Labis na nasaktan si Ruiz dahil hindi niya inaasahan ang pagsisinungaling na iyon ni Railey sa kanya. Hindi naman siya tanga at manhid para hindi man lang maramdaman ang apektado na apektado siya kay Reslyn at Shaun. Umalis na lamang si Ruiz para magpalipas sa kanyang sama ng loob kaya kaagad sumakay sa taxi pagkalabas ng campus. Lumingon muli sa entrance gate ng paaralan pero kahit anino man lang ni Railey wala siyang maaninag sa malayo. Kaya mas lalong bumuhos ang pinipigilan niyang pagluha. “Miss hindi sa nakikialam o nanghihimasok ako sa personal mong buhay pero bago po ang lahat, maaari ko po bang malaman ang iyong pupuntahan? Hindi ko po kasi alam kung saan kita ihahatid,“ untag ng driver sa kanya. “Pasensya na po manong, pakihatid nalang po ako sa Don Manuel Agregado St. Biak na

