Walang kaalam-alam sina Iamy at Shaun na may dalawang tao pala ang nakasaksi sa kanila habang nagtatalo. Ninais pa sanang awatin ni Railey ang dalawa pero pinigilan lamang ito ni Reslyn. "Hon, hayaan muna silang dalawa na ayusin ang kanilang problema. H'wag ka ng makialam sa kanilang pag-aaway dahil wala naman tayong kinalaman d'yan." "But hon? He's hurting Iamy already. Kaibigan ko rin si Iamy kaya ayokong sinasaktan lang s'ya." "Huwag ka na kasing makisawsaw pa sa kanila dahil wala naman tayong alam sa problema nila, kaya tayo na!" awat ni Reslyn sa tangkang paglabas ni Railey sa kanilang sasakyan. Lumiko na lamang ang sasakyan ni Railey at dumaan na sila sa kabilang kalye kaya napalayo tuloy si Reslyn sa kanilang building. "Kainis naman, ang laki nilang abala ha, na-late pa tuloy

