Minabuti na lamang ni CJ ang umuwi dahil ayaw na n'yang marinig pa ang mga pang-aalipusta ng mommy ni Dhane sa kanya. Labis na nasaktan ang kanyang damdamin sa harap-harapan nitong pag-ayaw sa kanya para kay Dhane. Napakasakit pero wala na s'yang magagawa pa kundi ang lumayo na lamang keysa mawala pa ang kanyang respeto para sa kanya. Minahal na rin n'ya si Dhane pero kung ganito ang magiging kahahantungan ng kanilang pagmamahalan, di bali ng mawalang kasintahan para hindi s'ya makakasakit sa damdamin ng mommy ni Dhane. Malamang paglayuin lang din sila nito kaya ngayon pa lang uunahan na n'ya ang posibleng gagawin nito sa kanilang rekasyon. "Dhane, tama na ayoko nang ipagpatuloy pa itong nararamdaman natin para sa isa't-isa dahil hindi ako gusto ng iyong mommy. " mahinahon na sabi ni CJ

