Nasa loob na sila ng private room kung saan nagpahinga ang kanyang nanay Amanda. “Ruiz, nak! Kamusta ka na? Mabuti naman at dumating ka na masyado akong nag-alala sa pag-alis mo. Sumabay pa si Railey na naaksidente, hindi ko na alam kung anong gagawin ko nak,“ umiiyak na saad ni Amanda. “Nay, tama na wag po kayong umiyak, please makakasama rin iyan sa iyong kalusugan. Isipin n’yo rin ho ang inyong kalagayan ngayon baka atakihin uli kayo sa puso nay kaya please huwag na po kayong mag-alala sa akin. “Si Railey, kamusta na ang anak ko? Pwede ko na bang makikita s’ya ngayon?“ sunud-sunod nitong tanong. “Magpagaling ka muna nay at pagkatapos pwede mo ng dadalawin si Railey sa ICU,“ hinalikan ni Ruiz ang ginang sa kanyang noo. “Nak, may sakit ka ba bakit ang tamlay-tamlay mo ngayon? Mabubuh

