Muling umilaw ang entablado at bumukas ang telon, hudyat sa muling pagsisimula ng palabas. Ito na ang ikatlong bahagi ng palabas kung saan nag-uusap ang Hari at Reyna para sa paghahanap ng mapapangasawa ng kanilang pinakamamahal na Prinsipe. /Hari :- ) talking/ (Abe) “Batid kong lumaking mabait at mabuting anak ang ating Prinsipe. Nararapat na sigurong magkakaroon na ng kabiyak upang meron na tayong maging Prinsesa sa ating kaharian. Ano sa palagay mo aking mahal na Reyna?“ /Reyna :- ) talking/ (Janeth) “Nasa tamang pag-iisip na ang ating Prinsipe, kamahalan at siguro kailangan nating magdaos ng engrandeng kasiyahan sa ating kaharian. Ating bigyan ng paanyaya ang lahat na kababaihan sa labas ng ating palasyo pati na sa karatig bayan na dumalo para makapili ng maayos ang ating anak.“ /

