Hindi inaasahan ni Dhane ang biglaang pagsulpot ni Railey sa kanyang pad pero isa lang ang pwedeng dahilan nito malamang may tinakasan siyang problema. Problemang hindi nito kayang sabihin sa kanyang immediate family kundi sa kanyang malalapit na kaibigan lamang. “Hey! Bakit ka nagugulat sa biglaan kong pagdating may kasama ka bang chicks diyan sa loob para ayaw mo akong papasukin?“ tanong ni Railey kay Dhane. “Of course, no chicks are allowed inside my Bachelor’s pad but I allowed babes with me,“ nakangising sagot naman nito at pinapasok na kaagad si Railey. Labis man na nagtataka si Dhane pero hinayaan na lamang niya itong makapag-relax dahil bakas sa mukha nito ang malaking problema. Hindi ito basta-bastang dadalaw sa kanya kahit malalim na ang gabi kung wala itong matinding pinagda

