Nagising si Iamy sa tila isang malalim tulog at galing sa isang magandang panaginip. Muling nanariwa sa kanyang isipan ang magandang boses ng ekstrangherong lalaki habang kumakanta ng Right waiting na sinabayan pa ng gitara. Hinahanap n’ya sa paligid pero wala s’yang nakikita ni isang tao. Inalala n’ya ang mga nangyayari bago pa s’ya nawalan ng malay pero ang kinalalagyan ni Iamy ngayon ay malayo sa huli n’yang nakita sa ilalim nang puno ng acaccia. Nilibot n’ya ang kanyang paningin sa buong paligid. Purong kulay na puti ang pintura ng dingding at manipis na puting tela naman ang kanyang kasuotan. “Nasaan ba talaga? Bakit kaya ako nandito? “ sunud-sunod na tanong sa kanyang sarili. Bumukas ang pinto at pumasok ang gwapong lalaki, nakasuot din ito ng puting kamesita at pantalon. May haw

