Inis si Railey sa pagtanggi ni Dhane pero pinipilit pa rin niyang ipahanap si Reslyn dito. "Bakit ko naman hahanapin eh hindi na iyon bata para matakot ka na mawawala siya? Baka nakipag-date lang naman Tol, hayaan mo na dahil dalaga na rin iyang baby loves mo. Para munang awa sa akin!“ “Hindi nga pwede nag-alala na rin si Tito Antonio kaya hahanapin natin siya at iuuwi sa kanilang bahay na ligtas.” “Tol, masyado ka naman yatang over protective diyan kay Reslyn. Paano magkaroon iyan ng boyfriend kung hinihigpitan mo naman ng sobra? Over protective ka lang ba talaga sa kanya or nagseselos ka na?“ Saglit na natahimik si Railey bago pa ito nakasagot. “G*go! Nagkabalikan na kami uli ni Ruiz kaya huwag mong bigyan ng malisya ang pag-alala ko para kay Reslyn.“ Biglang napalingon si Ruiz ng m

