Nagdadabog si Railey pagkapasok nito sa bahay kaya nagulat ng husto ang kanyang ina na si Amanda sa iginawi nito. “Hijo, bakit ka nagdadabog d'yan? May problema ka ba? Come here son, pag-usapan natin yan,“ nag-alalang niyakap ng ginang ang kanyang nag-iisang anak na si Railey. Dahil sa yakap ng kanyang ina kumalma si Railey at humingi naman ito kaagad ng paumanhin sa mali nitong inasal. “Im sorry mom, na-pressure lang ako sa laro namin kanina. Huwag kang mag-alala mommy, I’m fine,“ kalmadong saad ni Railey. “That's good, my boy! Dahil diyan may regalo ako sa'yo at para sa inaanak ko. Nag-bake ako ng favorite cake ninyo ni Reslyn kaya halika na sa komidor para matikman mo ang aking luto. Syempre ikaw ang first taste ng luto ni mommy dahil wala na ang iyong daddy na siyang number 1 fan

