Chapter 2 proposal

1510 Words
Isabel Dumating ang araw ng birthday ni Cassy Ewan ko Bakit excited ako. “Weh.. Hindi Mo ba talaga alam self” kausap ko sarili ko “Oo na excited akong makita si kuya pogi” muli ay para akong tangang kausap ang sarili ko. Nagsuot lang ako ng black body suits long sleeve naka tuck in sa aking faded rip jeans nakalugay Lang din ang aking buhok at walang mAke up. Nang makarating ako sa bahay nila Cassy ay agad Kong inabot ang regalo ni kuya Jacob para sakanya. Matapos ay Hinanap ko agad si kuya pogi. “Nasaan na ba si kuya pogi?” “Andoon Tara puntahan mo kulitin mo” Yaya naman ni Cassy Supportive din tong sissy ko sa kalandian ko. Nang makita ko si EnZo para nanaman akong NakAramdam ng paro parong humahalukay sa aking tiyan. Ang simple ng suot pero sobrang hot talaga. “Hoy bibig mo isara Mo pasukan ng langaw yan” biro ni Cassy “Ang pogi niya Cassy.. ilang taon naba kuya mo?” Tanong ko habang nakatanaw kay EnZo. Kausap nito ang daddy niya kaya Hindi niya ako nakikita na naglalaway sakanya. “Ahh.. 28 na si kuya EnZo girl ano bet mo pa? 11 years ang tanda saiyo although Hindi naman halata” Sagot ni Cassy “Sira crush crush Lang naman” maiksi Kong Sagot “Hmmmppp.. ok sabi mo eh.. oh tara lapitan natin kulitin mo” Yaya muli ni Cassy Hindi na ako nakapag reklamo dahil hinila na ako ni Cassy. Napalingon naman agad sila EnZo at Daddy nito saamin. “Kuya hinahanap ka ni Isabel” walang prenong saad ni Cassy Kinurot ko ito sa tagiliran dahil napaka pasmado ng bibig nakakahiya. Nakita ko si EnZo na Kumamot nanAman sa buhok niya. “Hi kuya pogi..” Ano ba yan yun nalang naisip Kong sabihin.. “Hi Isabel.. Nahihiyang Sagot nito habang kagat kagat ang labi. Ang mga mapupulang labi nito ay parang Kay sarap kagat kagatin. “Did you eat?” Tanong nito “Hindi pA nga eh.. kakadating ko Lang” pabebe Kong sagot. “Let’s go samahan kita kumuha ng food” Yaya nito Tatanggi pa ba ako eh chance ko na ito makasama. “Hmm.. ang sarap nito Enzo anong tawag dito” “Oh yeah that’s chicken enchilada rolled up I love that too” nakangiting Sagot nito “Gusto mo EnZo?” Alok ko dito sa enchilada na kinagatan ko. “Ah Isabel May ano ka..” saad nito “Ano EnZo?” Takang tanong ko Bigla naman nitong Pinunasan ang gilid ng labi ko ng kanyang hinlalaki. “Sorry May sauce sa gilid ng labi mo” nahihiyang saad nito Para akong sinilaban ng apoy ng dumampi ang daliri nito sa aking labi . “Thank you EnZo.. Ahhmm ok Lang naman saiyo EnZo tawag ko diba walang kuya kasi Hindi ka naman mukang kuya eh” “Ikaw talaga Isabel mapagbiro ka pero ikaw bahala kung anong gusto mo itawag saakin.” Sagot nito Mayamaya lang ay nagsalita na ang organizer at May pA games daw. “Ok we need 5 pairs ok we will do paper dance” Si Cassy naman agad kaming tinulak ni kuya EnZo sa harap. “Hoy sissy Kaka kain ko Lang Hindi ako pwedeng maglaro.” Wala na kami nagawa ni EnZo kung Hindi sumali. Unang round ok pa kami eh malaki pa yung paper 2nd round Medyo kailangan nanamin magdikit. Hanggang sa Paliit ng paliit yung papel. “Nako EnZo Hindi na tayo kakasya diyan patalo na tayo.” “Don’t give up easily Isabel” Sagot nito Nang huminto ang tugtog ay laking gulat ko ng Binuhat ako nito ng parang bagong kasal. Nagkatitigan pa kami habang buhat buhat niya ako. “Sh*t Elisabel Claire pigilan mo ang puso mo” awat ko sa sarili ko “See I told you don’t give up easily” Ngumiti ito sabay lapag saakin. “We won?!” Masaya kong tanong “Yes!!” Sagot ni EnZo Sa sobrang saya ko nayakap ko pa ito. “Ayy sorry EnZo nadala Lang hehehe” hiya kong saad dito. Habang nag da drive ako pauwi Hindi mawala Wala ang mga ngiti ko sa labi. First time kong mag karoon ng crush. I know crush Lang ito Hindi pA love. Kaya gusto ko Lang I enjoy Wala na mang masama. EnZo PoV Habang naglalaro kami ni Isabel ng paper