Wala ng nagawa si Antonio nang umalis sila para mag-shopping isinama nila si Pauline para mag-girls bonding muna sila at mamasyal sa mall. Siya ang naiwan kay Railey dahil mahimbing pa ang tulog nito. Maraming shop silang pinasukan para makabili ng mga damit at anik-anik na gamitin nila sa pag-aayos ng guest room. Mula sa bedsheet, pillow covers and blanket. Mga bagong gamit sa banyo lahat ay pinili ni Reslyn para tuluyan ng palitan ang alaala ni Ruiz. Sobrang pagod at gutom na si Pauline kaya nag-aaya na itong kumain. “Tita Amanda gusto ko po sana kumain tayo ng pizza. Gutom na po ako at napagod na rin ako sa kakaikot natin kanina,“ susog naman ni Pauline after nilang mag-ikot ikot para makapamili ng mga gamit. “Oh sure baby, alam kong napagod ka na sa kakaikot kasama namin. Hija, ano

