Tahimik akong naglakad upang sumunod sa kanya. Hindi ko siya tinawag o nagsalita man lang. Nakasunod lang ako sa kanya ng tahimik hanggang sa lumabas siya siya ng rental house at magtungo sa volcanic rocks kung saan kami unang nagkita sa unang araw naming pareho rito sa resort. I was walking a few meters after him. Sinadya kong lumayo sa kanya ng kaunti ngunit sinuguradong natatanaw ko ito sa malayo. Hindi ko alam kung bakit ako nakasunod, the only thing I know is I think Keon need me or sa tingin ko, kailangan ko siyang i-comfort like he does everytime I'm down. Dire-diretso lamang itong naglalakad sa buhangin hanggang sa makarating sa pwesto ng volcanic rocks. Hindi roon ganoong kainit dahil sa puno sa likod nito na nagsisilbing harang sa sinag ng tirik na tirik na araw. Sa pagkakaal