dance nakita ko Christine na naka tingin saamin. Naka kunot ang kilay imbitado din kasi ito sa birthday ni Cassy. “Is she jealous” Tanong ko sa sarili ko Kaya mas lalo pA akong nag pa ka sweet kay Isabel. Binuhat ko pA ito.. at saglit akong namangha sa natural na kagandahan nito walang make up purong natural ang Ganda nito. ang mga mata nito ay Kay haba ng pilik mata ilong na kay tangos at mga mapupulang labi na para bang kay sarap halikan. Muli kong binaling ang atensiyon ko kay Christine na ngayon ay mukang umuusok na ang ilong sa selos. Ibinaba ko si Isabel. Ngunit Hindi ko inaasahan na yayakapin ako nito ng malaman na nanalo kami. Kitang kita ko si Christine na nag walk out at inirapan ako. “ she is jealous” napangiti ako at nakaisip ako ng paraan para balikan ako ni Christine. Ilang araw na akong nag papakita kay Christine na May kasamang ibat ibang babae pero Hindi ko na muli ito nakitang nagselos katulad ng pag seselos nito kay Isabel siguro dahil mas bata si Isabel sakanya. Sinadya kong puntahan si Isabel sa school nila ni Cassy. Desperado na ako kaya kahit alam Kong maling gamitin si Isabel ay susubukan ko Kung papayag ito. “Isabel” tawag ko dito ng makita ko itong pasakay sa kotse niya. “EnZo? Anong ginagawa mo dito? Takang tanong nito “ nagtuturo din ako dito once a week.. May gagawin kaba?” “Ah oo eh May work ako sa coffee shop until 6pm” Sagot nito “What About after?“ “Bakit ba saan ba tayo pupunta?” Takang tanong nito “ I have a proposal to you” mabilis Kong Sagot “Hoy EnZo Hindi pA nga tayo mag popropose kana saakin” biro nito saakin “Ikaw talaga para kang si Cassy kulit kulit mo” Nakita ko Kung paano lumamlam ang mga nito. Hindi ko alam Kung Bakit. May mali ba sa sinabi ko. “Ah osige text nalang kita Kung papayagan ako ni kuya Jacob” Sagot nito “I don’t know your number Isabel” “Akina phone mo..” naka ngusong Utos nito “Sh*t Sarap halikan” sigaw ng utak ko. “Oh ayan naka save na number ko” sabay abot nito ng phone. “Meron ka pa bang kailangan kasi ma le late na ko sa work ko” “ ah wala wait ko nalang text mo” Sagot ko Lagpas 6:00 na pero wala pa din itong text. Mga 6:30 naisipAn ko itong tawagan. “Hello who’s this?” Pati boses ang Ganda Ganda “Hey it’s EnZo.. nakalimutan mo yata akong Itext Eli?” Elisabel kasi ang naka save sa phone ko. “Eli? Takang tanong nito “Parang mas cute saiyo ang nick name na Eli..” “Paano kita I tetext Hindi mo naman binigay number mo” masungit na Sagot nito “Oh yeah sorry nakalimutan ko.. so pwede kaba? Sunduin kita?” “Ah Hindi na just tell me kung saan.. kita na Lang tayo doon” “ ok I’ll meet you sa La Piñata it’s a Mexican restaurant” “Ok see you bye” Isabel Nang makarating ako sa restaurant ay sinalubong ako agad ni EnZo. I’m really curious sa proposal niya. Kaya kahit nag sinungaling lang ako Kay kuya Jacob na May project akong tatapusin ay ginawa ko. “Hi.” Bati ko “Hi thank you for coming” Sagot nito “So ano ba yang proposal mo nakaka curious ka..” Ngumiti ito at lumabas ang sobrang puti at pantay pantay na ipin nito Meron din itong dimples katulad nang kay Cassy. “Shocks!! Gwapo nito ano man proposal nito baka Hindi ko matanggihan” siGaw ng utak ko. “Order muna tayo” Sagot nito Matapos umorder ay nag simula na itong mag tanong. “Eli.. it’s ok to call you Eli right?” “Like what you said to me bahala ka Kung anong gusto mo itawag saakin” Sagot ko. “ how old are you?” “I’m 17” “Nag ka boyfriend kana” Ano bang mga tanong nito nakaka ilang.. “Ah.. Hindi pa ano ba yan mga tanong mo EnZo”? “Sorry ha..” “Diretsuhin mo na ako EnZo Huwag kana mag paliguy ligoy pa ano ba yang proposal mo?” Nagbuntung Hininga ito at biglang hinawakan ang aking kamay. “Can you be my pretend girlfriend to win my ex girlfriend back”?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD