Tinunton ni Railey ang parking lot, kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Nakita niya kaagad ang kanyang cellphone sa ibabaw ng dashboard. Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ito, 10 missed calls at 8 text messages mula kay Reslyn. Kaagad bumadya ang pag-alala sa kanyang mukha at halos liparin nito ang daan patungo sa Auditorium.
Hindi naging madali ang pag-eensayo nina Reslyn at Shaun, lalo pa at hindi ito sanay sa suot niyang gown maliban sa nabibigatan siya, nahihirapan din itong kumilos lalo na sa pagsasayaw. Kaya ng mag-practice sila ng sayaw, ilang beses din itong natapakan ni Shaun ang kanyang gown pati ang paa niya at muntik pa siyang matumba. Laging out of balance si Reslyn, kaya mabuti na lang kaagad siyang nasalo nito.
“Okay, lunch break muna kayong lahat, at bumalik kaagad pagkatapos ng dalawang oras. Bawal ang ma-late, dahil bibigyan ko ng malaking parusa ang mga late comers,“ pahayag ni Precious na ikinatuwa ng buong cast lalo na si Reslyn.
Sakto lang kasi sa break time ng 12nn at hinihintay na niya si Railey.
“Girl, sabay ka ba sa amin ngayon ni Jocelyn na mag-lunch?“ tanong ni Mia Joy.
“Hindi muna Mia, kasi hinihintay ko pa si Kuya Rail, susunduin niya ako ngayon. Sabay na kasi kaming mag-lunch, kaya mauna na lang kayong kumain ni Ate Jocelyn,“ nakangiti nitong sabi habang dina-dial ang numero ni Railey.
Kunot-noo niyang ibinaba ang kanyang cellphone, dahil hindi nito sinasagot at hindi naman nag-reply sa lahat ng text niya.
“Sigurado ka ba d'yan Reslyn, baka gutom ang aabutin mo sa kakahintay diyan sa jowa mong hilaw? Iyan na nga ang sinasabi ko sa'yo, huwag kang umasa diyan sa wala, baka madurog ang puso mo sa huli,“ nag-aalala ng sabi naman ni Jocelyn sa kanya.
“Tse! Hindi ko iyon jowa noh, love ko lang naman eh,“ nakangisi pa nitong sagot at ipagtulakan pa niya palabas sa Auditorium ang dalawa niyang wicked stepsisters sa palabas nila.
Naiwan mag-isa sa Auditorium si Reslyn, dahil sabay nag-lunch sina Mia Joy at Jocelyn. Hindi pa rin tumigil si Reslyn, sa pagtawag at pag-text kay Railey, kaya nang makaramdam ng pagod at antok sumalampak na lang ito ng upo sa isang sulok.
Hindi niya namalayan na nakaidlip ito sa kakahintay. Kaya nagitla siya ng maramdaman ang malamig na bagay sa kanyang mukha. Pagkamulat ng kanyang mga mata, bumungad ang mapang-asar na ngisi ni Shaun.
“Bwisit ka Shaun! Ano ba iyon?“ asar na tanong ni Reslyn.
“Bakit dito ka natutulog, Reslyn? Ang akala ko ba may lunch date ka ngayon?" tanong ni Shaun.
"Kanina pa ako naghihintay kay Railey, hindi ko namalayan na makatulog ako dito," umupo ng tuwid si Reslyn at nagpunas ng kanyang pawis.
"Na-indian boy ka ba ng ka-date mo? Sino ba iyan at tuturuan natin ng leksyon?" sunud-sunod na katanungan ni Shaun. "Ang mga babae kasi, hindi iyan dapat
pinaghihintay sa kanilang date.“
“Hmm. Ano ba ang pakialam mo kung maghihintay ako sa kanya? Tsaka, bakit nandito ka pa? Hindi ba umalis ka na kasama nila Mia Joy at Jocelyn?“ inis naman na balik tanong ni Reslyn.
“Tapos na akong nag-lunch at ngayon lang ako bumalik, kaso nakita kitang natutulog dito kaya lumapit na ako para gisingin ka." May bahid ng pag-alala sa boses nito.
"Tsaka kumain ka muna, may dala akong merienda para hindi ka nalipasan ng gutom sa kakahintay. At least may laman na ang tiyan mo kung sakaling hindi siya darating,“ malumanay na sabi ni Shaun habang inaayos ang pagkain sa kanyang harapan.
“Wow! Ang sweet mo naman, nag-abala ka pang dalhan ako ng foods. Thank you, Shaun!" sabi nito habang nilantakan ang dalang pagkain ni Shaun dahil gutom na rin siya.
Habang kumakain si Reslyn, ay kinuha ni Shaun ang kanyang gitara at kumanta ng "Lucky". While strumming his guitar, nag-umpisa ng kumanta si Shaun habang nakatingin kay Reslyn na kumakain.
[Shaun]
"Do you hear me, I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying," umpisa ng pagkanta ni Shaun, kaya tumigil muna sa pagkain ni Reslyn. At dahil isa ito sa kanyang paboritong kanta, kaya tumigil ito sa pagkain at sinabayan si Shaun.
[Reslyn]
"Boy, I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard," tuloy lang sa pag kaskas ng gitara si Shaun at nag-duet na silang dalawa pagdating ng chorus.
[Shaun & Reslyn]
"Lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again..
