito “Kahit anong parte ng katawan mo gusto kong halikan” saad nito habang kagat kagat ang labi. Nag init ako don.. at parang nag echo ang sinabi nito “Kahit anong parte ng katawan mo gusto kong halikan” Sh*t iba dating saakin non ha Habang nag da drive ito ay hawak hawak nito ang kamay ko. “EnZo Bakit extra sweet ka.. nakaka ilang” Napakunot ang noo nito at binitawan ang aking kamay. “I’m sorry Eli I didn’t know naiilang ka.” Malungkot na Sagot nito Naawa naman ako sa muka nito ang pogi pogi pa din kahit malungkot. “Naiilang ako kasi Hindi ko alam Bakit mo ginagawa yan” Hininto nito ang sasakyan at bumaba. “Wait for me here Eli” saad nito Nakita ko itong tinungo ang flower shop at pag labas nito May dala dala itong blue carnation. Pumasok ito sa loob at iniabot ang bulaklak. “For you babe” “Bakit mo ako binibigyan nag bulaklak?” “Eli I know you know why.. I like you gusto kitang ligawan Kung ok lang saiyo” Napa nganga ako.. Hindi ako nakasagot. Pinoproseso ko ang mga sinabi nito. “Sara mo bibig mo Eli baka mahalikan kita.. so is it a yes? I mean yes na ok Lang ligawan kita?” “Ha?.. pero I’m going to work with you Hindi ba pangit yung pinag hahalo ang business at lovelife” “Bakit naman? mas gaganahan pa nga ako mag work eh kasi lagi kitang nakikita at makakasama” Sagot nito “Ikaw bahala..” nahihiya kong sagot Nakita kong Ngumiti ito at hinawakan muli ang aking kamay tapos ay hinalikan. Ang sweet nAman man ligaw nito May Pahalik agad. Baka ma pa OO ako agad. Pigilan mo self Huwag kang marupok. Sunod ay dinala ako nito sa Filipino restaurant. Parang nakakahalata na ako. “Hoy EnZo ikaw May pakana nung mga tanong kanina sa interview no” Natawa ito at hinalikan Lang ang aking kamay. “Hindi no” kaila nito pero tawang tawa Ang taba din ng utak nito eh akalain mo yun naisip pa niya yun Hindi na nahiya doon sa nag babasa ng tanong. “ Hindi ah.. kaya pala.. ano yung blue carnation at ngayon Filipino food” Napakamot ito ng buhok.. “Huwag mo naman akong ibuko Eli.. just let me I want to show you how much I like you” Naalala ko bigla si kuya Jacob. Napaka showy pa naman ni EnZo. “Ah.. pwede bang saatin na munA ito EnZo. I’m not sure how my kuya Jacob will react eh” “Hah.. why? I can ask him kung pwede kang ligawan so he knows I’m serious” “Ay naku po !! Huwag muna please Huwag muna natin biglain unti unti Lang” saway ko dito “Ok.. ikaw bahala” Sagot ni Enzo Matapos namin kumain ng lunch ay bumalik kami sa opisina nito as usual naka holding hands kami. Pinapirma ako ni EnZo ng kontrata para makapag simula na akong mag trabaho. Pinakita pa niya saakin ang magiging office ko Na katabi lang ng office niya. “Wala kang gagawin Kung Hindi mag drawing ng mga designs and then present it to me.. you can work half day I know you are working at the coffee shop and you will go to college soon kaya I understand if you can’t work full time saakin pero sa puso mo sana pwede ako full time” banat nito “Haayy naku EnZo.. Hindi pwedeng Hindi ka babanat eh no.. but seriously thank you for this opportunity It really means a lot to me” Seryoso kong pasasalamat kay EnZo. Mayamaya May kumatok sa pintuan ng opisina ni EnZo as usual 3 knocks. “EnZo May policy ba kayo na kailangan tatlong beses ang Katok bago pumasok?” Muli ay natawa ito.. “You are so funny Eli and very observant too i like that” Tawang tawa ito “Here’s your vanilla ice cream sir” she said it seductively si EnZo naman lapad ng ngiti. “ gustong gusto mong Lina landi ka ng mga babae noh?” Inis kong saad dito “What?! Of course not!! Wait are you jealous kinikilig ako babe Huwag kang ganyan”? Sh*t did I sound like a jealous girlfriend lalaki ang ulo nito lalo. “Ofcourse not!! Sinasabi ko Lang ang observation ko Enzo at ikaw ngayon mo sabihin saakin na Hindi mo idea yung pa slam book kanina Bakit my vanilla ice cream tayo isa yan sa tanong doon what is my favorite flavor of ice cream at vanilla Sagot ko!!?” Iniba ko na ang usapan ayokong mag mukang nag seselos sa harapan niya. Natawa ulit ito “ Hindi ba pwedeng nag ka taon Lang?“ palusot nito “Palusot kapa Luke EnZo” Sagot ko habang natawa din ako Bigla itong tumitig saaking mga mata hinawakan ang aking pisngi. “I love you Elisabel Claire Mendez”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD