Walang kasing saya sa pakiramdam na masayang nagsalo-salo kahit payak lang ang kanilang handaan. Maganang kumain silang apat para icelebrate ang kaarawan ng mama ni Shaun. Mas lalong masaya si Iamy dahil asikasong-asikaso s’ya sa mama ni Shaun. “Napakaganda mo talaga hija at bagay na bagay kayo ng anak ko poging-pogi din. “ pambubuyo ng mama ni Shaun. “Ma, girlfriend ko na si Iamy kaya huwag mo nang masyadong guyuhin ang baby ko, “ nakangiting sabi ni Shaun. “Kahit girlfriend mo na s’ya dapat lang inaalagaan mo pa rin ang babaeng labis mong minamahal. Shaun, nararapat lang na alagaan mo s’ya at mamahalin buong tapat.” Hinaplos nito ang kanyang mahabang buhok. “Salamat po nanay ang swerte ko po sa anak ninyo dahil hindi lang s’ya gwapo mabait din at mapagmahal kaya wala na akong mahihil