Ooohh ooooh oooh oooh ooh ooh ooh ooh.." tumigil si Shaun, pero tuloy pa rin sa pag kaskas ng kanyang gitara. Habang ang mga mata'y nakatitig lang kay Reslyn, kung saan ito naman ay nagpatuloy sa kanyang pagkanta.
[Reslyn]
"They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you, I promise you, I will" muling nag-duet ang dalawa at masayang kinanta ang chorus.
[Shaun & Reslyn]
"Lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday.." madamdamin na kinanta ni Shaun ang kanyang part, pero nanatiling nakatitig lang kay Reslyn.
[Shaun]
"And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair."
Nakangiting humarap si Reslyn kay Shaun at ipinagpatuloy ang pagkanta nito.
[Reslyn]
"Though the breezes through the trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning round
You hold me right here right now.." itinigil ni Shaun ang pagkaskas sa kanyang gitara tsaka tumayo, hinawakan ang mga kamay ni Reslyn at sabay nilang kinanta ang chorus.
[Shaun & Reslyn]
"Lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday.." hinawakan ni Shaun ang pisngi ni Reslyn, habang kinakanta nito ang huling kuda.
[Shaun]
"Ooohh ooooh oooh oooh ooh ooh ooh ooh.. “
[Reslyn]
Ooooh ooooh oooh oooh ooh ooh ooh ooh.."
Isang malakas na palakpakan at hiyawan, ang umagaw sa atensyon nina Reslyn at Shaun. Lahat ay namangha sa kanilang duet performance na ginawa kanina lamang. Kahit si Reslyn, ay hindi makapaniwala na makasabay niya si Shaun sa pagkanta.
Masyado silang na overwhelmed ng kanta, kaya tuloy-tuloy lang sila sa pag-awit. Walang pakialam sa mga tao sa kanilang paligid na masayang nakikinig. Pero ang kasiyahan nila'y biglang binasag naman ni Jocelyn.
“Akala ko ba may lunch date kayo ni Railey? Bakit kayo ni Shaun ang magkasama ngayon?“ takang tanong ni Jocelyn at palipat-lipat pa ito ng tingin sa kanilang dalawa.
“Ahmm.. Kasi hindi pa dumating si Kuya Rail, at nakatulog ako sa paghihintay sa kanya kanina. Tapos dumating si Shaun, ginising niya ako sa pagtulog ko at binigay na lang iyong dala niyang meryenda sa akin."
"Ahhhhhh..kaya pala! Tapos?"
"Habang kumakain ako, kumanta naman siya ng 'Lucky' at sinabayan ng pagkaskas niya sa gitara."
"Kaya pala ang saya, nag-duet pa kayong dalawa."
"It's my favorite song kaya sinabayan ko na siya sa pagkanta. Sorry, di namin napansin ang pagdating ninyo,“ tense na paliwanag ni Reslyn at palinga-linga pa ito sa paligid.
“Okay. It was a nice duet. But we must go back to our rehearsal. Dahil next week, would be our biggest break. So, please do your best guys,“ masayang saad ni Precious para sa kanyang mga sophomore students.
Back to rehearsal ang kanilang group para sa Theater act nilang Cinderella. Hindi na naisip ni Reslyn ang pagdating ni Railey, dahil naging abala na sila sa rehearsal. Pero lingid sa kaalaman ni Reslyn, dumating talaga si Railey. Kaya lang hindi na ito nagpakita pa sa kanya para maiwasan ang distraction sa kanilang pagkanta.
Nasaksihan mismo ni Railey ang duet performance nina Reslyn at Shaun, kaya tahimik na lamang siyang nanonood sa malayo hanggang sa matapos ang kanilang madamdamin na pagkanta ng 'Lucky' ang paborito nilang kanta.
Bumalik na ang kanyang mga kasamahan kaya nagdesisyon na lamang umalis ng auditorium si Railey, pagkatapos ng kanta nina Reslyn at Shaun. Napahanga ito sa tinatagong talento ni Reslyn sa pagkanta pero hindi niya inaasahang mag-eenjoy na ito sa piling ng iba. Na kaya niyang maging masaya kahit wala siya sa kanyang tabi.
“Gusto ko lang maging masaya ka rin Res, kahit wala ako sa tabi mo."
Aminin man ni Railey o hindi nagseselos siya sa kanyang nasaksihan na masayang magkasama sina Reslyn at ang lalaking iyon, tapos kinakantahan pa ang kanyang kababata. Kaya agad na niyang nilisan ang Auditorium dahil hindi na niya matatagalan pa ang nakikitang chemistry sa kanilang dalawa.
Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang kanyang nararamdaman, dahil nagseselos siya ng makita niya ang masaya si Reslyn at yung lalaki na kapareha niya sa palabas nila na Cinderella. Wala siyang karapatan na maramdaman ito, dahil wala naman silang relasyon ni Reslyn, hanggang magkaibigan na lamang ang kanilang pagtitinginan.
"Pero, bakit ganito ang aking pakiramdam para sa kanya? I didn't owned her, but as if I wanted her to be mine alone. I'm afraid to take the risk of loving someone all over again. Paano kung hindi ko talaga kayang pasayahin si Reslyn?"
Pailing-iling na lamang ito, bago binuhay ang makina ng kanyang sasakyan. Habang nasa byahe ito pauwi ng kanilang bahay muling bumalik sa kanyang ala ala ang nangyayari doon sa Auditorium. Ramdam nito ang sweetness nilang dalawa lalo ng mag-duet ito sa chorus. Tsaka hinawakan pa ng lalaking iyon ang pisngi ni Reslyn.